Halos araw-araw ko na siyang nakikita noong mga panahon iyon kung saan mas nainspired pa akong pumasok. (Grabeeee te. Landeeee)

Hindi man kami nagkaroon ng time para mag-usap, masaya na ako dahil nakikita ko naman siya.

Paglipas ng dalawang taon, naging magkaklase kami at yung puso ko ay nag-uumapaw sa saya. Sa WAKAS! 😍

**

Naging magkaklase nga kami at naging magka-ibigan. Hindi man GANUN ka close pero kahit sa simpleng bagay, masaya na ako.

May ilan din kaming mga kaklase na nakakaalam na CRUSH ko siya at hindi rin nagtagal ay nalaman niya ito pero dahil mga bata pa kami noon, hindi namin ito sineryoso.

Pero iba eh, iba yung dating. Iba yung impact niya sa akin.

One time pa nga tinanong niya ako, “CRUSH mo ba talaga ako?” halos hindi ako makahinga sa tanong niyang yan at ang tanging sagot ko lang dito ay matamis na ngiti saka siya iniwan.

Yung pakiramdam na napakadami mong gustong sabihin pero yung dila mo tila umaatras. Ganon! Mismo! Yun ang nangyayari kapag anjan siya sa tabi ko.

Meron pa, Sports fest namin noon at dahil Volleyball player siya syempre todo cheer ako. (Sa loob-loob ko lang) dahil nga alam ko namang aasarin lang ako ng mga kaibigan at kaklase ko.

Habang naglalaro sila, steady lang akong nanood at pigil na pigil ang ngiti at ang pag cheer sakanya sa tuwing makakapuntos siya.

Noong nasa kalagitnaan na ng laro ay nilapitan ako ng isa sa mga kaklase namin sabay sabing

“Asan na yung tapang mo? See hindi na sila nakaka-score. I-cheer mo naman si *toOot* baka yun lang hinihintay niya sayo.”

Oo CRUSH ko siya. Crush na crush pero isa akong DUWAG. :(

Hindi ko manlang siya na-cheer that day at sa huli, talo sila pero panalo parin naman siya sa puso ko. (Hay nakoooo)

Habang nakikipag kamay sila sa kabilang team, bigla akong tinulak ng isa sa mga kaibigan ko palapit sa kanya at binigyan ako nito ng bimpo sabay bulong ng

“PUNASAN MO PAWIS NIYA O AKO PUPUNAS JAN. SIGE KA, BAKA BUKAS KAMI NA NIYAN.” alam ko namang biro lang niya iyon pero sinunod ko nalang ang utos niya para wala na siyang masabi pa.

Laking gulat ko naman nung tumawa  si CRUSH sabay sabing ‘SWEET Mo naman.” ramdam ko yung init sa mukha ko noong mga oras na ‘yan at pigil na pigil sa pagtawa kaya hinayaan ko nalang, diko siya pinansin saka sinimangutan. Nung paalis na ako, bigla niya akong hinila saka binigyan ng isang CUPCAKE at JUICE na sana ay miryenda niya bigay ng coach nila.

Yung puso ko diko makalma sa sobrang bilis at lakas ng tibok nito.

Hindi lang ‘yon ang unang beses na binigyan niya ako ng pagkain. Madaming beses~ at sa maniwala kayo't sa hindi, ang mga pagkaing ‘yon ay inipon ko sa isang box. Chocolate, biscuits, juice, candies, at madami pang ibang laman nung box na galing sakanya at saka ko lang ito kinain noong bakasyon na.😂 oo ganun ako ka-abnormal pagdating sakanya.

Nakakatawa ba? Ganun kaseeee ako ka-valuable Sa mga bagay na bigay niya.

Hanggang sa dumating yung panahon na alam ko namang malabo talaga~ nagkahiwalay kami ng ilang taon, at noong isang taon lang (2019) ay nagkaroon ulit kami ng komunikasyon at muling nagkita.

Madaming nakakaalam na gusto ko siya, na kung gaano ako katanga pagdating sakanya. Pero ano pa nga ba? PUSO ko naman ang nagdikta at hindi sila.

Ako naman ang nagmamahal at hindi sila. Diba?

So PAKI NIYO? Jusmeeee!

J O K E ^____^

Ganto kasi yan, ngayon na ako magsasalita ha?

If you really love a person, learn to wait. Maybe you are not meant to be together for today but meant to be in the future.

Oo wala akong pinanghahawakan, pero alam mo kung ano ang meron ako? Yung tiwala Kay God.💛 Kung hindi man siya ang nakatakda para sa akin, then okay. Sa bilyong tao sa mundo, alam kong may isa dun ang itinakda ni God para sa akin.

At kahit ilang beses ko mang isipin o sabihin sakanya na I MISSED YOU, I will not expect him to missed me back alam mo kung bakit? Kasi ako lang to eh.

You'll end up really dissapointed if you think people will do for you as you do for them. Not everyone has the same heart as you. At naiintindihan ko kung hindi man siya magkagusto sa akin, o kung hindi man niya ako magustuhan.

I love him but I'm not expecting him to love me back. Sabi nga nila, mahirap ang WALA pero mas mahirap ang PARANG MERON. At totoo nga ang katagang “WALANG HINDI NAGPAPAKATANGA KUNG TALAGANG NAGMAMAHAL KA.”

I just wanted you to know that

“I've been trying to get over you for such a long time now, but no matter what I do it never works. And I know we won't be together, I know it wouldn't work out.
But everytime I see you I realize that you're pecial to me and I hope that I will find someone like you although I know I won't (nag-iisa ka lang kasi).
I have accepted the fact that you will always have a place in my heart, that you'll always be a part of me.
And I have no control over that.”

THANK YOU FOR BEING A PART OF MY LIFE WHEN YOU WERE. I HAVE NO REGRETS AND I WILL CARRY YOU IN MY HEART NO MATTER WHERE LIFE TAKES ME.

#Learntobecontented.💛

R A N D O MWhere stories live. Discover now