wala kana pake sakin no😔

1 0 0
                                        

12:25 pm

Andito lang ako nakatambay . Inaalala kung namimiss mo ba ko. Bakit nga ba? Bakit nga ba ngayon ko lang naisipan magsulat ng ganito😅 sana noon pa para may ebidensya mga kabaliwan natin noon😅

Nakakamiss ka. Nakakamiss na kasama lang kita.

Pero ano bang ineemote ko ngayon? (Kase busy ka) sabi ng utak ko. Pero ayos lang naman . Kailangan na mas habaan ko ang pasensya ko sayo. Yun naman talaga ang kailangan . Ang intindihan.

Ako sadya ang may problema. Hayy. Dapat pag nagtatampo ako gusto ko nararamdaman mo. Na kapag nawawala ka sana may paramdam ka naman kahit isang text lang.

Pero sige na nga . Tutulog nalang ako kase yun ang paalam ko sayo. Kahit ayaw ko naman talaga. Way ko lang yon para sabihin mong wag na muna ko matulog at magusap na muna tayo. 😑 pero pinayagan mo ko kaya sige po. Tutulog nalang ako MAHAL😪 kahit nakakainis ka kase di mo ko pinigilan

5:11 , nakaawas na ko. Diretso ako ulit sa kapilya para sa insayo
Halos miyat miya ko tinitingnan kung may chat ka ba . Pero olats. Baka busy ka pa din.
O baka nakatulog ka dahil napagod ka. Ewan ko tuwing binubuksan ko ang messenger. May mga oras na online ka pero di mo naman ako chinachat. Tulad ngayon . 4 minutes kang active pero wala pa din  . Ako nanaman ba ang may problema kase ayoko mag first move? Sorry ha. Ang hirap kase baguhin ng sarili ko kapag ganyan na nagtatampo ako. Oo alam ko. Alam ko na para nanaman akong bata. Di nanaman ako maintindihan. Pero normal naman siguro sa babae to diba? Na gusto ng atensyon . Yung feeling na bawat gagawin ng mahal nya alam nya. Hindi naman sa detalyadong detalyado talaga. Kung baga yung mga highlights lang sa maghapon mo para lang kahit magkalayo tayo ay hindi ako ganun kalungkot.

Pero di pa ko magagalit sayo mahal. Kase alam ko maguupdate ka mamaya. May tiwala ako sayo na kakausapin mo ko mamaya.

Tatanong mo sakin kung galit ako o tampo ako. At sasabihin ko ulit na hindi pero magaattitude ako. Tas magagalit ka. At magaaway tayo. Dun natin tatapusin ang araw , sa away na yon na wala namang kwenta.
Pero ayos lang. Alam ko naman na di naman yun magtatagal. Alam kong di mo ko matitiis. Di natin matitiis ang isat isa.

Magingat ka sana palagi. At sorry kung napakamoody ko. Kailangan ko lang ng atensyon mo. Pero di ko sinasabing unahin mo ko. Oo alam ko magulo. Pasensya na ulit. Basta mas unahin mo po yung mga bagay na mas mahalaga. Kase dun lang ako tatahimik. Kase naiintindihan kita.

Hayy mahal sorry na. Napakamaldita ko talaga at pabebe. 8:40pm natawag kana hanggang sunod sunod na yon pero di ko sinasagot🙄 kase naman naiinis pa din ako. Pero bukod dun nagliligpit din ako ng plato nun. Matagal talaga ko magligpit ng plato. Pero alam ko din na natawag ka kase naka full volume yung ringtone ko. Naiinis na nga din yung mga kapatid ko kase ang ingay ng phone ko. Pero sabi ko wag nila sagutin🤭 syempre nagpapabebe ako sayo. Char😅  pero ang kinalabasan ay nagaalala kana pala sa akin kase di ako nasagot tapos sabi ko pa sayo nung tanghali na masakit ang ulo ko which is true naman, kase masakit talaga.

So yun usap onte kase napapacold nga ko habang kausap ko para kunyare walang pakialam. Pero duhh gusto ko magkwento ka. Gusto ko maramdaman mo yung nararamdaman ko.

Tapos tinanong mo ko kung may kukwento ko. Sabi ko wala. Na palagi ko naman sinasabi sayo. Hindi sa ayaw ko magkwento kundi dahil sa wala naman talagang bago. Paulit ulit lang. Papasok ako ng late as always😄 tapos magtatrabaho, kakain , uuwe. Yun lang paulit ulit.
Ikaw nga lang pambalanse ko sa mga nangyare sa maghapon ko e. Yung mga gabi na usap lang. Tapos magtatapos sa mahal kita. Masarap sa feeling na matutulog ka na gusto mo pa magising sa umaga kase alam mongbmay nagmamahal sayo. At araw araw, gabi gabi mo yun madidinig. Na kahit gaano ka kaworst na tao. May taong makakaintindi sayo. Icocomfort pag kailangan. Masasabihan ng problema. Higit sa lahat taong di ka ijujudge sa halip ay tuturuan ka at ipapakita sayo yung mga dapat mong gawin para mas maging better ka.
Napakatamis natin kagabi. Yung halos gusto ko na pumasok sa screen para lang mapunta ko sa tabi mo. Ganun ka din. Ramdam ko kung gaano mo ko kamiss sa mga titig mo. Kung gaano mo gustong pumalit kay stitch na stuff toy para ikaw nalang ang yakap ko .
Pero intay lang mahal. Dadating din tayo dyan.
Magpanata lang tayo at manatiling tapat sa isat isa. Excited na ko na makasama ka. Kahit maraming pangamba. Kailangan ko munang tumulong sa mga magulang ko. Kailangan pa nila ako kase e. Panganay ako kaya dapat alam ko din ang responsibilidad ko. Pero basta may tamang oras para sa atin naman. Yun lang. Basta tandaan mong mahal kita❤💕😘

Yannn na🤩 first part ng wattpad carreer. Charott😉🤭

My ForeverWhere stories live. Discover now