"Alicia let's dance!" Sigaw ni Klein.
I am here in club partying with my friends. It's already midnight and we are out, enjoying our youth.
Tumakas ako sa mansion. Hindi alam ni Mommy na narito ako ngayon.
I am grounded for a week because napatawag sila sa principal's office. Napaaway kasi ako sa isa kong classmate na mukhang espasol. Hinarot lang naman kasi nito ang crush ko kaya pinatid ko siya at ang gaga gumanti pa. Aba, pinagsasabihan pa ako nitong malandi, at pokpok kaya sinabunutan ko siya. Well, totoo namang malandi ako but I'm not pokpok. Dzuh. Kaya deserve niya lang yun noh.
Hindi naman nagulat ang principal na nakita ako. Suki na kaya ako ng principal's office kaya napahilot na lang siya sa sintido niya.
Nakahalukipkip akong nakaupo and I cross my legs. Kaharap ko naman ang nakaaway kong mukhang leon dahil sinabunutan ko ito pero hindi ito nakaganti kaya namumuyos ito sa galit.
Pinatawag ang parents namin dahil sa nangyari kaya kasama niya ang nanay niya sa gilid niya samantalang ako mag isa lang. Wala si Mommy di rin makapunta si Daddy dahil may business meeting sila.
Kaya heto ako mag isa. Kung nakakamatay siguro ang tingin kanino pa ako nilibing. These two gave me a deadly glare like there's no tommorow. Napairap na lang ako.
"Ms. Figuera, what did you do this time?" Tanong ng Principal namin na nakatingin sakin.
"Mr. Dagos, ito kasing malanding to pinatid ako." Tinuro pa ako. Ako yung tinanong tapos ikaw sumagot. Ha! Ikaw ba ako? Ikaw ba si Miss Figuera ha?! Kainis.
"Ms. Solave, language." Ayon napatahimik din. Kanina pa ako naririndi sa boses nito eh. Napatingin sakin si Mr. Dagos.
"Alicia, what did you do?" Tanong ulit nito.
"I blocked her." Simpleng sagot ko nang di tumitingin sa kanya. Sumabat naman ang nanay ng bruha.
"Anong block e kung block lang sana ang ginawa mo di aabot sa ganito itsura ng anak ko. Ang sabihin mo sinabunutan mo siya." Kasalanan ko ba kung pangit ang itsura ng anak mo? Sakin pa sinisi. Psh.
Napatingin naman ako sa bruha. Tumatango tango ito at naluluha pa. Nakahawak pa sa braso ng kanyang ina.
"Ms. Figuera, is this true?"
"Opo—" Naputol ang sasabihin ko nang sumabat na naman ang nanay ng bruha.
"Yan, kita mo na. Inamin na Mr. Principal kaya dapat parusahan niyo siya sa ginawa niya sa anak ko." Sabay hawak nito sa kamay ng anak niya.
"Mrs. Solave let her finish first." Mariing saad ni Mr. Dagos na halatang naiirita na sa pagsasabat ng mag ina kanina pa.
Pinagpatuloy ko naman ang sasabihin ko. "I just did what I did because she call me names." Pagpapaliwanag ko naman.
"Eh totoo naman ang sinabi ko ah. Kahit tanungin mo pa ang buong campus. Malandi ka talaga." Sigaw naman bwesit na bruha.
"I didn't said it wasn't true but you called me pokpok which isn't true." Mataray na saad ko. Sa totoo lang hindi ko naman dinamdam yung sinabi niya eh. She can call me names, the hell I care. But I'm not in the mood kaya pinatulan ko na.
"Kahit tanungin mo pa buong campus."
"I admit malandi, slight lang. But I'm pokpok? How did you know? And why are interested in my life?" Napasinghap silang mag ina.
"You talk behind my back. You think I wouldn't know? Well, dear better think twice hindi lang yan ang Kaya kung gawin." Palipat-lipat lang ang tingin ni Mr. Dagos samin.
