Chapter 35: Nawawalang kaibigan sa nakaraan.

Start from the beginning
                                    

*Tsk! Alam kong hindi pa patay si Leiya, ngunit hindi ko inaasahang ikaw mismo ang magtatago nito sa’kin.” Sambit muli ni Hades.

 

“Humihingi ako ng tawad tungkol sa bagay na yon at kung alam ko lang na posible palang mapalaya ni Eclaire si Leiya ay hindi ko siya itatago sa inyo.” Sambit muli ni Viel.

 

“Ikaw? Humihingi ng tawad? Mukhang hindi ito kapani-paniwala?” Sambit ni Eclaire.

“Eclaire, maraming taon na ang lumipas ngunit hindi ka pa rin nagbabago. Naparito ako dahil nabalitaan ko sa aking apo na sinugod nyo si Zeus. At mukhang nagtagumpay na kayo laban sa kaniya.” Sambit muli ni Viel.

 

“Ganon na nga at ano naman ang iyong sadya?” Sambit ni Sophia.

 

*Fufufu.. Sa iyong pananalita at anyo ay mukhang ikaw ang anak ni Sonia. Muli ay inuulit ko, naparito ako dahil nabalitaan ko ang inyong pagsugod. At sakto naman ang aming pagdating dahil mukhang tapos na kayo sa inyong misyon.” Sambit muli ni Viel.

Bakit hindi mo pa kami diretsuhin?” Medyo galit na pagkakasambit ni Sophia.

 

“Huminahon ka Sophia, hindi mo kilala ang lalakeng yan.” Sambit ni Eclaire.

Agad napatingin si Sophia sa kaniyang tiya at napansin nito ang seryoso nitong ekspresyon.

 

“Bakit parang hindi mapakali si tiya Eclaire?” Tanong ni Sophia derekta sa kaniyang isipan.

“Naparito ako dahil gusto kong makalaya na ang aking kapatid sa matagal nitong pagkakakulong.” Sambit muli ni Viel.

Matapos magsalita ay agad inutusan ni Viel ang kaniyang mga kasama na ilapit sa grupo nila Hades ang kristal na kung saan naka-kulong si Lieya. Marahang nilapitan ni Hades ang kristal at agad niyang pinagmasdan ang kaibigang matagal ng hinahanap. Hindi nagtagal ay isa-isa ng pumatak ang kaniyang mga luha, labis itong ikinagulat ni Sophia at kalaunan ay napatingin sa iba pa nilang kasama. Nakita niya ang kasiyahan sa mukha nila Eclaire, Zeren at Poseidon at sa mga oras na ito ay naisip na niyang malaki ang kaugnayan ng mga ito sa babaeng naka-kulong sa kristal na gawa sa kapangyarihan nang kanilang lahi.

Ilang sandali pa ay lumapit na rin si Eclaire sa kristal at kasabay nito ay ang pagsambit niya ng mga hindi maunawaang salita, isang Spell ritual.

 

“*Sih.. *Poul.. *Shou.. *Aii.. *Shi.. *Kuh.. *Rih.. *Suh..” Mabagal na pagkakasambit ni Eclaire.

Matapos magsalita ay mabilis na hinawakan ni Eclaire ang kristal gamit ang kaniyang dalawang kamay. Ilang sandali pa ay lumutang ito at kalaunan ay mabilis na umilaw, kaya naman sa pagkakataong ito ay mabilis na napa-atras ang lahat.

Samantala, agad naramdaman nila Lyrices, Azys at Mishia ang isang kapangyarihan, hindi kalayuan sa kanila.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now