Prologue

12 0 0
                                        

Akala ko walang masama pag ika'y nagmahal, akala ko hindi ka makakaranas ng sakit, akala ko masaya ka na lang palagi, akala ko maintindihan din nila ako..

Pero sa nangyari ngayon, lahat ng ito napatunayan kong hindi madaling magmahal.

Dahil para sa akin kaakibat ng saya ang lungkot, sakit at tuwa.

" Marcus buntis ako" madamdamin kong saad ko sa kanya, alam kung hindi ito ang tamang oras para sabihin ito dahil may problema din kaming kinahaharap.

Pero gusto ko lang sabihin sa kanya ang totoo, bilang isang magiging ina iniisip ko lang kung ano ang tama. At sa paraang ito lang ang alam ko, ang sabihin sa kanya na buntis ako at siya ang ama.

" What? You're p-regnant?" aniya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin, mababakas sa kanyang mukha ang hindi mawaring emosiyon, hanggang sa unti-unting napalitan ng isang matamis na ngiti dahilan upang matuwa ako.

"Marcus h-indi mo dapat ako binuntis.. Alam mo namang wala ding patutunguhan ang relasyon natin ito" matapang kong saad ko sa kanya, dahilan upang magalit siya.

Mahal ko si Marcus yun ang totoo, pero ang nararamdaman kong ito ay hindi tama, dahil lahat ng ito nagsimula sa mali. Makasarili ang klase ng pagmamahal na meron kami at yun ay hindi tama.

Pilit ko mang tapusin ay hindi ko magawa dahil sa pagmamahal ko sa kanya, kung sana'y nakinig na lang ako sa sinabi ng aking kaibigan noon hindi sana nangyari ang lahat ng ito.

" What do you mean Lorrie? Anong walang patutunguhan? Mahal kita kaya pananagutan ko kayo, huwag mo namang sabihin yan sa akin dahil para mo na ring sinabi na ayaw mong magka-anak, na para bang nagsisi ka" natigilan ako sa kanyang sinasabi at napa-iling para iparating sa kanya na hindi iyon ang gusto kung ibig sabihin.

" Marcus m-ali... I m-ean" hindi ko na ipinagpatuloy ang pagsasalita ko dahil kahit ako mismo ay naguguluhan sa sarili ko. Bumuhos ang pinipigilan kung luha kanina kaya napakagat na lang ako ng aking labi upang pigilan ang aking sarili sa pag-iyak.

" M-arcus iniisip ko lang naman ang kinabukasan ko, ikaw...nating dala-"

"That's Bullshit Lorrie"galit niyang saad sa akin.

" M-arcus. "

" My future? Our future? Really Lorrie you think about our future? Kung talagang iniisip mo ang kinabukasan natin dapat maging masaya ka hindi iyong parang nagsisi ka." ngayon ko pa lang nakikitang galit si Marcus.

Nakita ko naman siyang galit pero iba kasi ngayon, makikita sa kanyang mukha ang sakit at galit.

Dapat maging masaya ako? How Marcus? Paano ako maging masaya kung mali naman ang pagmamahal na meron tayo.

"Sabihin mo sa akin Marcus kung paano maging masaya kung ang totoo ay ikakasal ka na sa iba." natigilan naman siya sa sinabi ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

" Paano ako maging masaya sa kabila ng kanilang panghuhusga...Oo ako na ang m-alandi... K-ung sana hindi lang kita minahal madali lang sana ang lahat. "saad ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-agos ang aking luha.

" Don't lie Lorrie just tell me the damn truth! Do you regret for loving me? Nagsisi ka bang minahal mo ako? Na ng dahil sa akin nasaktan kita? " mahinang saad niya sa akin.

What the! Kahit kailan hindi ako nagsisi ng minahal kita Marcus kahit na nasasaktan na ako ng subra.

" Hindi kailan man Marcus, ngunit kailangan din nating isipin ang ibang taong nasasaktan natin. Si Diana na mahal ka, ang pamilya mo--" mahinang saad ko sa kanya.

