Prologue

8 1 0
                                        

Prologue

Sinubukan kong lumaban, ngunit kahit anong pagpupumiglas ko ay tila hindi ako makawala sa mga bisig nilang nakakapit sa akin. Alam ko na hahantong kami sa ganito, pero hindi ko inasahan na hindi nila pagbibigyan ang mga dahilan ko.

Masama ba ang magmahal?

Masama ba ang umibig kahit hindi mo kapuwa? Kahit hindi mo katulad?

Pero bakit ako parurusahan dahil lang sa nagmahal ako. Bakit ako nasa posisyon na ito kung ang pagmamahal ay malayang gawin ng kahit sino, ng kahit ano?

"Hindi ka maaaring bumalik hangga't hindi ka natututo. Hangga't hindi ka nagbabago. Hangga't mananatili kang ipaglalaban ang mga bagay na hindi naman dapat. Naiintindihan mo ba?"

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakayuko. Ayaw kong umimik. Anong mali sa ginawa ko? Maituturing bang kasalanan ang kilos na nagawa ko? Akala ko ba mababait sila dahil nasa kataas-taasan sila? Pero bakit ganito?

"Ano ang komosiyon na nagaganap dito?" ani ng pamilyar na boses.

Kahit gaano kaganda ang tinig na ito ay hindi ko nagawang tumingin. Sa Kaniya ako tunay na nagsisisi. Sa Kaniya ako lubusang humihingi ng tawad. Hindi sa mga Apostoles niyang hinahatulan ako nang basta-basta.

"Ibabalik namin siya sa kaharian ng mga mortal. Wari ay nabatid na ninyo ang kasalanang nagawa ng anghel na ito, Kamahalan."

Ramdam ko ang kaniyang mga tingin. Ganito ba ang naramdaman ng mga katulad ko na ipinadala rin sa lugar ng mga tao? Tila nakakapanindig balahibo, ngunit hindi nakakatakot.

"Mga Anak, gaano ba kalaki ang kasalanang naidulot ng anghel ko sa inyo? Nagambala ba kayo sa kaniyang mga aksiyon? Nakapagdulot ba ito ng hindi maganda sa inyo?" tanong Niya sa Kaniyang mga Apostoles.

"Kamahalan, ang kasalanan ng anghel na iyan ay lubusang ipinagbabawal. Nabahala kami na maaring matuklasan ng isang mortal ang kaharian na ito sa maling panahon at pagkakataon." paliwanag ng isa.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako nang humigpit ang kapit sa akin. Naramdaman ko ang malamig at makapanindig-balahibong paglapit niya sa aking kinaroroonan. Nakakahiyang tignan na ako'y nagkasala sa May-ari ng lahat. Ramdam ko ang paglapit ng kaniyang ulo sa aking tainga pati ang malamig niyang hininga na tila ay ka'y sarap na maramdaman.

"Pagbibigyan natin ang kanilang gusto, Anak. Ngunit huwag kang mabahala. Gagabayan kita sa ipapagawa nila sa iyo. Ako ang bahala basta sumunod ka lamang. Hindi kita pababayaan kaya huwag kang matakot. May mga bagay na ikaw ay makakatanda rito, at may mga memorya na tuluyang aalisin sayo, ngunit huwag kang mag-alala. Mahal kita, Anak. Tandaan mo ang lahat ng sinabi ko."

Hindi ko alintana ang mga luhang tumulo mula sa aking mga mata. Sunod-sunod ang agos nito. Sising-sisi na ako. Ngunit sa kabila ng lahat, hinahanap ko pa rin ang tunay na dahilan kung bakit kasalanan ang ginawa ko. Nagmahal lang naman ako.

~*~

As I began to open my eyes, I can hear a lot of reactions from a far. The first thing that I saw was the gray ceiling. I felt a heavy atmosphere surrounding me. I tried to explore my sight, observe things around me so I can determine where I am.

People in blue clothing and wearing a blue cap on their heads are encircled on my bed. They have blood stains on their shirts, they wear masks and gloves. The other one wears a white coat and an eye-smile. That eye looks familiar, but I can't remember where and when I saw those pair of eyes. This seems nostalgic.

I saw a couple crying at the end of my bed. I'm curious, why are they crying? Do I know them? I don't have any clue on who are them and why are they here. I also don't know what I'm doing here.

"He's awake, hon!" said the crying lady while grasping on the man's arm as tears started to continuosly flow on her cheeks.

"Shhh, Amor... I know, I know." the man said. He's looking at me. He has those happy eyes that your heart would totally melt if you saw them.

Who are these people?

"Good job team. Another angel was saved." uttered by the man in the coat. I'm still bothered by those pair of eyes he has.

"Hijo, who are you?" asked by a feminine voice in a blue shirt and a blue cap. I am not aware of my surrounding. I am in deep confusion.

I struggled through her question. I attained to have knowledge on who I am but why can't I remember anything? I only know two things.

"I'm Harith Azrael."

My name.

"Do you remember anything how did you got here?"

I moved my head side-to-side. I can't remember any past event that made me appear here.

"What are you?" asked by the voice. That familiar voice. That familiar structure. That familiar person, if ever he is a person.

I avoided his gaze. "I don't know."

That was a lie. It's the second thing that I know. I am not a mortal.

------

This is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing from the author, except by a reviewer, who may quote bried passages in a review.

celestesoleil (2020)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fallen AngelStories to obsess over. Discover now