FANtasy

28 2 5
                                        

AN: This story is for my project and I just want to share this to others. Expect for wrong grammars and not so pretty flow of the story but if you're reading this then a big thank you to you.

The story contains of mix fiction and reality. Some of the scenes are real and some are not. Hope you enjoy reading.

Ps. Fantasy is our Fandom name. SF9 is a real kpop boy group from FNC entertainment and ESEPGU is their group nickname. Hope you get intrested with them and start to stan them hihihi. Labyuuu

----------
"Sana hindi nalang ako nag-hangad ng higit pa. Ang sakit lang kasi. Akala ko eto na, akala ko totoo. Na sa wakas yung pangarap ko matutupad na. Di pa nga ako makapaniwala no'ng una eh. Pero nagkamali ako, ang t*nga ko lang kasi umasa ako..."
----------

"Concert"

"Youngbin, Inseong, Jaeyoon
Dawon, Rowoon, Zuho
Taeyang, Hwiyoung, Chani
E-SEP-GU! Kyahhhhh"

Pagsabay ko sa fan chant habang winawagayway pa sa ere ang hawak  kong light stick.

"Kyahhhh! Jusko ang gwa-gwapo nila Ei! Sana maging jowa ko ang isa sa kanila hahahahaha." Dinig ko pang sabi ni Dey habang titig na titig sa harap namin kung saan nagpe-perform ang aming mga idol sa stage.

Natawa naman ako sa sinabi niya at napaisip. 'Ano nga kaya kung isa sa kanila ay maging jowa ko? Hahaha malabo,jusko. Isang napakalaking himala pag-nagyari'

Ako si Eirishee Landres, Ei for short. Isang certified fangirl ng grupong ESEPGU. Isang simpleng babae na ang tanging gusto lang ay suportahan ang siyam na lalaking nakapag pabago sa buhay ko. Ang babae namang kasama ko ay si Dey,ang concert buddy ko. Nakilala ko lang siya sa facebook. Nagkausap tas naging magkaybigan na. Actually ngayon ko lang siya nakita sa personal dahil magkalayo ang lugar namin pero dahil nagkaron ng concert ang aming mga idol ay di na namin pinalampas pa at bumili kami ng ticket sa kagustugang makita sila sa personal gayon na din ang makita namin ni Dey ang isat isa. Napaka bait ni Dey at mapagkakatiwalaan talaga. Buti nalang nakilala ko siya at naging kaybigan hehehe.

Natigil ako sa pag iisip nang marinig kong sabay sabay nagsalita sa harap ang buong grupo

"WE LOVE YOU FANTASY! KAMSAHAMNIDA! Sabi nila sabay bow.

Tapos na pala ang concert. "Grabe ang bilis naman. Nabitin akooooo hahaha. De bali may Hi-touch at group photo naman hihihi" sabi ko

"Kaya nga eh, ako din nabitin jusko. Buti nalang talaga may Hi-touch at group photo. O siya siya tara na at mag ayos , Ei. Lalapit tayo ng sobrang lapit sa kanila kaya dapat mabango at presentable tayo pag nakaharap nila hahaha" Dey

"Luka ikaw nalang. Nakapag ayos na ako kanina pa haha"

"Ay jusko. Sobrang excited lang sis?" Pang aasar pa ni Dey at natawa naman ako

" I will miss you Fantasy! Good night!" Dinig naming pahabol pa ni Inseong, ang pinaka magaling mag english sa grupo.

"Wahhhh mamimiss ka din namiiinnn" halos sabay-sabay na sigaw naming mga fans sa kanya kahit alam naming di kami maiintindihan.

Pagkalabas ng ESEPGU sa stage ay siyang punta naman sa harap ng isang babae na ipinaliwanag ang magiging proseso ng Hi-touch at group photo.

"Hoy sissy buti nalang talaga VIP ang binili nating ticket. Mahahawakan natin ang mga kamay nilaaaaa yieeeeee!!! Excited na akooo!  Pagtitili ko pa mula sa kinauupuan ko habang di maalis sa harap ang paningin ko dahil pinapanood ko ang pag aayos ng staffs sa stage

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FANtasyWhere stories live. Discover now