Prologue

31 3 0
                                        

Hi, so before we start, i just like to warn you that this story is a bxb, lalaki sa lalaki, gay story, or what ever you'd like to call this. If you're not comfortable with these kind of genre, then please feel free to exit and find some other story that suits your taste.

Anyway, please bear with me. I'm currently studying in college and writing this stuff is my way of escaping workloads and toxic college responsilbilities. Updates will going to be irregular but rest assured that Im going to finished this no mater what.

Umpisahan na natin—

Galit na galit si Garrick sa ginawa ni Oz sa kanya. Gusto niya itong buhusan ng masasakit na salita. Gusto niyang magpaulan rito ng suntok at tadyak hanggang sa malumpo ito at hindi na makatayo. Gusto niyang makakita ng kahit na kaunting pagsisisi sa mukha nito.

Ngunit siya si Oz Crisostomo. At alam niyang hindi ganon maglaro ang isang tulad nito.

Dala ang galit at hinanakit ay lumakad si Garrick patungo sa lalaki. Suot na naman nito ang mapanuksong ngisi na buhat pa lamang noon ay kinaiinisan na niya.

Kumukulo ang dugo niya para dito subalit hindi niya maipaliwanag ang sumunod na nangyari. Nang maisara ni Garrick ang distansya sa pagitan nila ay mayroon na siyang pagkakataon na gawin ang lahat ng bagay na naisip niya kani kanina lamang subalit bakit hindi niya ginawa.

Imbes na manuntok o manadyak o di kaya'y magpaulan ng masasakit na salita ay bakit pinagdikit nya ang labi nilang dalawa? Bakit sila magkahalikang dalawa na tila wala nang bukas? Bakit ang lakas na naman ng tibok ng puso niya? Bakit?

Consequences of Loving Oz (BXB)Where stories live. Discover now