Tinatawag ito ng iba na MU o mutual understanding. Walang nanliligaw. Nagpapalitan lang kayo ng mga sweet messages at lagi kayong magkatext o magkachat. Walang pangako o kaya label sa relasyon niyo. Pero ang mga kilos ninyo, ang nagsasabi na parang kayo, pero hindi.
Ang magandang bagay sa relasyong ito ay ang kilig na mararamdaman. Iyong merong nagtatanong kung kumusta araw mo. Iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti ka dahil alam mong galing sa kanya ang message.
Kapag hindi kayo nagkaintidihan, kapag ang isa sa inyo ay nagsawa na, maaring katapusan na ito. Hindi tulad sa isang seryosong relasyon, hindi mo alam kung saan sa lulugar sa isang pseudo-relationship. Wala kang pinanghahawakan. Mabuti sana kung hindi totoo yung sakit na mararamdaman mo. Kaso totoong sakit.
Pero huwag ka lang aasa na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan. Sa iba, puwedeng “buti na iyan kesa wala”. Ibig sabihin, habang wala pa iyong totoong relasyon, doon muna sa kunwa-kunwarian.
Pumayag ka sa ganitong relasyon kahit alam mo na sa bandang huli masasaktan ka din. Ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo. Ihanda mo lang ang sarili mo sa mga consequences nito. Dahil ang “parang kayo pero hindi” relasyon ay bihirang nagiging totoo. Huwag kang papayag na ikaw ang tao sa huli.
...
From: West <3
Luv, magkita tayo sa park ah gusto kitang makita.
Napangiti ako sa text message ni West para sakin. Hayst. Ang lakas na talaga ng tama ko sakanya. Nakakabaliw.
Then I replied immediately.
To: West <3
Wait lang luv maliligo lang ako then punta na ako dyan.
Dahil sa natanggap na mensahe ay agad akong pumunta sa aking closet para humanap ng masusuot. Ang napili kong suotin ay ang regalo sakin ni mama na dress noong 18th birthday ko. Light orange and kulay na above the knee length paired with doll shoes.
Nagmamadali akong pumunta sa c.r upang maligo at mag-ayos para sa pagkikita namin ni West.
...
Oh, by the way hindi pa pala ako nakakapagpakilala hshshs. My name is Aya, 18 years old and taking up BS Tourism, 1st year college. I came from descent family, only child, hindi gaanong mayaman pero kaya naman akong pag-aralin and tustusan yung pangangailangan namin ng mga magulang ko. Matangkad, may katamtamang hubog ng katawan, may kahabaang buhok at maputi in short maganda. Oooops wag na kayong kumontra ngayon lang 'to mga 'te. And merong akong ka-m.u for 10 months na, medyo matagal na rin pala. Si West Sebastian, isang engineering student saming university, sikat sya actually maraming nagkakagusto sakanya dahil mabait sya, gwapo, matangkad, talented at matalino pero may pagka playboy nga lang.
Gusto nyo bang malaman kung bakit kami naging mag-m.u? HAHAHHAHAHA ganito kasi yun, hindi naman talaga kami close ni West until one day nagkaroon kami ng encounter na naging dahilan kung bakit kami naging close sa isa't isa. Pauwi na ako nun saming bahay, naglalakad ako dahil walking distance lang naman yung bahay namin mula sa school. Habang naglalakad ako ay di sinasadyang na out balance ako dahilan upang hirap ako ng pagtayo, hindi ko maigalaw ang aking kaliwang paa kasi parang namaga na ito sa pagkakabagsak ko. Halos umiyak na ako dahil walang tao na magdaan at dahil na rin sa sakit ng aking paa . Ilang minuto pa ang lumipas at nararamdaman ko na ang pagkawalan ng pag-asa na may tutulong pa sakin. Ilang saglit lamang ay may sapatos saking harapan, iniangat ko ang aking tingin at dun ko nakita ang may ari ng sapatos...its West. Inilahad nya ang kanyang kamay sakin ngunit di ko pa rin maproseso ang aking utak kung ano ang gagawin kaya nakatitig pa rin ako sa kanyang kamay. "Di mo ba talaga tatanggapin yung kamay ko?" Sambit nito na nagpagising saking diwali. Di ko pa naaabot ang kanyang kamay nang yumuko ito at hinawakan ang magkabilang balikat ko pagkatapos ay iniangat. Napakapit ako sa kanyang matitipunong braso upang hindi matumba. Inakay nya ako papunta sa kanyangsasakyan. Nakatingin lang ako sakanya ng bigla syang magsalita "Hatid na kita" di na ako nakatanggi at di na ako mag-iinarte pa.
YOU ARE READING
M.U
RandomThis story is inspired by my friend. And i decided to write a story about her. Hope you like it.
