Reyana: Akin na sabi.

Kinuha ni Reyana ang first aid kit at inagapan ang sugat ni Jolo.

Reyana: I'm sorry.

Jolo: Hindi, okay lang. Wag kang magsorry please. Akin na ang kamay mo.

Reyana: Ba-bakit?

Jolo: Ayan oh may dugo din.

Nilapatan din ni Jolo ng lunas ang sugat ni Reyana.

Jolo: Ano bang nangyare sa'yo? At bakit kaba nagwawala huh?

Reyana: Jolo, ansakit ang sakit sakit.

Napayakap naman siya kay Jolo.

Reyana: Kapag nakikita ko siya bumabalik yung sakit, bumabalik lahat ang sakit. Gustong gusto ko na siyang kalimutan! Pero bakit ganun!? Bakit ang unfair imbes na tuluyan mawala yung nararamdaman ko mas lalo kaming pinaglalapit ng tadhana. Pagod na akong umiyak dahil sa kaniya at eto na naman ako. Pagod na ako. Pagod na akong maramdaman lahat ng pwede kong maramdaman.

Jolo: Sige lang iiyak mo lang lahat hanggang sa mawala ang sakit.

Reyana: Hindi na ata mawawala yung sakit Jolo, nagiging permanente na at halos nagiging galit na. Sasabog na ako anytime kapag nakita ko siya ulit.

Jolo: Hindi mo siya pwedeng pagtaguan panghabang buhay.

Reyana: Alam kong magkikita kami parin kami sa ayaw at sa gusto ko pero bakit ngayon pa? Bakit ngayong hindi pa ako handa? Ngayong sinusubukan ko palang maging malakas.

Jolo: Malakas kana dati paman. Ikaw na ang pinakamatapang at pinakamalakas na babaeng kilala ko. Alam ko kaya mo yan.

Reyana: pero bakit pakiramdam ko ako ang pinakamahina sa lahat kapag nakikita ko si Owen.

Jolo: Ibigsabihin nun siya parin ang kahinaan mo.

Reyana: Anong dapat kong gawin?

Jolo: Sigurado kana bang gusto mo ng maging si Ana?

Reyana: Huh?

Jolo: Kung sigurado kana, dapat iwanan mo na lahat ng pumatay kay Reyana, closure and acceptance is the key.

Pinupunasan ang luha ni Reyana.

Jolo: Palayain mo na ang sarili mo Reyana para tuluyan kanang maging si Ana. Palayain mo na sila. Si Owen, palayain mo na siya.

Reyana: Matagal ko na siyang pinalaya.

Jolo: Kung matagal mo na siyang pinalaya? Bakit sa tingin mo masakit padin? kasi may galit ka padin? kasi may mga bagay kapa ding hindi matanggap.

Reyana: Ayaw ko na sa kaniya Jolo.

Jolo: Kung ayaw mo na sa kaniya, palayain mo na siya. Kung hindi mo na mahal, tuluyan mo ng hiwalayan Ana.

May bigla namang nagbukas ng pintuan.

Mitch: Miss Ana!?

Reyana: Mitch?

Mitch: Anong nangyare? Bakit ang gulo ng office mo? Okay ka lang ba? Ikaw!

Sabay turo kay Jolo.

Mitch: Ikaw ang may kasalanan nito nu! Inano mo si Miss Ana huh!

Reyana: Okay lang ako Mitch. Hmm pwede bang pakilinis na lang nito mamaya? Pakipalitan na din ng bagong salamin. Pasensya kana ha.

Mitch: Okay lang naman po. I just want to inform you Ma'am na mamaya pong 7pm sa garden po kayo magpeperform.

Reyana: Huh? Bakit naman sa garden?

Mitch: Maiba naman daw po sabi ni Madam Sharon.

Reyana: Osige thank you, iwan mo muna kami.

Mitch: Okay po.

Lumabas din naman agad si Mitch.

Jolo: Kaya mo bang magperform mamaya?

Reyana: Oo naman.

Jolo: What if makita mo siya dun?

Reyana: Edi makita, wala na akong magagawa dun. Mauna na ako.

Jolo: Pasan ka?

Reyana: May kailangan pa akong paghandaang laban.

Jolo: Basta kapag kailangan mo ko, tawagan mo lang ako. Makikinig ako at tutulungan kita. Mamaya manonood din ako. Galingan mo ha.

Reyana: Sige, see you later thanks.

Reyana's Pov
Hindi ko na maintindihan, bakit ganun tadhana? Bakit pilit mo kaming pinaglalapit? Akala ko imposible na. Imposible ng magkita kami ulit? Bakit ngayon pa? Ngayong madami pa akong tanong na hindi na sasagot? Bakit ngayon pa? Kakayanin ko na ba?  Ang tuluyan siyang palayain at patawarin kaya ko na ba?























Lobby

Pagkatapos lumabas ni Owen sa elevator bigla naman siyang may napagtanto.

Owen: Teka si Reyana ba yunn?! Yung boses na yun imposible. Si Reyana yun!? Oo si Reyana nga!

Kinalampag naman ni Owen ang Elevator.

Owen: Reyana! Reyana! Reyana!

: Sir wag po kayo ditong magskandalo.

Owen: Hindi ako nagsskandalo, nakita ko ang asawa ko I mean narinig ko siya boses niya yun.

: Baka naman Sir, nagkakamali lang kayo?

Owen: Sigurado ako! Sigurado ako.

: Please Sir wag na ho sana kayo sumigaw, tutulungan na lang po namin kayo. Baka nasa guest book namin. Hahanapin na lang po namin. Ano po bang name?

Owen: Reyana Velasquez-Alcasid.

: I'm sorry Sir, wala pong nakacheck in na Miss Reyana Velasquez-Alcasid.

Owen: Hindi e imposible. Nakita ko siya nandito siya.

: I'm sorry Sir, wala po talaga e.

Owen: Shit imposible naman oh. Patriple check.

: Okay po Sir.

Bigla namang napatalikod si Owen at nakita niya ang isang kakilala.

Owen: Jolo?

Hold It Back Together [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora