"Ah eh si Tita Lindsay mo"

"Can I talk to him Mommy?"

"Sige baby" sabi ko at iniabot ang phone ko sa kanya

"Hello Tita Lindsay?"

"Khloei ikaw na ba yan?"

"Opo tita"

"Kamusta kana khloei, miss na kita"

"Ok lang po ako, miss na rin po kita"

"Ano kamusta makasama si Ate Kara mo?"

"Do you mean si Mommy?"

"Mommy?"

"Opo,maayos lang naman po mabait po sya at magaling kumanta"

"Baby pwede pakausap kay Tita mo?" sabi ko kay khloei

"Teka lang po, Tita kausapin ka daw po ni Mommy" sabi nito at iniabot yung phone sa akin

"Girl tama ba yung narinig ko Mommy? Mommy ka ni khloei?"

"Girl mahabang istorya sabihin ko nalang sayo pag naka balik na kami dyan"

"Sige mukhang mahaba haba yan ah sige bye"

"Bye"

Pinatay ko na yung phone ko at hinarap si khloei

"Anong gusto mong gawin natin ngayon baby?"

"Pasyal nalang po tayo"

"Sige bihis lang si Mommy hintayin mo ako dun sa sala ha?"

"Ok po"

Tumingin ako dun sa hapagkainan at wala na si Jackson baka nasa kwarto nya, kaya dumeretso sa kwarto ko pero nagulat ako nang nandun si Jackson sa kwarto ko

"Oh bat andito ka? Kala ko ba busy ka?" tanong ko dito na naka pamewang

"Look Hon I'm sorry kung nasungitan kita kanina, sorry kung inuna ko yung work ko kesa kay khloei" sabi nito at lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko

"Sorry na ayokong nagagalit ka sa akin" dagdag pa nito at tinaas ang mukha ko at tiningnan ako sa mata

"Eh kasi naman dapat mas priority mo si khloei kesa sa work mo tingnan mo yung bata mukhang nag tampo sayo"

"I know kaya sorry na" sabi nito at kiniss ako sa noo ko at tiningnan ulit

"Sorry na ha wag kana magalit" dagdag pa nito

"Oo na"

"Yes cute cute naman nang hon ko" sabi nito at pinisil pisnge ko

"Aray, masakit kaya" sabi ko sa kanya at hinampas

"Hahaha sorry naman ang cute mo kasi, mag bihis kana gagala pa tayo diba" talas nang pandinig netong lalaki na toh ah

"Sasama ka?"

"Oo syempre babantayan ko kayo, mas lalo na sayo"

"Bakit?"

"Baka makuha ka pa nang iba eh, akin ka lang"

"Para kang sira" sabi ko at hinampas sya sa braso

"Yieee kinilig sya hahaha"

"Dun kana nga mag bibihis ako mag bihis ka na rin"

Pagkalabas neto ay agad agad akong tumingin kung anong pwedeng suotin, hmmm eto nalang yung red dress na floral yung design, nag bihis na ako at inayos yung buhok ko, onting pulbos at liptint, yan ok na yan

Jackson's pov

Naka suot ako nang polo na color white na flowers na black ang design, pantalon na color black onting ayos nang buhok and pabango yan ok na yan

The Move OnWhere stories live. Discover now