1

1K 30 21
                                    

1 Year Ago

"Hooooyyy Poooooo Gising na po!" Ani ni Justin habang kinakalampag ang kaldero.



Una niyang pinuntahan ang kwarto ng mga kuya niya sa grupo na sila Josh, Stell at Sejun.



"Gising na poooooo lutooo na po ang almusal! HAHAHAHA " Muli niyang paggising sa mga ito at patuloy pa rin ang pagkalampag sa kaldero, natatawa siya dahil kita niya na biglang napabalikwas ang mga ito sa pagbangon noong kinakalampag niya ang kaldero.




"Baby Jaaaahhhh namaaaan! Ang aga aga pa wala naman tayong schedule ngayon!" Reklamo ng kanyang kuya na si Josh.




"Oo nga Jah, ang aga aga pa 8 am pa lang!" Paggatong naman ng kanilang leader na si Sejun.




"Jah ano niluto mo, anong mga pagkain?" bigla namang ani ni Stell na tila sabik na sabik ng kumain.





San galing yun nagulat kasi siya dahil kanina lamang ay nakahiga pa si Stell, pero sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakapaghilamos at parang nakapag skin care agad ito at tila fresh na fresh na.




"Basta pagkain talaga Stell, ninja ka." Natatawang ani niya.




"Ganun talaga! Tara na Jah, kain na tayo, hayaan mo yang mga yan kung ayaw nila kumain! Basta ako hinding-hindi ako tatanggi sa pagkain." Ani nito at hinila na siya patungo sa komedor.




"Wait Stell, si Ken." Ani niya, na ang tinutukoy ay yung isa nilang kagrupo pa na si Ken Suson.



"Ah sige gisingin ko na." Ani ni Stell at tutungo na sana sa kwarto nila ni Ken.



"Wa-wait ako na!" Sigaw niya



Bakas ang pagtataka sa mukha ni Stell sa tinuran niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nahila niya si Stell at tila nabigla pa ito sa inakto niya; ngunit siya man ay hindi alam kung bakit pinigilan niya si Stell eh gigisingin lamang nito si Ken.



Bakit nga ba Justin tanong niya sa sarili.




"Ku-kukunin ko rin kasi yu-yung Phone ko he he he" nauutal na pagdadahilan niya kay Stell.




Totoo naman na nakalimutan niya sa kwarto nila ni Ken yung phone niya, buti na lamang at nakaisip agad siya ng dahilan, dahil kitang-kita niya yung pagtataka ni Stell sa kanyang labis na reaksyon.





"Okay, una na ko sa kusina." Kibit- balikat na tugon ni Stell.






Justin ano bang nangyayari sa'yo? napasabunot na lang siya sa sarili sa kanyang inaakto.





Dahan- dahang binuksan ni Justin ang pinto ng kanilang kwarto.







"Keeeen" mahinang ani niya.




Ayaw kasi ni Ken yung maingay, kaya hindi niya rin kinalampag ang kalderong hawak niya.





Nilapitan niya ito, gaya ng dati ay nakatalukbong ito, at taklob na taklob.





"Ken gising na kakain na pinagluto kita ng almusal." Mahinahon na ani niya at dahan dahan niyang inaalog ito para magising.




"Uhhmmm" ungol lang nito.





"Ken tara na kain na tayo." Muli ay paggising niya dito.

Ngunit walang epekto ang paggising at panaka-naka niyang pag alog dito at lalo pa itong nagtalukbong.

Hanggang sa Huli  - KenTin (SB19) Fan Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon