"I think malayo pa ata yung San Agustin Church."- he said

"Hindi, malapit lang 'yon."- i said

Tumingin sya sa akin.

"Paano mo nasabi?"

Ngumiti ako sa kanya

"Don't worry, i knew it."- i said tapos hinila ko na sya.

Habang naglalakad kami ang daming babaeng tumitingin sa kanya, tapos yung iba lumilingon pa. Tumingin ako kay Raven, seryoso lang syang nakatingin sa daan.

"Omg ang gwapo nun oh."

"Oo nga, sayang may girlfriend."

Napalingon ako sa dalawang babae na nakaupo doon sa gilid. Nangiti ako ng sandali, bwahahahaha ang sarap lang kasi sa feels na inaakala nilang girlfriend ako nitong katabi kong gwapo. Bwahahahaha!

"Why are you laughing?"

Napatigil naman ako bigla, wait? tumatawa ba ko?

"A-Ah wala lang."- umiwas ako ng tingin at binilisan ang lakad ko.

"Wait."- hinawakan nya ulit ang kamay ko

"Bakit?"

"May ice cream oh, tara bili tayo."- hinila nya ko sa bilihan ng sorbetes.

Bumili sya ng tig 15 pesos na nasa apa. Pagkabili namin umupo kaming dalawa sa gilid,  nasa harap namin ang Casa Manila.

"Nakapasok kana ba dyan?"- tanong ko sa kanya

"Hindi pa at wala akong balak pumasok dyan."- diretsong sagot nya, sungit.

"Ganun."- kumain nalang ako ng ice cream

"What the? Ayusin mo nga yang pagkain mo ng ice cream mo."

Napa-tigil naman ako at napapunas sa lips ko. Tapos tumingin ako sa kanya, padabog syang kamakain ng ice cream. Ano bang problema nito? Tss buti pa si George nung may dumi ako sa mukha pinunasan nya 'yon ng marahan, sya hindi.

Napapansin ko naman na may tinitignan ng masama si Raven, tinignan ko naman. Halos mapasalubong ang dalawang kilay ko, nakatingin sa akin yung lalaking mukhang chingchong. Pero arrghhh anf gwapo mga besh!

"Huwag mo ngang titignan yang intsik na yan."- reklamo ni Raven

Tumingin ako sa kanya.

"Eh nakatingin eh, anong magagawa ko?"- tanong ko sa kanya

"Edi huwag mong tignan!"

Napa-tss nalang ako, sakto na natapos na akong kumain ng ice cream tapos tumayo na ko.

"Tara na, ayan na yung simbahan ng San Agustin oh."- tinuro ko sa kanya.

Tumayo sya habang nakatingin parin doon sa lalaki.

"Huy tama na nga yan, akala mo naman ang tapang-tapang mo."- sabi ko sa kanya, tumingin naman sya sa akin

"Tss."- ningisihan nya lang ako, tapos lumapit sya agad sa lalaki, hindi ko na syang magawang sundan dahil nahihiya ako sa ginagawa nya. Yays!

After nyang kausapin ..

"Anong sinabi mo doon?"

"Edi Ni Hao Ma."

Tumingin ako sa kanya, joke ba yun? Hindi ko na sya pinansin, nababaliw lang ako. Pagpunta namin sa simbahan umupo muna kami sa loob.

Tahimik lang kaming dalawa, habang nakatingin ako sa altar nararamdaman ko ang kamay ni Raven na pahawak sa kamay ko. Inilayo ko agad yung kamay ko.

Love GeniusWhere stories live. Discover now