Chapter 1

56 2 0
                                        

"HAY NAKU!!!  SA WAKAS NAKARATING NA RIN AKO RITO." sabay higa ko sa single bed dito sa kwarto ko. Nilibot ko ang buong tingin sa paligid ng aking kwarto, mukhang nung World War 2 pa ata ito huling nilinis ng may ari ng bahay na to. Sobrang maalikabok, madaming kalat sa sahig, madaming sapot ng mga gagamba, madaming lamok, madaming daga at ipis. Mabuti na lang self hindi ka maarte kasi tubong bukid ka, natatawang bulong ko sa sarili ko.

"OK MAGLILINIS NA MUNA AKO, TAMANG TAMA ALAS 10 PA LANG NAMAN NG UMAGA. MAHABA PA YUNG ORAS UPANG MAKAPAGLINIS AKO RITO." positibong sabi ko.

Nagsimula akong naglinis sa kwarto ko. Niligpit ko lahat ng kalat sa sahig, mga librong nakakalat at yung iba mga papel na scratch na. Nilinis ko rin pa ti ang kisame nito at kinuha lahat ng sapot ng mga gagamba. Yung dingding sa kwarto ko ay nilinisan ko rin dahil madaming alikabok na ang nakadikit dito.
Mga dalawang oras din yung paglilinis ko sa buong bahay. Kaya nagdesisyon akong maglagay muna ng disenyo sa kwarto ko.

"HAY NAKU SALAMAT, AFTER 1,000,000 YEARS. NATAPOS NA RIN." sabay bagsak ng katawan ko sa aking higaan.

Napangiti na lang ako habang minamasdan yung buong paligid ng kwarto ko. Kulay sky blue yung motif ng room ko. It's my favorite color, feeling ko kasi ang payapa ng buhay ko pag ito yung nakikita ko sa paligid ko.

"It's already 5:00 pm na pala, kailangan ko ng maligo. Nangangati na kasi yung katawan ko sa mga alikabok na kumapit sakin." kausap ko sa sarili ko.

AFTER kong matapos sa pagligo ay nagpasya akong lumabas at bumili ng pagkain at kandila sa labasan ng kanto. Sabi kasi ng caretaker sa abandonadong bahay na tinutuluyan ko baka sa susunod na araw pa daw nila palalagyan ng ilaw ang bahay. Kinuhanan kasi nila ito ng kuryente dahil wala na ngang nakatira dito.

TANGING dala dala ko lamang ay isang flashlight dahil nagdidilim na din ang paligid. Yung abandonadong bahay lang kasi yung nag iisang bahay dito sa tagong kanto na to. Medyo nakakatakot nga paligid dahil puro kakahoyan yung madadaanan ko.

"Naku, kailangan ko na talagang mang grocery bukas. Nakakatakot naman pag gabi gabi akong lalabas upang bumili ng pagkain sa labas ng kanto." takot na kausap ko sa sarili ko.

NAANINAG ko na yung ilaw na nagmumula sa poste ng kanto. Kaya akong nagmadali upang makabalik ako agad sa bahay.

"Ate, magkano po lahat?" tanong ko sa tindera.

"300 po lahat, Miss." sabay abot nito sakin ng plastic na laman ang mga binili ko.

"Ito po, Ate." sabay abot ko ng bayad sa kanya.

"Teka lang, Iha? Bago ka lang ba rito? Kasi ngayon lang kita nakita." tanong sakin ng tindera.

"Opo, Ate. Kanina lang din ako nakarating rito." agad na sagot ko sa kanya.

"San ka naman nakatira, Iha?" agad na tanong nito sakin.

"Doon lang po sa isang bahay sa loob ng kanto." agad na sabi ko. Napansin kong namutla ito at para bang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Don ba sa abandonadong bahay, Iha?" tanong nito ulit sakin.

"Opo, doon nga po Ate." saka naman nanlaki ang mga mata nito.
"Bakit po, Ate?" takang tanong ko sa kanya.

"Alam mo kasi, Iha. Walang sinuman ang nagtakang tumira at pumunta dyan. Dahil may mga kaluluwang ligaw na nakatira dyan." takot na sabi nito sakin.

