uno

10 1 0
                                    

   Nandito ako ngayon sa isang sitwasyong hindi ko inaasahan. Isang sitwasyon kung saan wala akong madamang kasiyahan. Bakit ganito para akong nasa panaginip.
    Lahat sila ay nagkakasiyahan, lahat ay nagagalak sa isang magaganap na kahit sa hinagap ay di ko inaasahang mangyayari, lahat ay nagkakasundo sa mga suhestiyon ng bawat isa na parang siguradong sigurado na sila..... 

     Ako nga pala si Danna Lyn Miguel. Ang pamilya ko ay isa sa pinaka-matatandang pamilya dito sa lugar namin. Hindi naman kami mayaman. Ngunit ang ang aking inang at tatang ay siyang pinaka-matandang naninilbihan sa mga Montesilva. Sila ang may ari ng lugar na ito. Lahat ng aking natatanaw sa kinauupuan kong ito ay kanila. Nadito nga pala ako sa isang burol,paborito ko itong tambayan simula ng ako ay bata pa. Ako lang ang nakaka-alam ng lugar na ito. Walang sinuman ang napapadpad sa lugar na ito sapagkat dulo na ito ng hacienda Montesilva.

     Alam kong tatanungin nyo kung ano ang aking ibig ipahiwatig kanina.Ipapakasal daw ako sa apo ng mga Montesilva. Nakakatuwa di ba? Na sa lahat ng babae sa Pilipinas ako pa ang napili nila,ng mga Montesilva.

    Wala akong alam sa lalaking ipapakasal sa akin,ang tanging alam ko lamang ay bunsong anak siya nila Donya Amelia at Don Trivino. Ngunit nakikita ko lamang siya sa malayo,yun ay sa tuwing may malaking handaan sa mga Montesilva.

     Mabait naman daw sabi ng mga Tatang at Inang sila nga pala ang aking kinagisnang magulang,ang magulang ng aking Mamang at Papang na matagal ng kinuha ng maykapal dahil sa isang trahedya.Marahil siguro ay para mapawi ang aking agam-agam sa mga pangyayari kaya't abot ang benta sa akin ng anak ng mga Montesilva,puro papuri lamang ang tanging kanilang nasasambit.Ayun lamang ang akala nila,walang makapapawi ng takot at pag-aalala sa aking puso.

     Hindi man ako nakatungtong ng kolehiyo,mahilig ako magbasa. Sa libro lamang nangyayari ang mga ganitong kwento,nakakatawa di ba? Bakit sa halip na ako ay magsaya lungkot ang aking nadarama,hindi ko maipaliwanag ang lungkot na bumabalot sa aking puso. Ang takot na baka sa halip na magandang panaginip ay bangungot itong nangyayari sa akin.

     Saan ako dadalhin ng tadhanang ito. Marahil ay harapin ko na lamang ang bukas na naghihintay sa akin.Sino ba naman ako para tumanggi sa kung ano ang nakasulat sa aking kapalaran,sabay-sabay nating alamin kung ano ba ang mangyayari sa mga susunod pang kabanata ng aking buhay dahil maging ako ay puno rin ng katanungan sa aking isip para sa bukas na darating.

      Masyado bang boring,ganyan talaga ako pag nalulungkot nagiging mapag-hugot. Dumidilim na... marahil ay hinahanap na ako ng Inang,akalain pang nakipagtanan ako,ay siguradong makukurot ako sa singit nito.

       Patayo na ako ng may mga yabag ng kabayo akong narinig...

       May isang bulto ng tao akong natatanaw na tila ba kay kisig,itinali nya ang kabayo sa may puno.Ikaw na ba ang Knight in Shining Armor ko na magliligtas sa nkatakda sa akin.   At mukhang papalapit sa aking kinaroroonan. Akala siguro nito ay di ako marunong lumaban sakaling may gawing masama sa akin.Pero willing naman ako kung ikaw na nga ang magiging prinsipe ng buhay———

      "Ikaw ba si Danna?" tanong ng taong palapit sa akin.

      "Bakit anong kailangan mo?"balik na tanong ko sa kanya.Panira ng moment hindi pala Knight in kyeme or Prinsipe,epal pala epal.

       "Alam mo miss,sa nakakainis na dahilan napag-utusan lamang ako ng Mama at Papa na hanapin ka," iritado nitong sabi.."kaya wag ka na magdrama diyan at wala naman akong gagawing masama sa iyo,dumidilim na din kaya tara na!" akay nito sa akin.

       Aba't loko ito ha! Sungit lang. Ang bunsong anak pala ng mga Montesilva,ang lalaking sa akin daw ipinagkasundo.Oh!sasabihin ninyo haba ng hair,naku di nyo sure!

       "Ikaw pala pasensya na at di kita agad nakilala,wag ka mag-alala pabalik na ako sa hacienda,isa pa kaya ko naman na mag-isa mauna ka na,ok lang ako." pagtataboy ko pa sa kanya.

        "Sumabay ka na sa akin pabalik"nakangiti pa nyang turan.
        "Ha? naku wag na baka pagtsismisan lang tayo ng mga maritess diyan sa tabi-tabi na nakasakay ako sa kabayo mo ayoko ng issue,alam mo na hehehe."pabebe ko naman pagtanggi.
        "Hahahaha ganun ba? Pero hindi naman kita isasakay sa kabayo ko,ang sabi ko sumabay ka lang,maglalakad ka ganon hahahaha" natatawa niya pang asar.
        "Ah! eh! ganun ba hahahaha maglalakad ako,ok sabi ko nga di ba pero una na ako,alam mo na issue." Eh,anak ka ng tinamaan ng lintik sasabay pala habang naglalakad,ayan ang napapala ng feeling maganda,Assume to the max pa Danna.
Dali- dali akong naglakad pababa n burol at hindi na ako lumingon kahit tinatawag niya pa ako. Mabuti na lamang at nakita ko si Mang Andong at sa kanya na ako sumabay pabalik ng hacienda.




a/n:
omyghad d ko na alam isusunod dito.. 😂😂😅😅

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

escapeWhere stories live. Discover now