Ang amo ng mukha nito at mukhang malalim at mahimbing na ang tulog. Umayos siya ng upo para maisandal nito nang maayos ang ulo sa balikat niya. Itinaas niya naman ang kamay na may hawak ng cell phone para kumuha ng selfie.

"Bagay na bagay, may chemistry," ngiting-ngiting sabi niya.

Halos sumakit na ang pisngi niya sa kakangiti. Kumuha pa siya ng madaming picture nilang dalawa at stolen shots ng isang sleeping Alt. Nang makuntinto ay ibinalik na niya ang shades sa mukha nito. This time, ang isang pares naman ng suot nitong earbuds ang pinagdiskitahan niya.

Ano naman kayang pinapakinggan nito?

She took the other one and put it in her ear.

"Swept away on a wave of emotion. Over-caught in the eye of the storm. And whenever you smile I can hardly believe that you're mine. Believe that you're mine..."

Ibinaling niyang muli ang tingin sa labas.

So you like Westlife, ha?

"This love is unbreakable. It's unmistakable. And each time I look in your eyes, I know why."



"I'M HOMEEE!" malakas na sigaw ni Scroll mula sa labas ng bahay. Sa sobrang lakas nagsilabasan sa mga bahay ang mga kapitbahay nila at ang mga magulang at mga kapatid niya.

Si Alt na nanlaki ang mga mata nang halos palibutan ng mga tao ang bahay nila.

"Boang ka man diayng bataa ka!" sigaw ng ina niya mula sa terasa ng second floor. "Umuuwi ka nang walang pasabi." Mabilis na nawala ito at bumaba ng second floor.

Nginitian niya si Alt. "Relaks ka lang, mabait ang Mama ko. Mukha lang hindi." Ibinaling niya ang tingin sa mga kapitbahay nila. Kumaway pa siya sa mga ito. "Hi! Long time no see. Oy, Milenda nanganak ka na pala. Goryo, musta na? May jowa ka na ba? Naks! Jana, dalagang-dalaga na ah."

Pasimple siyang siniko ni Alt sa braso. "Ganito ka ba talaga umuwi sa inyo? Para kang tatakbong mayora."

Natawa siya. 

"Ano ka ba, malalaman din naman nila. Maliit lang 'tong purok namin. Ang chismis dito sa'min mas mabilis pa kay Flash." She linked her arm with Alt's arm. "Halika na, pasok muna tayo."

Pagpasok na pagpasok nila sa loob ay nakaharang na sa sala ang ina at ang dalawang kapatid na sila Page at Home. Wait! Na saan si Papa?

"Emari Scroll Catapang," seryosong tawag sa kanya ng ina.

"Okay, let me explain –"

"Ito na ba ang asawa mo?" Napalitan nang malaking ngiti ang busangot ng ina. "Welcome home, anak." Nakahanda na sana siyang salubungin ang yakap ng ina nang kay Alt ito yumakap. Para siyang tanga sa posisyon niyang hangin lang pala ang yayakap sa kanya. "Ay, may ibang anak na pala siya?" nasabi na lang niya. Kaloka 'tong nanay niya, oh!

"Naku! Napagod ba kayo sa b'yahe? Gutom ka na ba? Gusto mo magpahinga?" Kumalas ito sa pagkakayakap kay Alt at iginiya ito sa may sofa. "Maupo ka muna. Gusto mo ng juice? kape? tea?Ay ka gwapo ba ani oy." Pinanggigilan pa ni Mama ang mukha ni Alt at kinurot-kurot ang pisngi.

"Maaa!" awat na niya rito. Lumapit siya at inilayo ang ina kay Alt.

"Ate, siya ba 'yong gwapong direktor na asawa mo?" tanong ni Homer, short for Home. "'Yong lagi kong naririnig na pinagchi-chismisan nila Aling Koleng at Ate Belinda."

Kumunot ang noo niya.

'Yong mag-inang 'yon talaga ang numero unong chismosa sa barangay nila.

"Ate, totoo ba talagang nag-asawa ka na?" dagdag naman ni Page.

SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETEWhere stories live. Discover now