So ito ang nag-adjust.

"Impressive, Scroll." 

Napailing-iling na lamang siya sa mga kalokohan nito.

Iniwan niya muna sa kotse ang box ng sapatos. Binilhan niya rin 'yon ng paper bag. Itinago niya 'yong maigi sa loob at baka silipin pa nito sa loob. Lumabas siya ng sasakyan at agad siyang sinalubong ni Scroll sa labas ng bahay.

"Welcome home, Alt!"

Agad na pinakunot niya ang noo nang makita ang malaking ngiti ni Scroll.

"Sa ilang linggo mo rito, ngayon mo lang ako sinalubong. Ano namang nasira mo ngayon?"

Inilagay nito ang dalawang kamay sa likod nito at nakangiti pa ring lumapit sa kanya.

"Wala akong nasira. Nagulat lang ako na maaga ka ngayon." Napansin niya agad na may kung ano itong sinisilip sa likod niya. "Anong nasa likod mo?"

Hawak niya ang isang paper bag ng i-tinake-out niyang pagkain sa isang restaurant bago siya umuwi. Mula sa likod at ipinakita niya 'yon dito.

"Pagkain, kumain ka na ba?"

Nawala bigla ang ngiti nito, bakas ang pagkalito sa mukha nito, bahagya pang namilog ang mga mata ni Scroll.

"Pagkain lang?" Umayos ito ng tayo sa harap niya. "Walang dumating?"

"Dumating? May inaasahan ka ba bukod sa'kin?" inosente balik tanong niya rito.

She pursed her lips and smiled. Pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagkadismaya. Tila nagtatalo ito at ng isip nito sa mga oras na 'yon pero hindi lamang nito maisitinig sa kanya.

Pigil niya ang ngiti.

"Halika na, kumain na tayo." Nilagpasan niya ito at naunang pumasok sa bahay.

Agad na sumunod ito sa kanya. "Talaga bang walang napadpad sa studio n'yo kanina?"

"Na ano?"

"Wala naman. Baka lang naman. Anyway, ano bang dala mong pagkain?"

"Pansit."

"Wow!"

"Para humaba pa pasensiya ko sa'yo."

"Aray naman! Tagos na tagos po."


NAITIRIK ni Scroll ang mga mata. Kausap niya sa cell phone ang ina. Pinapauwi siya nito ng Cebu. Hay naku! Dumating na pala sa south of Cebu ang chismis patungkol sa kanya.

"Umuwi ka na ngang bata ka rito! Alam mo bang pinag-chi-chismisan ka na rito. May anak ka na raw diyan."

"Anak agad? 'Di pwedeng, may asawa muna ako bago ako nagkaanak?"

"So totoo nga?"

"Ma, mahaba pong kwento. Kapag po nauwi ako riyan, sasabihin ko rin ho. For now, trust me muna, okay? Alam ko na ang ginagawa ko."

"Ano ba kasing nangyayari sa'yo riyan sa Maynila? Nag-ti-taping ka na ba ngayon ng teleserye riyan gaya ng boss mo at na-chi-chismis ka na rin, ha?"

"Ma, okay lang po ako rito. May nag-aalaga po sa'kin dito –"

"'Yong gwapong direktor na si Alt Flores?"

"Naks! May description pala riyan ang nakabuntis sa'kin?"

"Emari Scroll Catapang!"

Bumuga siya ng hangin. "Ma, basta, for now, pagkatiwalaan n'yo muna po ako. Sasabihin ko rin ho ang lahat kapag naging okay na po."

SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon