TRISHA'S POV
Yun nalang ang sinabi ko, at sabay takbo palayo kay justine susundan nya na sana ako ng biglang dumating yung ser nila, Hindi muna ako papasok ngayon gusto ko ulit mapag isa, pumunta muna akong garden at buti nalang walang tao at ang tahimik agad naman akong umupo sa damuhan at kumuha ng notebook saka ballpen,
Mahilig kasi akong mag composed ng kanta, Sa twing malungkot ako lagi akong gumagawa ng kanta para sa sarili ko, eto kasi ang libangan ko sa twing ganto ang sitwasyon.
Composed(kayo na bahala sa tono)
Ang hirap tanggapin na ang mga tao ay galit sakin..
Hindi nila ako tanggap sa pagkatao ko..
Hindi nila alam kung anong nararamdaman ko...~~
Ang sakit na lagi mong naririnig, ang mga salitang paulit ulit.
Wala man lang awa ang mga bwiset na nang bubully..
Sa mga taong walang man lang ka malay malay..
Habang sinusulat ko ito di ko alam na umiiyak o lumuluha na pala ako, tst! Sabi ko sa sarili ko di ko na sila iiyakan!! Bat ganto umiiyak nanaman ako!!? Ayoko na napapagod na ko! "AYOKO NA!!!" sigaw ko, at sabay yuko.
"Ang ingay mo naman! Lagi kanalang umiiyak dyan kala ko ba ayaw mo nang umiyak?" nagulat naman ako sa harap ko, napatingin naman ako at si Xander pala to.
"Ikaw nanaman? Sa twing umiiyak ako at sumisigaw ikaw lagi kong nakikita!?" sigaw ko sakanya, ngumisi lang naman sya at umupo sa tabi ko.
"Alam mo kung napapagod kana sa kakaiyak tumigil kana, saka akala ko ba lalaban kana eh bat parang wala namang nangyari? " Xander
"Tama ka, Lagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na lalaban ako pero bakit hindi ko na magawa kapag kaharap ko na sila?" sabi ko at umiyak ulit.
"Wag ka na ngang umiyak!" sigaw ni xander
"tumingin ka nga sakin!" Xander, bigla naman nyang hinawakan yung baba ko at nilingon sakanya, at ikinagulat ko naman yung ginawa nya bigla nyang pinunasan yung luha ko
"O ayan wala kanang luha, saka pwede ba wag kanang umiyak tanong ko nga sayo kailan mo pa nasabi sa sarili mo na GOOD DAY ITO!? " tanong nya, ha? Di ko gets?
"Di ko alam kung anong sinasabi mo" sabi ko sakanya at yumuko ulit.
"I mean, May mga araw ba na di ka umiyak at may araw ba na good na good yung mood mo walang nanghuhusga sayo?" tanong nya
"Wala, kahit kelan walang nangyari sa buong buhay ko na maging ok sa isang araw at hindi umiyak ng isang araw" Sabi ko.
"Pero gusto mong mangyari yung di ka na umiiyak at lagi kanang good day?" tanong nya
"Oo pangarap ko yun" sabi ko
"Kung ganon pala, Maging matapang ka gawin mo lahat ng gusto mo wag ka mag alala andito na kaming apat para sayo o i plus mo pa si stella lima na ang kaibigan mo" Nang pagkasabi nya yan, bigla akong napatingin sakanya at sabay yakap ng mahigpit.
"Salamat xander, di ko alam kung panaginip to pero salamat talaga" sabi ko at eto nanaman si luha pumapatak nanaman.. Inalis ko naman agad yung pagkayakap ko sakanya.
"Ang lambot mo pala, hahaha... Dibale.." Xander, sinamaan ko naman sya ng tingin at bigla syang tumawa
"Joke lang naman eh" sabi nya, ngumiti nalang naman ako at tumingin nalang sa notebook.
"Ano yan? Patingin nga ko" sabi nya, kukunin nya sana yun ng bigla kong nilayo
"Hala sya, Damot!" sigaw nya, tumingin naman ako sakanya at biglang tumawa kasi eh ang cute nya!! Naka nguso sya pero konting nguso lang naman pero mahahalata mo hehhehe...
YOU ARE READING
WAITING FOR A GOOD DAY
RomanceKailan kaya magiging masaya si trisha?Kailan kaya nya mahahanap ang pag ibig na magbibigay sakanya? Mangyayari pa kaya ang salitang GOOD DAY sa buhay nya kung palagi nalang syang umiiyaka At nasasaktan ng dahil sa pinaggagawa sa kanya ng mga nasa pa...
