"Baka mahal pa ni Julie kaya ganun. Ang mga babae naman kasi kahit na nasasaktan na basta mahal pa nila sige lang nang sige. Kaya ang mga lalaki naman sige rin nang sige sa kalokohan." ani Daryl.

"Oo dude parang ikaw no?" asar ni Jared.

"Baliw! Dati lang ako ganun. Pero nung nagbreak kami ni Shane? Natuto na ko." sagot niya.

Pagkatapos namin sa restaurant nina Daryl ay nagpaalam na kami ni Maqui. Si Patrick nagpaiwan pa dahil kasama niya naman si Red uuwi. Pagdating namin ni Maqui sa bahay ay nagulat kami nang makita ang isang nakapark na sasakyan sa labas ng gate. Isang itim ni Strada at may nakasandal sa labas na isang lalaki. Hindi masyadong kita kung sino yun dahil walang ilaw yung poste sa pwesto niya.

"Sino yan?" pagtataka ni Maqui.

"Ewan ko. Baka taga diyan sa kapitbahay?" sabi ko naman.

"Imposible. Ngayon ko lang nakita yang kotseng yan dyan eh. Tignan mo tumitingin yung lalaki sa bahay. Baka naman jowa ni Gela?"

"Siguro. Lika na pasok na tayo." anyaya ko saka na kami naglakad palapit sa gate.

"Julie." nagulat kaming dalawa ni Maqui nang magsalita ang lalaki. Sabay kaming lumingon saka nakita kung sino yun.

"Anong ginagawa mo dito Elmo?" tanong ni Maqui. "Wala ka bang ibang gawain sa buhay at puro na lang kung nasan si Julie ang punta mo?"

"Sorry Maq. Pwedeng makausap si Julie?" aniya.

"Sus. Kahit naman humindi ako mamimilit ka eh. Wag mong kikidnapin yan ha?! Papasalvage kita!" banta niya saka na tuluyang pumasok sa bahay.

"Julie usap tayo."

"Bakit nanaman? Puro na lang usap Elmo. Ano nanaman ba?" iritang tanong ko.

"Saan kayo galing ni Maqui?" tanong niya.

"Bakit ba tanong ka nang tanong tungkol sa pinupuntahan namin ha? Do I have to report my every move to you?"

"H-hindi naman sa ganun. Ano lang kasi... Kanina kasi sa site sa resort bigla lang kitang naalala. Eh kasi simula nung galing tayo sa bahay sa Pampanga you've been ignoring me again. You're giving me the cold shoulder again. Akala ko ba bibigyan mo ko ng second chance? Bakit parang ayaw mo naman..."

"Elmo, hindi porket binigyan kita ng second chance eh magpapakasweet na ako sayo. Yes, you're given another chance but it doesn't mean that I will treat you like the old me before. Uulitin ko nanaman ba Elmo?"

"Julie..." kinuha niya ang kamay ko saka iyon hinawakan ng mahigpit. "Alam ko naman yun eh. Alam ko kung ano yung ginawa ko. Pero wag na nating ibalik please? Kaya nga humingi ako ng second chance diba? Aayusin natin. And we can't fix it if we'll live in the past. Let's move forward Julie. Let's do this together. Mahal mo pa rin naman ako diba? Diba?"

"Hindi ko alam..." nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Oo Elmo. Mahal pa rin kita. Pero I don't know if you still deserve the love I have for you.

"Hayaan mo." aniya. "I will do everything for you to love me again. Just please don't push me away. Please?" makaawa niya pa.

"Natatakot lang ako sa pwedeng mangyari Elmo. To be honest, hindi ako sigurado kung tama bang binigyan kita ng isa pang chance. Lahat sila sinasabi nila that what I did was wrong. That giving you another chance was wrong. It's like I'm giving you another bullet because you missed the first time. Kaya hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Nakita kong bumagsak ang balikat niya sa sinabi ko. I'm sorry Elmo. Ayoko lang masaktan uli.

"Julie, paniwalaan mo na sana ako this time. Alam ko wala na yung tiwala mo sa akin. Pero totoo tong mga sinasabi ko ngayon. I'm serious when I told you that I still love you and that it never changed."

"Wag mo sabihin Elmo. Iparamdam mo." sabi ko saka na siya tinalikuran.

"Paano ko ipaparamdam kung tinutulak mo ko palayo?" napahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. "I tried Julie. And I will still try. I sent you flowers pero you told me to not give you flowers anymore. I sent you a cake pero hindi mo naman ata nagustuhan. Nagpadala ako ng food sa office niyo pero parang di ka naman natuwa. I brought you back to our old school and you told me that bringing you back there was not a good idea. I brought you to my old house pero sinabi mo naman kay Manang Sol na wala na tayo. We heard mass together pero hindi mo pa rin ako mapatawad. Julie ang hirap naman eh. Ano bang dapat kong gawin para maramdaman no kung gaano pa rin kita kamahal? Kasi sa tuwing tinatanggihan mo ko sobra akong nasasaktan eh."

Humarap ako sa kanya saka humalukipkip.

"Akala ko ba sabi mo kahit pahirapan kita ayos lang? Elmo, hindi ka pa nga tumatagal sa ginagawa mo pero nagrereklamo ka na?"

"Hindi ako nagrereklamo Julie. What I'm trying to say is sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong gawin ko. I want you to be specific Julie. Ayoko yung sasabihin mo na ako bahala pero di mo naman nagugustuhan."

Lumapit uli siya sa akin saka niya hinawakan ang isa kong kamay at ang isang kamay naman niyang hinawakan ako sa pisngi. Hinuli niya ang tingin ko at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. The Elmo I knew and loved never looked this sad. The Elmo I knew and loved was the happiest boy in my world.

"Gusto mo ba talagang malaman kung ano ang dapat gawin ha Elmo?" tanong ko. Tumango siya and smiled weakly. Kinuha ko naman ang kamay niya na nasa pisngi ko.

"Anything Julie." bulong niya.

"Bring my Elmo back."

The ExWhere stories live. Discover now