Ikaw

4 3 0
                                        

Sa napakarami kong napagdaanan
Ikaw ang naging kasama, landas at sandalan.
Ang pagmamahal mo ay walang katapusan
Sa hirap at saya ito'y aking naramdaman.

Ang pagmamahal mo sa amin
Hindi masusukat ng hanggang tingin
Kundi, sa kung paano mo inalay ang iyong sarili para sa amin.

Pag-ibig mo na sa amin ay inialay
Ang mga salita mo ay naging gabay
O, Hesus ikaw ay may pusong dalisay
Kahit ang iyong buhay ay iyong inalay.

Sa lahat ng pagsubok
Kami ay laging humihimok
Sa hirap at ligaya
Ikaw ay laging kasama

Salamat Panginoon sa buhay kong ito
Palaging nadarama ang pag-ibig mo
Ako po nawa ay inyo pang patatagin
Pananampalataya'y lalo pang paigtingin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IkawWhere stories live. Discover now