Ekstraordinaryong Nilalang (Ang Mahiwagang Tula)

662 10 5
                                        

Pagdating niya'y 'di ko inaasahan,

Di ko maipaliwanag itong aking nararamdaman

Ako ay natataranta,

'di mapakali sa pagtitig itong aking mata

Ako na ba'y umiibig?

Paulit-ulit na bulalas ng aking bibig

Sa kanya ako'y napahanga,

Nakulong sa ngiti niyang napakahiwaga

Parang ulap na kayhirap abutin,

Na sabi nila ay huwag ko nang hangarin

Ngunit ano ang aking gagawin?

Pangalan niya sa puso ko ay nais sambitin.

Ako ay umiibig ng palihim,

habang buhay ko na ba itong kikimkimin?

Siguro nga sa kanya ako'y wala lang,

Pero siya pa rin ang iniibig kong ekstraordinaryong nilalang.

Ekstraordinaryong Nilalang (Ang Mahiwagang Tula)Where stories live. Discover now