Noong unang panahon may isang engkanto ang tumawid sa mundo ng mga mortal upang pag aralan ang mga gawi ng mga tao...
Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon napaibig ang binatang engkanto sa isang babaeng mortal...
Nang malaman ito ng mga magulang ng dalaga humingi ito ng tulong sa isang napakalakas na albularyo.
Sa kanilang paglalaban ay natalo ang binatang engkangto at nagtamo ng malaking pinsala, dahil sa nangyari lumabas ang hari ng mga engkanto para matigil na ang higwaan ng mga tao at engkanto, pinatulog ng hari ang binatang engkanto sa isang ligtas at malayong lugar sa loob ng kanilang mundo.
bago tanggapin ng binata ang pagkatalo ay nangako ito sa dalaga na hahanapin sya nito kahit pa saang lugar o kahit lumipas pa ang ilang libong taon.
dahil kapag umibig ang isang engkanto ng tunay ito ay pang habang buhay at nagtatagal kahit pa sa ilang buhay.
Sinasabing ginagamit ng engkanto ang elemento ng hangin sa lugar na ito habang itoy mahimbing na natutulog upang tawagin ang iniibig.
"Ow, Sa panahon ngayon, kung saan halos lahat napapaliwanag na ng science, meron parin palang kwentong tulad ng ganito. Kaya ba malakas ang hangin dito at nagtayo sila ng mga windmill?" Huminga ako ng malamin habang binabasa ang nakaukit sa bato sa ibaba ng isang malaking rebulto na pinaliligiran ng mga halamang bulaklak. Nakaukit sa rebulto ang dalawang taong magkahawak ng kamay.
Kriiiing!!
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko ng marinig ko ang ring nito.
"Hello Ma, andito nako sa probinsya... don't worry okay lang ako. Ipagtatanong ko nalang sa mga tao dito ang bahay nila Lola." Malungkot kong sabi habang pinaglalaruan ko sa daliri ko ang isang singsing na binigay sakin ni mama nung nagsimula akong magtrabaho.
Nalulungkot ako dahil hindi ko naman talaga gustong umalis ng Metro Manila. Maganda ang trabaho ko sa isang kumpanya pero hindi ko akalaing may mabubuong inggit sa mga kasamahan ko at tinangka nila akong sirain. Kaya ngayon heto ako magsisimula ng buhay sa isang liblib na lugar kung saan walang makakakilala sakin. Kung saan hindi ko kaylangang humarap sa tao na may kakahiyan sa mga mata ko.
Halos madapa ako habang naglalakad sa bayan nila mabuti nalang may nakita akong tricycle para sakyan. hindi pa ganuon kasemento ang mga daanan ang iba'y lupa pa at lubak lubak. Konti lang din ang mga tao sa baryong to, malamang magkakakilala silang lahat dito. Namiss ko tuloy ang manila, pano ba ako mabubuhay sa ganitong lugar? Even wifi wala sila, which is para sakin mas okay.
May nadaanan din akong school medyo malaki pero luma na ang building nito. Nang bumaba ako sa tricycle tinulungan agad ako ng driver na ibaba yung maleta ko na nakasabit sa bubong ng tricycle. In fairness mababait naman yung mga tao dito. From this point onward kailangan ko ng maglakad, kaya naman hinila ko sa lubak lubak na lupa ang maleta ko at sumilong sa isang tindahan para magtanong sa mga ginang na nakaupo sa gilid ng tindahan. Pero mukhang may nagtatanong pa kaya naman bumili muna ako ng softdrink sa tindahan.
"Sino yung hinahanap mo ulit iho?"
"Si Rayven po, Rayven Dimaano. Yung galing pong Manila na Kalilipat lang po dito."
"Ahhh! Yung anak ni kwan, ano nga ulit pangalan nun?"
Actually wala naman akong kinalaman sa pinag uusapan nila pero hindi ko lang din maiwasang hindi makinig ng marinig ko yung Manila. Hindi ako chismoso ha!?
"Salamat po." Sabi ng binata na talaga namang hindi mo maitatanggi na talagang may itsura ito. Halos nagliliwanag din ang kaputian ng kutis nya sa tabi ng mga taong nandito.
YOU ARE READING
Elements of Love: Follow the wind
RomanceNaranasan nyo nabang gumising everyday na parang may kulang sainyo? Na parang may hinahanap ka na kahit anong gawin mo hindi mo mahanap o malaman kung ano o sino yung hinahanap ng puso mo. Nagsimula ang kwento ko ng mapilitan akong tumira sa probins...
