Pinasok niya ako sa sasakyan tas nagdrive siya papuntang hospital. Medyo di na siya masakit pagdating namin, actually di na talaga masakit.

"Di na masakit, uuwi na ako", sabi ko, habang nakayuko.

Nakakahiya kaya!! Tengene kung alam niyo lang!

"Stop being so stubborn and get out of the car, marami pa akong gagawin", sabi niya sabay labas ng sasakyan.

Eh ano bang pakialam mo sa'kin?!

Marami ka pa lang gagawin eh!

Dinala-dala mo pa ako dito, tas sasabihin mo marami kang gagawin? Putangina mo to the max!

Sa sobrang inis ko, binuksan ko 'yung pinto sabay balibag. Wala akong pakialam kahit masira man. Yabang yabang pssh!

Kahit kumikirot 'yung paa ko, tumakbo ako palabas ng ospital at naghanap ng taxi. Di niya ako pwedeng maabutan.

Pero putangina ayaw makisama ng mga taxi eh!

"Bakit ba ang arte arte mo? Ikaw na nga 'tong tinutulungan eh"

Nakahabol na pala ang unggoy. Ramdam kong naiinis na siya. Aba eh di maganda! BWAHAHAHA!

"Eh ano bang problema mo? I'm not asking for your help asshole!", sigaw ko sa kanya.

"Wow! So anong ineexpect mong gawin ko? Panuorin ka habang umiiyak ka sa sakit kanina?"

Hindi ako sumagot..

Di rin siya nagsalita..

Tumalikod ako sa kanya at naghanap ng taxi. Ba't ba walang dumadaan?!

"Kasalanan mo dahil nakikipaghalikan ka kaya ako nahulog! Kaya masakit ang paa ko!!", sigaw ko sa kanya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Umiiyak na naman ako..

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak.

Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang masakit, 'yung paa ko ba oh ang puso ko..

Nakatingin lang siya sa'kin..

Naalala ko 'yung time na binugbog nila ako..

Haha pa'no ko ba naman makakalimutan 'yun?

Ganito rin 'yung tingin niya sa'kin..

Parang kanina lang, nung akala ko susuntukin niya ako..

I can't read him..

Naglakad ako palayo sa kanya pero wala pa ako sa pangatlong hakbang nang bigla niya akong buhatin, pabalik sa ospital.

Tahimik lang ako habang nilalagyan nila ng benda 'yung paa ko.

Lumabas siya pagkatapos niyang sabihin sa Doktor 'yung nangyari.

Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Sana nagpakamatay na lang siya. Tatawanan ko pa siya! BWAHAHAHAHA!

Tumingin sa'kin 'yung doktor dahil bigla bigla na lang akong tumatawa. Baka next time sa mental na ko dadalhin ng gunggong na 'yun.

Lumabas na ako pagkatapos nilang bendahan 'yung paa ko.

Hahanapin ko pa 'yung gunggong na 'yun. Kailangan ko nang umuwi.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pero sana di na lang ako lumabas.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Lumabas pala siya kasi may kausap siya.

Di na ako magtataka kung maya-maya lang maghahalikan na naman sila...

Eh di maglaplapan pa kayo!

Putangina sige lang..

Be My Slave (BoyxBoy/Yaoi/M2M)Where stories live. Discover now