THANOS' POV
"Itayyyyy!!.." malakas na sigaw ng batang babaeng mapayat at morenang humahagulgol habang niyuyogyog Ang amang nakaratay sa hospital bed. "Gumising ka...itay...." Paulit-ulit na banggit nito sa ngalan ng kanyang ama na habang hindi tumitigil ang pag tulo ng mga luha sa Mata niya.
"Hindi pa ako handa." Ani ng ama ng babaeng nasa harap ko na nag pabalik sa huwisyo ko. Tumulo Ang isang butil sa kanyang mata. Mahihimigan Ang lungkot at sakit sa mga Mata't luha niya.
"Pero kailangan mung maging handa dahil Wala na tayong magagawa." Ani Kung 'di siya tinapunan ng tingin.
"Walang mag aalaga Kay Shainna at lalong-lalo na sa mga kapatid Niya." At dun ko lang din Nakita Ang dalawang bata na umiyak din sa paanan ng amang namayapa.
Nanatili akong tahimik habang pinapanood Ang tatlong magkakapatid. "T-tulongan mo akong m-maka balik. Di kakayanin lahat ni S-Shainna--"
"Wala akong maitutulong pero makakaasa kang babantayan ko silang tatlo at Yun lamang ang Kaya Kung ibigay. " Walang ganang Ani ko.
Walang magawang umiyak siya sa gilid ko at tumango-tango na parang suko na. 'pasensya na.'
Mga ilang minutong namayani Ang katahimikan sa aming dalawa bago siya nag salita.
"Magpapaalam lang ako at sasama na ako." Napipilitang nakayukong lumakad siya sa likod ng anak niyang di pa din tumitigil sa pag iyak.
Bumulong ito sa anak Niya at napahikbi nalamang ito at napaluhod sa panghihina.
"B-ba't mo kami iniwan?" Pabulong natanong ng anak na para bang naririnig ang ama. "D-di ko Alam Ang gagawin sa mga kapatid ko. T-tulongan mo ako. H-hindi ko Alam Ang gagawin." Nag mamakaawang Ani sa amang Hindi niya nakikita.
Napaluha ang ama sa lungkot at sakit nang makita ang mga anak sa sitwasyong ito.
Binigyan Niya lang ito ng yakap si Shainna na napapikit na para bang ineenjoy ang huling yakap ng ama at halik sa dalawang bata na nagyayakapan habang umiiyak.
"Patawad anak." Aniya't tumayo at lumakad papalapit sa akin. "Sasama ako pero panghahawakan ko Ang pangako mung babantayan mo silang magkakapatid." Nakangiting Saad nito.
"Pangako." Ani ko at iginiya na siya.
"PAPA di ko na Kaya!!" Malakas na sigaw niya sa madilim na kalangitan at hinayaan Ang mga luhang bumadya.
Nakaupo siya sa damuhan na pinapalibutan ng maraming bulaklak na nakalagay sa mga paso. Di din naman malayo sa bahay nila Kung saan nakaburol Ang tatay niya.
"Di ka nilalamok dito?" Biglang tanong ko ng lumitaw ako sa harap niyang nakatayo. Di man lang ito nagulat pero napatigil sa pag iyak.
"Sino ka?" Tanong Niya sabay punas ng mga luha.
Pinantayan ko Ang pag kakaupo Niya nang makita ko ang mata niya na namamaga na sa ka iiyak. "Thanos at ikaw si Shainna."kaswal na pagpapakilala ko at agad Naman Niya itong ikinabigla.
"P-pano mo ako nakilala?" Tanong nitong naguguluhan.
"Di na importante Yun. Ang importante Kung nilalamok ka ba dito o Hindi?" Tanong Kung sinuri pa Ang Lugar Kung may lamok nga ba o Wala. 'wala naman'
"H-hindi."nag iwas ng tingin na Aniya at muli na namang tumingin sa akin at sinuri ako na parang naguguluhan. "Ba't ganyan yang sout mo? May cosplay ba at napaligaw ka Kaya nandito ka ngayon sa harap ko na Kung mag tanong na Kung nilalamok ba ako o hindi ay parang matagal na tayong magkakilala?!" Parang inis na inis na at mabilis na mahabang litanya nito.
"Kalma tayo Shai. Tsaka walang cosplay. Trip ko lang talagang gumanto." Seryosong Ani ko at napatanga Naman siya.
"Wow! Seryoso?" Namamangha talagang tanong Niya at napatawa ako ng bahagyang tumango-tango. "Nakssss iba ka parin palang mantrip no. Ayos!" At pagkatapos non ay natahimik siya na parang may dumaang anghel at nagsimula na namang namuo Ang mga luha niya. "Asan na Kaya ngayon si tatay no?" Malungkot na tanong niya habang nakatingin sa madilim na paligid. Di ko siya sinagot at hinayaan siyang magpatuloy. "Ok na Kaya siya? Nandito ba siya sa paligid at binabantayan kami?" Maraming tanong na Ani nito at pinahid Ang mga luha. Bumuga siya ng hangin sabay tayo at napatayo din ako.
"Puntahan mo na Yung mga kapatid mo." Ani ko at tumango Naman siya sabay Alis ng walang pasabi.
Sinundan ko lang ng tingin ang anino niyang papalayo at sumunod na din.
Naabutan ko si Shainna na inaakay Ang dalawa niyang kapatid at pumasok sa munti nilang bahay.
Mga ilang minuto pa akong nakatayo dito sa Hindi gaano ka taas nilang bakod at nilibot ang paligid.
Naagaw ng atensyon ko ang grupo ng mga kababaihan na may mga kairaran na din at ang batang babae na nakasunod sa kanila. Si Shainna.
"Shainna halika ka dito." Ani ng matanda kay Shainna na agad naman nitong sinunod.
Mga ilang minuto pa ay kumanta sila sa harap ng kabaong at nagsasagutan. Nagdadasal ata.
Habang nagdadasal sila winili ko Ang sarili sa lay libot pa sa lugar na ito.
Ngunit na pa hinto ako sa dalawang babaeng nag uusap.
"Ang Bata pa ni Shainna para maranasan to." Nalulungkot na Saad ng babaeng tama lang ang tangkad basi sa postura ng upo nito.
"Oo nga kaso Wala na tayong magagawa dahil oras na talaga ni Pablo Yun." Pagsang-ayon ng babaeng kasing edad niyang Lang. "Nga pala ilang taon na nga si Shainna?" Pag iiba nito.
"13 years old palang Yun tsaka yung kapatid niyang babae ay anim na taon pa lamang at Ang lalaki Naman ay apat." Ani nito na mas ikinalungkot ng kausap.
"Sobrang hirap nga non para Kay Shainna pero 'di din Naman siguro sila pababayaan ni Norma." Saad nito at tumayo sila nang tawagin sila ng lalaking mas matanda sa kanila.
Ang bata pa nga ni Shainna para maranasan 'to at lalong-lalo na sa dalawa niyang nakakabatang kapatid.
YOU ARE READING
GRIM REAPER ( ON GOING )
FantasySi Thanos ay isang grim reaper na nangako sa amang namayapa nila Shainna Reyes, Lhara Reyes at Klo Azikil Reyes pero paano pag nasira ito nang dahil lang sa isang kondisyon? Pano kung mawala si Thanos De Guzman nang dahil sa isang bagay na 'di niya...
