About the book.

244 3 2
                                    

I am a Filipino so I will just use my language. HAHA!

Unang una sa lahat, mahal ko ang storyang ito.
Eto yung storya na kahit ang tagal ko na nabasa, tanda ko pa rin yung scenes.

Eto yung story na binago yung pananaw ko about love and other things. Binago ako ng storyang ito.

At first, from the title itself Hopeless Romantic, alam mo na na para ito sa iniwan, umaasa, nasaktan at pinabayaan.

I got curious pa rin about the story. So nilagay ko sya sa library ko. Then I started reading it. Ako kasi yung tao na pag nasimulan, hindi basta basta matitigilan.Kaya sobrang napuyat ako para lang matapos ang story na yan.

Sa characters, may similarities kami ni Rylie.
Though, nbsb pa ako. Pero pareho kaming naniniwala na someday, mahahanap mo yung prinsipe mo.

Sa ibang scenes, makakarelate ka talaga lalo na kung teen ka. Andon yung kilig na konting banat palang ni Tyler, kikiligin at magtatatalon kana.
Andon din yung inis mo pag may umentrang iba.

At grabe lang talaga yung story kasi kala mo nung una cliche pero hindi. Siguro at first oo? Kasi parang ang dating nyan eh, " Ah oo. Ganyan lang mangyayari. Magkakatuluyan tapos happy ending na" pero hindi kasi ganon ang HR.

Eto yung akala mo masaya na tapos may padating nanaman na problema. Parang sa buhay natin, hindi naman sa lahat ng oras at araw eh masaya lang. Hindi sa habang panahon eh walang magiging problema. Kasi part yun ng buhay. At syempre walang taong walang problema kasi kung wala kang problems, di ka tao.

Hanga ako sa story na to kasi minulat tayo or ako na nasa reality tayo. Hindi tayo nasa isang show or movie na pagnagkatuluyan, tapos na. Hindi ganon diba? Kaya sobrang hanga talaga ako sa author.

Eto rin ang book na talagang papatayin mo na sa isip mo yung kokontra sa loveteam ni Jamilah at Tyler. Syempre as a teen, hihilingin mo nalang na ay sana sila na sana wala nang makikiepal at mangingielam sakanila pero talagang etong story na to, as in grabe!

Dahil din pala dito sa story na to, tumaas ang standards ko sa lalaki. Parang saakin naka set na sa utak ko na dapat isang Tyler Dela Cruz ang mapipili ko.

Well, madami pa akong gustong sabihin. Pero yung nararamdaman ko ngayon ay halo halo. Haha!

Heniweys, so ayon na nga. Sa unang part ng story, medyo jeje pa. I mean yung paulit ulit yung letters sa isang word. Well I am not againts it. Parang tolerable naman kasi talaga. Depende lang naman yun sa reader kung mahahalayan ka or hindi. Tapos sa choice of names naman, love na love ko!

Hindi kasi sya palasak or hindi sya madalas na ginagamit o naririnig. Kaya nung una kong nakasalamuha ang pangalan ni Rylie at Tyler, nabonggahan talaga ako. Kaya nga ang mindset ko ngayon na pag nagkaanak ako, talagang pangalan nila ang gagamitin ko. HAHA!

Basta Hopeless Romantic will always and forever an inspiration for me. Eto yung storyang tatak sa puso at isip mo. Eto yung storya na mapapaiyak at mapapakilig ka at the same time at ito ang story na talagang babago ng pananaw mo sa love at sa buhay.

So, para sayo na nagbabasa nito at para sa pinakamamahal kong author at girlcrush kung makikita at mababasa mo to, masasabi ko lang ay.....

Mahal ko itong storyang to kasi kung wala to, hindi ako maniniwala at mangangarap na pagdating ng tamang panahon, dadating ang prinsipe natin.

Book Review for Hopeless Romantic by strawberry008Where stories live. Discover now