" Pwede bang huwag mo muna silang isipin babe? Pwede bang ang ako at ang anak na lang natin? "

Bakit ba ang kulit niya? Ang sabi ko maraming taong masasaktan at isa na dun ang pamilya ko. Bakit ba hindi niya ako maintindihan? Kailangan naming itigil ang lahat ng to.

Walang patutunguhan ang kahibangan naming ito.

eh ano naman ngayon kung mahal namin ang isat-isa kung ikakasal naman siya sa iba?

Hindi pa rin mababago ang katotohanan na hindi siya maging akin.

"H-indi mo kasi ako maintindihan Marcus eh! Ang lahat ng ito ay mali! Naiintindihan mo ba? MALI! Kaya dapat lang na tuldukan natin ang kahibangang ito." sigaw ko sa kanya.

"Anong sabi mo? Mali? Walang mali sa ginagawa natin Lorrie. WALA! Ang pagmamahal ko sayo, ang pagmamahalan nating dalawa ay walang mali. Got it?" aniya at iniwan akong nanghihina dahil sa sinabi niya.

____

Nung minahal ko si Marcus alam ko namang masasaktan lang ako sa huli at pinaghandaan ko na ang lahat.

Pero bakit para pa rin akong nagulat? Nagulat sa naging kapalit ng kahibangan ko. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit magmahal na may kahati.

" Huwag na huwag kang babalik sa bahay na ito hanggat hindi mo sinasabi sa amin kung sino ang ama ng ipinagbubuntis mo." galit na saad ni Dad at itinulak ako palabas sa bahay.

Gusto ko mang sabihin ngunit hindi ko magawa, natatakot ako na baka husgahan din nila ako tulad ng mga kaklase ko.

Natatakot akong baka hindi nila ako maintindihan.

" Lukas stop pushing our daughter like that... She's pregnant for christ sake." mom shout at dad angrily.

"Shut up Rihanna!" Dad said and not minding my Mom from shouting.

"D-ad i-m s-orry." humihikbing saad ko sa kanya.

"Lorraine..hush sweetheart.. You're Dad is just shocked." alo ni Mom sa akin at hinawakan ako sa aking balikat para ipatayo.

" Sabihin mo nga sa akin Lorraine kung nagkulang ba ako sayo? Ginawa ko ang lahat para ibigay sayo ang gusto mo pero ano ito?" tiningnan niya ako kaya napayuko na lang ako.

Hindi ko kayang tingnan ang mata ni Dad, ang mata niyang puno ng galit.

Hindi ka nagkulang Dad, sadyang nagmahal lang talaga ako kaya ako naging ganito. Sadyang sinunod ko lang utos ng puso ko.

" D-ad. "

"Leave this house now Lorrie, tsaka ka na babalik kong handa ka ng sabihin sa amin kung sino ang walang hiyang ama ng dinadala mo."

"Lukas?are you that heartless? Can't  you see our daughter is pregnant and she need us. She badly need us specially in her situa-."

"It's her problem Rihanna, not us. Whatever happened to her isn't our priority anymore. We have done that before." aniya at iniwan kaming dalawa ni Mom.

"Lorraine my daughter! Kung sino man ang ama ng batang ipinagbubuntis mo, nasisiguro kong mahal na mahal mo talaga siya ng subra."saad ni Mom.

Kung alam mo lang Mom kung gaano ko siya kamahal, ng dahil sa pagmamahal ko sa kanya nagawa kong suwayin kayo, nagawa kong pumatol sa pagmamay-ari na ng iba.

" Mom. "is all i can say.

"Hush sweetheart! Ganito lang talaga pagnagmahal kailangan mo pang masaktan bago makamit ang kaligayahan."

Paano kung kahit kailan hinding-hindi ko talaga makamtan ang lumigaya? Yes i can be happy without him in my life, yes! I can lived without him pero iba kasi ang andiyan siya sa tabi ko.

Iba kasi ang kasama ko siya, nakikita ko siya at nahahawakan ko siya.

" Anak be Strong, this is just the beginning of your story." aniya.

Siguro nga Mom this is just the beginning kasi nasasaktan pa ako, simula pa lang ito kasi hindi ko pa nakamtan ang saya.

When the heart beatsWhere stories live. Discover now