Setting
Time: Early Morning
Place: Heavenly University
Characters:
• Cleo Abigail Caliver
• Axel Drix
• Calix Gabriel
• Calla Gabriel
~
Cleo POV
First Day!
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng bago kong nilipatan na school. Hindi ko alam kung bakit ako nilipat ni mommy dito malayo ito sa syudad at iilan lamang ang estudyante. Pero inaamin ko na kakaiba ang laki at ganda ng paaralang ito kumpara sa mga paaralan sa syudad.
Oo nga pala! Ako si Cleo Abigal Caliver, 21 years old. Bunso ako sa aming magkapatid, simple lang ang pamumuhay namin kaya lubos na nakakapagtaka kung paano ako nakapasok sa ganito kaganda at kalaking school.
"Hi! Can i ask something?"
teka? ako ba ang kausap ng babaeng ito?
"Ako ba ang kausap mo?" Maayos kong tanong sabay turo sa aking sarili
"Yes, may iba pa ba?" Maayos din niyang sagot. Aba direct to the point ang babaeng to ha! mukhang magkakasundo kami hehe!
"So i guess it's a yes?" Pahabol niyang sabi. Tumango na lamang ako bilang pangsang- ayon.
"Are you Cleo Abigail? The transferee student?" tanong niya.
Wow! Paano niya nalaman na transferee ako at ako si Cleo? Teacher ba siya? or siya yung Principal nitong school, naku dapat pala maayos ang pananalita ko sakanya kanina bilang pagrespeto.
"Relax girl, hindi ako teacher or principal, student din ako katulad mo." Wait what? Paano niya nalaman ang laman ng isip ko?
"I can read minds! Sorry i accidentally read your mind" mahinahon niyang sabi.
Nakakabasa siya ng isip? What? So ibig sabihin hindi siya tunay na tao katulad ko? Anong klaseng school ba ang pinasukan ko? Teka nga tignan ko nga ulit kung ito yung address na binigay sakin ni mommy, baka nagkamali ng drop off sakin si mommy haysss!
"No, tama ang napasukan mong school. Atsaka hindi ka naiiba samin, kaya ka nandito dahil katulad ka namin." ha? Katulad? Eh wala naman akong kakayahan para bumasa ng isip atsaka wala din naman akong powers
"Halika sumama ka sa akin, ipapaliwanag ko sayo ang lahat." pagkasabi niya non ay bigla na lamang siyang tumakbo nang pagka bilis bilis habang hila hila ako.
Ano ba yan! Hindi ko naman inexpect na mapagod ng ganito kalala sa first day of school ko.
Patuloy lang siya sa pagtakbo at paghila sa akin hanggang sa huminto kami sa harap ng napakalaking pinto. Oh no! Saan kaya ako dinala ng babaeng to? Atsaka anong gagawin niya sakin.
"Sorry, naweweirduhan ka ata sakin btw i'm Calla Gabriel, i'm your roommate at ito ang room natin" sabi niya sabay turo sa napakalaking pinto.
Kung tutuusin mas malaki nga ang pintong tinuturo niya kaysa sa ibang pinto, ano kayang meron at parang kakaiba ang kwarto na ito?
"Halika na, hinihintay na tayo ni Calix at ni Axel." Calix at Axel? So ibig sabihin may kasama pa kaming iba sa dorm? At ang mas lala dalawang lalaki pa? Oh noooo!!!
Pinagbuksan ako ng ng pinto ni Calla dahil wala pa naman akong duplicate ng susi kaya dapat lamang na siya na muna ang magbukas hehe. Pagkabukas niya ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko, lumulutang na gamit at nagaapoy na mga kamay.
YOU ARE READING
School of Supernaturals
FantasySchool of Supernaturals is a school for humans with different kinds of strength and ability. Cleo Abigail Caliver is just a simple girl, what will happen if she founds out that she also has an ability like her new classmates. Would she accept it or...