BIGLANG manlamig ang katawan ko at nakaramdam ako ng takot dahil sa sinabi ng Tindera sakin.

"Naku, Iha. Gumagabi na ipapahatid na lang kita sa dalawang anak ko." alok nito sakin.

"Azrael!! Prisha!!" tawag nito. At ilang minuto lang ay lumabas agad ang isang lalaki at isang babae sa bahay nito.

"Bakit po, Nay?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Paki hatid nga ang magandang dalagang ito doon sa bahay na tinutulayan niya. At gabi na." utos nito sa kanyang anak na lalaki.

"San po ba, Nay?" tanong pabalik ng anak nitong lalaki.

"Doon sa abandonadon bahay." agad na tugon nito.

"What?? Ayoko nga Nay, may multo dun eh. Si Kuya na lang." reklamo ng anak nitong babae.

"Ano kaba Prisha, mas nakakatakot kung yung kuya mo lang mag-isa." agad na sabi nito.

"Ah, Excuse me po Ate. Wag na po kayong mag abala ako na lang po yung uuwi mag isa." takot man ay nilakasan ko ang loob kong sabi sa kanila.

"Sigurado kaba, Iha?" pag aalalang tanong nito sakin.

"Opo, salamat na lang po sa concern. Kung may multo nga talaga sa bahay na yun. Edi mabuti kasi may makakasama na ko kahit papano." pabirong sabi ko.

"Nakung bata to, nakuha mo pang magbiro. Oh siya cge mag-ingat ka."

"SALAMAT PO. MAUNA NA PO AKO!" paalam ko saka ako tuluyang humakbang na pauwi.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
NASA kalagitnaan na ako ng aking paglalakad. Habang nakikipagtalo ako sa aking sarili.
"PA CHOOSY KA PA KASI, YAN TULOY MAG ISANG KANG UUWI." galit na bulong ko sa sarili ko.

"Wag mo ng kausapin sarili mo. Nakakatakot pa yan kumpara sa multo." boses ng isang lalaki mula sa likuran ko kaya napatigil ako sa paglalakad ko.

"Sino yan?" takot na tanong ko. Biglang tumahimik yung paligid. Kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot, dumagdag pa yung ihip ng hangin na sobrang lamig. Lumingon ako agad sa aking likuran. At may anino ako ng lalaking nakita mula sa lupa. Kaya unti unti kong inangat yung flashlight na hawak ko.
Tumambad sakin yung matangkad na lalaki, misteso ito, at singkit ang mga mata.

"Sorry Miss ang kulit kasi ni Nanay kaya sinundan kita." paghingi ng paumanhin nito sakin. Siya pala yung lalaking tinawag ng tindera kanina.

"Ganun ba? Sa-sa-salamat naman kung ganun." nauutal na sabi ko.

"Lumakad kana, nandito lang ako sa likod mo hindi ako aalis." sabi pa nito.

SA AMING paglalakad ay namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Hanggang sa makarating na din ako sa tapat ng gate ng bahay na tinutulayan ko.

"Sa-sa-salamat --------" putol na sabi ko.

"Azrael.. yan na lang itawag mo sakin." pagpapakilala nito.

"Salamat sa paghatid Azrael pati na rin sa abala." nahihiyang sabi ko rito.

"Walang anuman Miss------" putol sabi nito.

"Yuri.. yan na lang din itawag mo sakin." pagpapakilala ko din sa kanya

"Walang anuman man Yuri. Pumasok kana at gabi na. Mauuna na rin ako." agad na paalam nito.

Pumasok na ako sa loob ng gate at natanaw ko na ring humakbang na din ito palayo. Hanggang sa nawala na ito sa gitna ng kadiliman.
Napatingin ako sa buong paligid ng bahay. Kahit luma na ito, pero hindi naman nakakatakot tignan yung bahay.

"TOTOO KAYANG MAY MULTO DITO?" takot na natanong ko sa sarili ko.
Bago ako humugot ng malalim na hininga bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Abandoned HouseWhere stories live. Discover now