Dito na siguro magwawakas ang istoryang
Pareho nating pinagbidahan
Istorya natin na pareho nating binuo ikaw ang hari at ako naman ang reyna
Ng sarili nating kaharian na pareho nating ginawa.
Pero ngayun nagbago na
Nagbago na ang lahat para sa'tin
Tila parang kahapon lang
kahapon lang tayo'y
Masayang nagtatampisaw
sa mainit na pag mamahal.
Masakit man pero mas gugustohin ko na palayain ka
Dahil mas pinili mo siya
Siya na mas malapit sa'yo
Siya na kayang higitan ang pagmamahal ko.
Pagod narin ako na ipagpilitan pa
Ang relasyon na pareho nating binuo pero
Kailangan ko narin itatak sa isip ko
Na mas pinili mo kong ipagpalit sa malapit.
At sisiguradohin ko na dito na magwawakas
Dahil ang tinuring kong Hari ay wala na
Ang Hari na ngako na di ako iiwanan
Mga sakit at Hapdi'y aking Titiisin.
Hangad ko ang kaligayahan
N'yong dalawa na sana
Ay magtagal at
Muli paalam na aking mahal.
