Reyana: Concern naman talaga kami sa'yo ah! Hindi mo ba nakikita!? Hindi mo ba nararamdaman!? Wala akong pinakita sa'yo masama. Wala akong ibang ginawang masama. Kaya hindi maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan!?

Lea: Paano mo naman nasabing wala kang ipinakita saking masama!? E wala ka ngang naalala!

Reyana: Stupid. Wala akong amnesia!

Lea: HAHAHAHW sabi ko na nga ba e! Tama ako! Tama na naman ang kutob ko.

Reyana: Ano bang pinagsasabi mo ha!?

Lea: Si Owen!? Mahal mo ba talaga siya!?

Angeline: Tita?

Lea: Sagutin mo Reyana ang tanong ko!

Napatahimik si Reyana.

Lea: Sagutin mo!

Reyana: Oo! Oo, yan lang naman ang gusto mong marinig diba!? Mahal ko si Owen, mahal na mahal ko. Gusto mong marinig na marupok ako!? Oo marupok ako!

Angeline: A-ano bang nangyayare dito?

Lea: E kung mahal mo talaga si Owen bakit kailangan mo siyang pagtaksilan ha!?

Angeline: Pagtaksilan?

Reyana: A-anong sinasabi mo!?

Lea: HAHAHAHA nagulat ka ba!? Akala mo ba wala akong alam ha!

Reyana: Hindi kita naiintindihan!?

Lea: Bakit kailan mo ba ako intindi?

Reyana: Lea! Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo!?

Lea: Wala? Talaga? Kaya pala, kaya pala sarap na sarap kang nakikipaghalikan kay Aga!

Reyana: Bullshit. Yun ba!? Yun bang nakita mo ha!?

Lea: Oo yun nga! Yung bago ka maaksidente, pinuntahan ka niya. Pinuntahan ka ng taong mahal ko para magtapat sa'yo. Sinundan ko siya at mas lalo akong nasaktan, nung nakita kong niyakap mo siya.

Reyana: Niyakap ko siya kasi sobrang sakit ang nararamdaman ko Lea, wala akong nakitang tao para damayan ako.

Lea: Kaya nagpadamay ka sa jowa?!

Reyana: Hindi ganun yun, Oo nagtapat siya ng nararamdan niya para sakin. Mahal niya raw ako, niyakap ko siya at sinabi kong mahal ka ng bestfriend ko at mahal na mahal ko ang bestfriend ko. Ayaw kong masasaktan siya dahil lang sa mahal mo ko, kaya dapat kayong dalawa ang mag-usap. Mahal ko si Owen, Aga siya lang talaga. Yan na yan ang sinabi ko sa kaniya, pagkatapos nagsimula na akong maglakad papasok ng kotse ko pero hinila niya ako at hinalikan. Sinampal ko siya at sumukay na ako sa kotse ko. At dun na nangyare ang aksidente. Matagal ko ng alam, matagal ko ng nararamdaman na may pagtingin sakin si Aga, at wala akong balak sunggaban siya dahil alam kong baliw na baliw ka sa kaniya. At alam niyong lahat na mahal na mahal ko si Owen at kahit kailan wala akong balak ipagpalit siya.

Mas lalong napabilis ang pagluha ni Lea.

Lea: So, ta-tama lang pala na ako ang mamatay satin dalawang. HAHAHAHA.

Reyana: Anong mamatay!? Walang mamatay! Bumaba kana diyan.

Lea: I'm sorry Reyana, mas lalo akong naguilty sa ginawa ko.

Reyana: A-ano bang pinagsasabi mo?

Lea: Reyana, patawarin mo ko.

Reyana: Ba-bakit?

Lea: Si-sinubukan kong patayin ka. Naging ganyan ka dahil sa kasalanan ko. Dahil sa pagiging selfish ko, sinubukan kong mawala ka.

Reyana: Ba-bakit? Pa-paano?

Hold It Back Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now