"Uy, pastel ko?" ani Maqui.

"Right." tango ni Elmo saka nagmadaling buksan ang kotse niya at kinuha ang malaking paperbag. "Here."

"Wow ha? Sineryoso mo yung damihan ha? Hahahaha." sabi ni Maqui habang tinitignan ang laman ng paperbag.

"Bet!" sabi ni Patrick. "Thanks, Elmo!"

"You're welcome." ani Elmo. "Let's go?" tanong niya sa akin.

"Gusto niyong sumama?" tanong ko sabay tingin sa mga kaibigan ko.

"Nako, Jules hindi na. Quality time niyo ni Mr. Magalona yan. Bawal sabit." kindat ni Reg.

"Hey. Elmo na lang. Magkakaage lang naman tayo dito." natatawang sabi ni Elmo. Tumango naman sina Reg at Essa.

"Una na kami ha? Ingat kayo!" ani Essa.

"Bye guys!" sabi ni Elmo saka na sila umalis na apat.

"Jules kahit wag ka na umuwi keri lang!" sabi ni Maqui at nagtawanan pa silang apat.

"Your friends are funny." sabi ni Elmo. "Tara?" tumango na lang ako saka na niya ko pinagbuksan ng pinto.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makasakay na siya.

"Hm. Is it okay kung sa condo na lang?" sabi niya.

"Ah. Sige sure." sang-ayon ko. Tumango na siya at umalis na kami sa office.

Makalipas ang halos isang oras ay nakarating na kami sa condo building niya. Nagpark siya sa assigned space niya at saka na bumaba. Binuksan niya ang pintuan ko at saka na ako inalalayang makababa. We entered the building while he's still holding my hand. Nawiwili to ha.

"So I was thinking. Magluluto na lang ako ng dinner natin. Okay lang ba sayo?" tanong niya when we entered the elevator. I looked at him and he looked back. "What?"

"You cook? Seriously?" di makapaniwalang tanong ko.

"Yeah. Bakit?"

"Wala lang. Never ka namang nagluto before eh. It's as if the kitchen was your worst enemy." sabi ko.

"Asawa, when I lived in the States I had to do everything on my own." sagot niya. "Trust me. Magaling na ko magluto. Baka nga makalimutan mo pangalan mo once matikman mo yung food eh." kindat niya.

"Siguraduhin mo ha? Kapag yan di masarap..." I trailed off.

"Ano?"

"Kapag yan di masarap goodbye second chance." banta ko. Tumawa naman siya saka ako inakbayan.

"I'm pretty confident with my skills. Don't worry." he said and kissed my temple.

"And sa over confidence mo nakakailang halik ka na. Tayo na ba ha?" sabi ko.

"Hm. Maybe after this baka maging tayo na ulit." sabi niya and even hugged me.

Pagpasok namin sa unit niya ay nagdiretso na siya sa kitchen. I followed him and sat on one of the bar stools. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kitchen niya. Malaki ito. The appliances are all jet black in color. The countertops are made of granite and the breakfast bar is also in black. Actually puro black and white nga ang theme ng condo niya eh. Lalaking-lalaki.

"You up for steak?" tanong niya.

"You know I'm not picky when it comes to food." sabi ko. Tumawa siya at tumango.

"Alright. Just sit back and relax." aniya sabay kindat. Inirapan ko naman siya saka na lang siya pinanuod sa paghahanda. "Magkwento ka."

"Ano namang ikkwento ko?"

The ExWhere stories live. Discover now