"silid"

1 0 0
                                        

Heto nanaman ako
Nag iisa sa silid
Na binubuo ng apat na pader.
Naisipan kong umakyat
Masdan ang langit na binubuo ng tala
Kasama ang dalawa kong matalik na kaibigan..
Isang boteng alak,
At isang boteng gamot na walang magandang idudulot.
Ang kamay ko ay napuno ng marka
Hindi itim o asul pero pula
Sunod sunod na linya at paulit ulit ang mga marka ay nagsimulang dumugo.
Napatingin ako sa salamin,
"Ano ba nangyari sa dating masigla at masiyahing bata".
Nagbago na nga talaga ako,
Nasira ang buhay ko nung inisip ko yung kasiyahan ng iba,
Nasira ang buhay ko sa laging pag iitindi sa iba,
Nasira ang buhay ko nung inakala ko na..na ako na yung kasiyahan hinahangad mo.
Oo nagpakatanga ako
Nagpakagago ako
Pinahiya ko sarili ko para sa kapakanan mo.
Masakit oo pero wala akong magawa dshil ang mga ngiti ko na totoo ay nsbubuo lang kapag magkasama tayo.
Ngayon wala ka na,
Nagising ako isang umaga at di ko na alam ang gagawin ko.
Nagising ako ng makita ko ang larawan mong masaya na sa iba.
Nagka bisyo
Uminom
Nanigarilyo
Nagmukmok
Naglaslas
Nag droga...
Lahat ng paraan ay sinubukan ko upang makalimutan ka
Pero tama nga ang sabi ng iba na kapag mahal mo ang isang tao ay mahirap talagang bitawan ang mga alaalang nagawa...

-Ynigo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon