Ikaw

30 1 0
                                    


Sa mapait na nakaraan, galing tayo pareho
Nagbulagbulagan sa tama, utak kinandado
Ayaw tanggapin ang totoo
Na hindi talaga aabot hanggang dulo

Inabuso, nagpaabuso
Magkasing lalim yung sugat na tinamo
Parehong lunod sa lungkot ang puso
Nagparaya, tinaya ang lahat sa maling tao

Akala ko lahat naibuhos na
Ubos na ubos, wala ng natira
Na hindi ko na kaya magsimula pa
Pero noong dumating ka
Ang mga bakit ko at mga paano
Saan, kailan at ano

Isa isa, dahan dahan pero sigurado
Nasagot at sinasagot mo
Unti unting nabubuo
Ang nawasak na ako

Pero kahit may sagot na
Bakit yung isip ko nagtatanong pa?
Na baka pareho lang tayong naghahanap ng sandalan
Ng taong mapaghihingahan
Kasi pareho tayong mabigat ang pasan

Pareho tayong unang ikinasal
Sa pangarap nating matulungan ang pamilya
Kailangang magtiis na hindi palaging magkasama
Pero kahit di tayo araw araw magkita Mahal
Hindi ako maiinip, hindi ako mapapagal

Kahit anong takas ko sa nararamdaman
Pagpikit at pagmulat ng mga mata ko
Ikaw ang nakikitang kasama ko
Ang magiging ina ng mga anak ko
Ang makakasama hanggang tumanda tayo

Ikaw ang pinakamagandang regalo
Na hindi matutumbasan ng kahit ano
Kaya Panginoon maraming salamat po
Iingatan ko si Grace, pangako

Ikaw, ikaw magmula ngayon
Ang syang dahilan kung bakit ako babangon
Dahil sayo handa nang harapin anumang hamon
Gaano man kahirap ang sitwasyon
Basta't sayo, sayo lang ako magmula ngayon
Sayo lang ang paningin ko itutuon

🌺ՅԾՌɿԵԹ

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IkawWhere stories live. Discover now