"Ansabe ni Thor?" tanong ni Patrick. Sumalampak ako sa swivel chair ko saka sumubsob sa mesa ko.

"Bes?" ani Maqui.

"May grand launch ang Biz Mag." sabi ko.

"Ay! Bongga yan girl! Madami nanamang naggwagwapuhang boylets here and there!" kinikilig na sabi ni Patrick.

"Oo nga. Masaya naman yun Julie ah. Diba favorite natin pag may grand launch kasi dun lang mabait si ma'am? Eh bakit ganyan itsura mo? Para kang nalugi?" tanong ni Maqui.

"Guest-of-honor daw si Elmo." sabi ko.

"Eh si Elmo lang pa-- HUWAAAAAAAT?!" gulat na sambit ni Patrick.

"Espinosa! Anong ingay yan?!" sigaw ni ma'am mula sa office niya.

"Waley! Nagrerehearse ako ma'am para sa launch. Daming boylet dun eh!" sigaw naman pabalik ni Patrick. Umupo uli siya saka pa lalong lumapit sa amin ni Maqui. "Bakit daw?!" bulong niya.

"Tanga ka ba bakla? Malamang igguest ni tanda yun. Eh siya kaya ang cover ng magazine." sabi naman ni Maqui.

"Argh! Akala ko after ng interview tapos na lahat. Tsk." angal ko saka pa hinilamos ang kamay ko sa mukha ko.

"Wala na tayong magagawa. Wala namang alam si tanda tungkol sa inyo eh." sabi ni Maqui.

"Nako ha? Bibigyan ko na talaga ng utak yang si Thor na yan! Naiimbyerna na ko!" sabi naman ni Patrick. "Don't worry friendship. Guardia civil kami sayo kapag dumating na yung launching day. Okay?"

Tumango na lang ako saka na lang muling sumubsob sa mesa.

Lumipas ang ilang linggo at grand launch na ng new issue ng Biz Mag kung saan si Elmo ang cover namin. Andito kami ni Maqui sa kwarto ngayon at naghahanda na para sa party na magaganap sa Manila Peninsula.

"Maq, wag na kaya akong pumunta?" sabi ko sa kanya. Huminto naman siya sa pag-aayos at saka tumingin sa akin.

"Bes, kahit pa gustuhin ko rin yang decision mo, hindi naman pwede dahil ikaw ang writer ng article niya. You'll be getting a recognition for that kaya dapat andun ka."

"Alam ko naman yun eh. Kaya lang kasi..." umupo siya sa tabi ko saka niya ako inakbayan.

"I know that you're thinking about what could happen later. Pero I assure you na hindi ka namin iiwan ni Pat okay? Kung saan ka, dun kami. Hindi namin siya hahayaang makalapit pa sayo." aniya. Tumango na lang ako and rested my head on her shoulder.

"Thanks, bes." sabi ko.

"It's nothing." aniya. "Halika nga. Ayusin natin yang buhok mo." sabi niya pa saka na sinimulang suklayin ang buhok ko.

Pagdating namin sa event ay agad kaming sinalubong ng isang waiter. Kumuha kaming tatlo ng tig-iisang champagne glass at saka na naglakad papasok. Halatang pinaghandaan to ng company. Black and gold ang theme ng party at sa gitna ng function hall ay nakatayo ang stage na may malaking print-out ng magazine cover kung saan si Elmo ang nandun.

"Dun tayo oh." narinig kong sabi nina Maqui sabay turo sa table nina Reg at Essa. Lumapit naman kami sa kanila at sinaluhan na sila dun.

"Uy, Julie congrats ha? Nabasa namin yung article mo. Grabe. Idol talaga kita." ani Essa.

"Oo nga. Alam mo, if ever magretire tong si tanda, panigurado ikaw ang magiging editor-in-chief eh." sabi naman ni Reg.

"Sus. Nubakayo. Mas madaming deserving sa position na yun. Tsaka ginawa ko lang naman yung trabaho ko." sagot ko.

"Pero kailan ba kasi gogorabels yang si Thor ha?" tanong naman ni Patrick.

"Ewan ko ba. Lagpas na nga siya sa retirement age eh." kibit-balikat na sabi naman ni Reg.

The ExOù les histoires vivent. Découvrez maintenant