"Ano lalaban ka? Bayaran mo tong damit kung ayaw mo di lang sampal ang aabutin mo sakin!"

Pansin ko na nakaka kuha na pala kame ng atensyon ng ibang tao dito sa mall nag bubulungan na ang mga ito habang ang iba ay enjoy na enjoy sa nangyayari habang kinukunan kame ng video.

Kaya para matapos na ito ay kumuha na ako ng pera sa bag, pero meron lang akong limang libo sa wallet ko, diko pa dala ATM ko dahil nasa isa kong wallet yun, tanging cheke lang at limang libo ang hawak ko ngayon.

"Wala akong dalang cash, kaya idadaan na lang kita sa cheke, don't worry.. Di to talbog,"

Pagpapaliwanag ko habang sinusulat ang amount sa cheke at pipirmahan sana pero agad niya itong sinagi para malaglag ito sa kamay ko.

Inis na binalingan ko ito dahil sumo sobra na talaga ang babaeng ito. Bakit kasi di umaandar ang kamalditahan ko??!!! Ang tamad tamad kong patulan siya. This is not me!!

"Di ako tumatanggap ng cheke mo!! Malay ko talbog yan! I need cash!"

Huminga na lang ako ng malalim at palinga linga sa paligid. Bakit kasi wala pa si Cleo, sakanya na lang kasi ako hihiram.

"Look, Ms. Di talbog ya--" for the second time she hit me.

"Stupida!! Di ka ba nakaka itindi?? Sabi ko I need Cash!"

"Eh sa wala nga akong dalang cas--" napapikit naman ako ng mata ng makita kong muling pag angat ng kamay nito para sasampalin sana ako for the third time,

Ngunit ilang segundo na ang nag daan ay walang kamay dumapo sakin kaya minulat ko na ang mata ko para tingnan ito.

Laking gulat ko ng may pumigil pala dito at bahagyang tinulak ang babae para mapa upo ito sa sahig ng mall.
May anong kinuha ito sa bag niya at binato sa pag mumukha nung babaeng kaaway ko.

"Get.Out.Of.My.Sight." puno ng diin utos nito sa babae.

Tila natakot naman ito at kinuha ang mga perang binato sakanya. Pero bago pa ito umalis ay sinamaan pa ako ng tingin nito bago umalis sa harapan namin.

"At kayo!!! Ano pa tinitingnan tingnan niyo? Go back to your businesses!" Sita nito sa mga taong nag sisi ayuso.

Agad naman itong nag si alisan at naiwan kameng dalawa. Bumaling ito sakin at parang nakakatunaw ang pagtitig nito.

"At ikaw! Bakit mo hinahayaang ganyan-ganyanin ng babaeng yun?!!"

"Ayaw ko lang ng away."

"Inaapi ka na nga eh."

"Pwede ba Ara, wag mo na akong pagalitan, Ang sakit ng pisngi ko." Reklamo ko habang sapo-sapo ang namumulang pisngi.

"Tsk." Napalantik naman ito ng dila at tinalikuran ako.

Tingnan mo talaga ang ugali ng babaeng ito winok-out ako. Haiisshh...

Tumayo na ako at ako na lang hahanap sa kaibigan ko na hanggang ngayon di pa dumadating.

Aalis sana ako ng bigla ding pagdating ni Cleo.

"O my God???!! Anong nangyari sa pisngi mo?"

"San ka ba nag susuot babae ka? Kanina pa ako nag hihintay dito, naka tagpo tuloy ako ng kaaway."

"Sino?! Siya ba ang may gawa niyan?! Ituro mo sakin reresbakan natin."

"Wag na, umalis na. Kaya halika na.. Para maka uwi na ak--"napatigil ako ng may naramdaman akong malamig na bagay sa pisngi ko.

Nagtatakang napa angat ako ng tingin sa babaeng nasa harap ko na may hawak ng isang panyo na puno ng yelo habang naka lapad sa namumula kong pisngi.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now