Ayaki POV
"BREAK TIME NAAAAAAAAAAAA--"
"Hoy pussy alam naming break time na hindi mo kailangang sumigaw"
"Hoy ithan na mukhang--"
"Mukhang ano ha?! ano?!"
"Mukhang etits oh ano?! ano?! lalaban ka?!"
Walang ganang tumayo ako sa aking upuan na dahilan ng pagtigil nila sa pagtatalo. Naririndi na ko. Last week pa sila ganyan. Nag umpisa yan noong--ugh nevermind.
Alam kong pareho silang nakatingin sakin pero pilit ko nalang binalewala yon. Alam ko naman alam nila kung bakit ako nagkakaganito.
Dali dali na kong lumabas ng classroom. Kahit alam kong lahat sila nakatingin sakin. Nakaka awa ako hindi ba?! Malaman ba naman ng lahat kung paano ako pinagmukhang tanga sa harap ng marami ng boyfriend ko at nung babae nya. Ang sakit diba?
Napahinto nalang ako nung may dalawang tao na naka kuha ng atensyon ko sa di kalayuan. Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ko naman maigalaw ang mga paa ko.
Agad nangilid ang luha ko sa aking nakita.Sa hindi kalayuan nandon yung dalawang taong dahilan kung bakit hanggang ngayon nasasaktan ako. Yung lalaking mahal ko at yung babaeng mahal nya. Masaya silang naglalambingan at kung minsan pay nagpapalitan pa ng halik. Ang sakit
"AYAKIN"narinig kong tawag ng bestfriend ko. Si fuschia. Bagay na bagay nga sakin ang pangalan ko napaka iyakin parang sila bagay na bagay
Dali dali na kong nanakbo dahil naninikip na naman ang dibdib ko sa aking nasaksihan. Ang sakit pa rin pala na makita mo syang masaya sa iba.
"AYA" malakas na tawag ng bestfriend ko.
Takbo lang ako ng takbo ng hindi iniinda mga matang nakatingin sakin. Marahil naaawa sila sakin o baka pinagtatawanan na nila ko kasi ang tanga ko.
Paulit ulit kong naririnig ang paulit ulit na pagtawag sakin ng bestfriend ko pero hindi ko na to nilingon.Ayoko na. Napapagod na ko. Una ang mama at papa ngayon pati mahal ko. Lahat nalang iniiwan ako.
Dali dali akong pumara ng taxi paglabas ko sa gate ng paaralan namin ng hindi nililingon ang paulit ulit na pagtawag saken ng aking bestfriend. Uuwi nalang ako. Magkukulong at magdamag akong iiyak sa loob ng aking kwarto. Lagi namang ganon eh.
Pagkauwi ko ng bahay dali dali akong pumasok sa aking kwarto. Kinuha ko yung box na nakatambak dito sa kwarto at doon pinagpapasok ko lahat ng gamit na binigay nya sakin. Last week pa sinasabi sakin to ni fuschia na itapon. Mas lalo ko daw syang maaalala pag hindi ko ito tinapon. Lahat lahat ng binigay nya ipinasok ko na sa kahon kahit yung first picture namin. Yun yung pinaka masayang kuha namin. Para kaming inlove sa isa't isa. Sa litrato, makikita mo kong nakangiti habang siya ay hindi nakatingin sa camera kundi sakin--nakatingin sakin habang nakangiti. Nakakatawa, aakalain mong inlove sya sakin dito gayong hindi naman pala. Isa lang pala tong laro sakanya. Siya ang manlalaro at ako ang laruan nya.
Humagulgol akong napaupo habang yakap yakap ang aming litrato. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang itapon lahat ng ito. Pwde naman siguro yon hindi ba?! Maisip ko lang yung masaya naming mga memories mapapangiti na ko ayos na yon. Kahit sa litrato o sa panaginip ko nalang iisiping masaya pa kami. Tanga na kung tanga pero mahal ko sya e, mahal na mahal na nasa point na kahit nasasaktan kana patuloy mo pa rin syang mamahalin kahit may minamahal na syang iba.
Impossible goal in life is to love without getting hurt. Kaya kung hindi ka nasasaktan then it's not love.
Sumandal nalang ako sa paanan ng aking kama habang yakap parin ang aming litrato. Sana bangungot nalang lahat ng ito. Sana magising na ko. Sinulyapan ko pa ang aming litrato bago ako nagpahila sa antok.
-
Dahan dahan akong naalimpungatan sa isang haplos sa pisngi ko. Ang gaan ng pagkakahaplos nya. Na para bang hinehele ako. Na para bang sinasabi nyang nasa tabi ko lang sya ano mang mangyari.
