Minsan sa buhay natin, pwedeng maligaw tayo.
Sa pagkakataong ito, matatanong mo ang sarili mo kung sino ka ba talaga, ano nga ba talga ang ginagawa mo dito sa mundong ito, bakit ka pa nabuhay, bakit lagi nalang ikaw ang mali, bakit lagi na lang ikaw ang kailangan umunawa, bakit kailangan lagi nalang ikaw ang mag-adjust. Napakaraming tanong.
Kailan nga ba nagiging tama ang mali at kailan din nagiging mali ang tama?
Paano kung madami kang masaktan sa paggawa mo ng tama?
Paano kung madami ang mapahamak?
Paano kung ang mali sa iyo ay tama sa kanila?
Tama pa nga ba na ipaglaban ang tama?
Sa pagkaligaw mo sa buhay, may tamang daan pa nga ba?
Sa madilim na mundong ito may mga dadating na tao na tutulong sayo na bumangon tuwing nadadapa ka, sasamahan ka paghahanap ng liwanag, at ipapaalala sa iyo kung sino ka.
Sino nga ba ako?
Sino ka nga ba?
Naliligaw ka rin ba?
