PC #1: Ano Nga Ba Ang Pag-ibig?

78 2 1
                                    

Ano nga ba ang pag-ibig?
by SWWARian Member
(November 16, 2014)


(Chikz WP)
Madalas nating maitanong kung ano nga ba ang pag ibig
Eto ba yung nakakaramdam tayo ng kakaiba at pagkakilig?
Parang isang pagkalalim lalim na balon na puno ng tubig
Ni hindi masagot o maisulat kahit anong gamit na pantig


(Mark Joseph On Wattpad) 
Ang pag ibig ay pagkagulo-gulo,
Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsa’y may sakit at pagkabigo.


(Jun Rey Gadian Casiño)
Sa Pag ibig mararanasan ang mga kagalakan,
Ngunit sa ilan ang pagibig ay isang hamak na kalungkutan
Kung bakit sila ganyan ?
Ito ang dahilan:KASAWIAN


(Jun Rey Gadian Casiño)
Akoy hindi talaga makata,
Isa lamang akong hamak na bata.
Kaya pagpasensyahan ang nalinang na tula,
Pagkat ito'y hango lamang sa aking nakikita.


(Dang Wattpad)
Ang sabi nila, pag-ibig ay bulag
Hindi makakita kahit na nakadilat
Maraming sinusuway kahit na ang batas
Walang pakialam buhay ma’y masilat.


(Chikz WP)
Hindi ibig sabihin na kahit bata pa man din,
Ikaw naman ay may natatagong galing.
Dahil mukhang pag ibig ay naranasan mo na rin,
Kahit 'wag mo pa itong aminin.


(Jun Rey Gadian Casiño)
Ikaw ay Tama sa iyong tuwiran,
Sa bata kung isip di ko lubos malasahan. 
ANG TAMIS NA PAG-IBIG NA IYONG PINAG LALABANAN 
Ngunit sa puntong ito nais ko sanang punan 
Ang isang katanungan na marami ang may kinalaman
ANO NGA BA ANG PAG-IBIG HINDI KO MAINTINDIHAN?


(Chikz WP)
Ang pag ibig para sa akin,
Pagmamahal sa ina na nais dinggin.
Tinuran niya'y totoo at mahinhin,
Ngunit sa langit ika'y dadalhin.


(Dang Wattpad)
Sabi ng nanay ko bata pa raw ako
Sa mundo ng pag-ibig ano raw ba ang alam ko?
Hindi naman s’ya may-ari nitong puso
Kaya di nya alam ang nilalaman nito

Meron namang iba na akala nila
Pag may pagnanasa ito’y pag-ibig na
Kaya walang pake, kahit may asawa
Ang mahalaga lang ay masaya sila


(Chikz WP)
Bata bata pano ka ginawa
Pag ibig nga ba dun ay wala
O baka naman ay nabigla
Lumobo na lamang ang tiyan ng kusa.

The legal wife 2.0 kumbaga
mahal mo at mahal ng iba
agawan ang peg di ba?
tapos may sapakan at rambulan pa.

(Dang Wattpad)
Sige sabihin mo, pag-ibig ba ito?
Kung sarili mo lang ang iniisip mo
Di baling di ka mahal ng minamahal mo
Basta mangyari lang sya’y mapasa’yo.


(Chikz WP)
Maaari ngang ganun ang tingin ninyo
Ngunit alam ng puso ang nadarama ko
Isip pa nga ba ang papairalin ko
Kung ako na mismo ang sumusunod dito?


(Dang Wattpad)
Di na maintindihan ang takbo ng mundo
Di mo na alam kung sino ang sino
Siya ba ang asawa o siya ba’y multo
Na sa pagsasama inangking totoo.


(Chikz WP)
Nakakatakot nga naman
Masadlak sa ganyang kalagayan
Di alam kung saan ang kalulugaran
Lalo na kung walang pinanghahawakan.

(Adrypot Malikot)
Ang pagibig ay parang pagiigib
Ilalagay sa galon ang naipong tubig
Dadalhin ng maingat at maglalakad
Susubukang huwag matapon ang lahat

Ngunit kahit anong gawing ingat
Kung nakatakda na ito'y maganap
Tubig ay sadyang matatapon pa rin
At sa kalsada ay magmamarka din.

Gaya ng sa pag-iibigan
Kahit na iyo pang pag-ingatan
Kung pagmamahal ay di na maramdaman
Hiwalayan pa din ang hahantungan.

At sa inyo ngang paghihiwalay
Kailangan mo pa ring ituloy ang buhay
Ngunit lagi mo ng maaalala
Dahil sa puso mo ito'y nakamarka.

(Dang Wattpad) 
Meron ding nagsabing pag ikaw ay nagmahal
Hindi ito dapat na pinipigilan
Dumating man ang oras na magbago ang isipan
Kelangang palayain ang kanyang damdamin.

Ngayon ang tanong ko, ano nga ba ang pag-ibig?
Pa’no malalaman kung peke o orig?
San nakasalalalay ang ‘yong pananalig?
Sa pagpapalaya o sa pagpipigil?

(Mark Joseph On Wattpad)
Sabi nila, kapag masakit na’y itigil na.
Ngunit paano kung sa bawat panaginip ko’y ika’y aking kasama,
at sa bawat paggising ko’y ikaw ang aking alaala?
Mapipigilan mo ba ang puso kong mahalin ka?

(Gherbey Geremiano)
Kapag pag-ibig ang usapan,
Marami dyan ang may alam.
Kaya't comment agad nang kinilig, 
Ganoon nga talaga ang pag-ibig.

Poem Collaboration ContestWhere stories live. Discover now