Dahan dahan kong iminulat ko ang aking mata kahit na hindi pa lumilinaw paningin ko. Marahil dahil ito sa haba ng tinulog ko idagdag mo pang hirap akong mag adjust ng tingin sa dilim.
Isang lalaking nakangiti ang unang bumungad sa paningin ko. Sino itong lalaking to? At bakit hindi ako makagalaw? Bakit gustong gusto ko yung paghaplos nya sakin?! Sino ba siya?!
"Sino ka?" sa hina ng tanong ko maaaring hindi nya pa narinig.
Tanging ngiti lang ang sinagot nya sakin. Pipi ba siya? Magnanakaw? Rapist? Pero bakit imbes na matakot ako ay iba ang nararamdaman ko. Yung parang safe ako sa tabi nya.
Hindi dapat ako magtiwala sakanya pero eto ako, namamalayan ko nalang ang sarili kong tahimik na umiiyak habang nakatitig sakanya. Para kong anak na nagsusumbong sa tatay nya.
"Si-sino k-ka?!" nanginginig pero nanghihina kong tanong.
Ngumisi siya dahilan para magtaasan lahat ng balahibo ko at kumabog ng malakas ang puso ko. Ano ba tong nararamdaman ko?!.
Tumingin sya wall clock ko na nakasabit sa pader ng kwarto ko bago muling tumingin sakin . Mag aalas dose na pala.
" Maaari ka bang humiling sa pagsapit ng hatinggabi?." malambing nyang saad na may paghaplos sa aking buhok. Bakit ganon? Bakit parang naaakit ako sa boses nya at sa mga haplos nya?!. At saka anong mayroong mamayang gabi? Bakit kailangan kong humiling? Masama ang kutob ko rito kailangan kong hindi sumang ayon pero paano ko magagawa yon kung nahihinoptismo ako ng mga haplos at salita nya. Namalayan ko nalang ang sarili kong tumatango dahilan ng pag ngiti nya.
" Nais kong hilingin mo na sana ako'y maging kagaya mo. Hilingin mo na sana ako'y maging tao maaari ba yon binibini?!" ewan ko ba kung anong nangyayari sakin pero eto ako, wala sa sariling tumatango.
Nakatingin lang ako sa magandang mga mata nya. Mga matang parang maraming sinasabi. Mga matang dahilan kung bakit ang bilis bilis ng puso ko. Bakit ganito? Bakit ganito nalang kabilis ang kabog ng dibdib ko?!
Napakapit nalang ako ng mahigpit sakanya ng naramdaman kong buhat na nya ko at akay akay habang nasa harap ng aking bintanang naka bukas. Dahan dahan nya kong binaba at hinarap sa labas ng aking bintana. Tumingin ako sakanya para malaman kong anong nais nyang ipahiwatig.
"a-ano--"
Hindi pa natapos ang aking sasabihin ng saktong tumunog ang aking orasan. Ibig sabihin pumatak na ang hatingggabi. Tumango sya sakin. Para bang sinasabi nyang hilingin ko na. Na gawin ko na. Wala sa sariling humarap ako sa bintana ko at binanggit ang mga salitang magpapabago sa buhay ko.
"Ako si Ayaki Kinshin Yamata. Isang babaeng humihiling sa bituin na matupad ang aking hiling. Hiling na sana palayain sa sumpa ang lalaking ito. Ang lalaking magiging katulad ko. Ang lalaking lalaya ngayong gabi. Mga bituin sana'y aking hiling inyong tuparin ." wala sa sariling hiling ko habang nakatanaw sa kalangitan.
Naestatwa ako ng maramdaman ko ang dahan dahan nyang pagyuko mula sa likuran ko. Nararamdaman ko na ang hininga nya sa tenga ko. Nakakakiliti. Nakakataas ng balahibo.
"Sleep now my ayaki, thank you for your midnight wish" kasabay ng pagbitaw nya ng salita ay ang dahan dahang paglabo ng paningin ko hanggang sa kainin na ko ng kadiliman .
~
Author's note: pansin nyo po binago ko yung prologue kasi kahit ako nakokornihan doon kaya eto sana magustuhan nyo to :) enjoy!!!!!!!!!
ps. Sorry sa mga typo at wrong grammar hindi kami bati ni english hehehe peace
~*********~
YOU ARE READING
My midnight wish
RandomNoong unang panahon may isang simpleng babaeng nagngangalang Ayaki. Ang babaeng nakatagpo sa isang manikin na isinumpa. Ang manikin na handang manlinlang matupad lang ang gusto nito na maging tao lang muli. Napasunod si ayaki sa inuutos ng manikin p...
