Prologue

19 1 0
                                        

Your Time
-Alfie Gaganting-
(2019)

This is a work of fiction. Names,characters,places and incidents either are  products of the authors imagination, any resemblance to actual person living or dead,events,locals is entirely coincidental. Any idea or thought that would be copied from this story without the authors consent is  considerable as plagiarism and is punishable by law.

Credits sa pic ng cover page ko. This story is inspired from the movie countdown.

~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~

Geneiza's POV

Hay nako! First day of school nanaman. As usual gigising ka ng maaga tapos pupunta ng school.

Ako pala si Geneiza Lopez, 15 years of age, wla akong beauty pero merong brain. Simple lang naman ang buhay namin pero dahil sa pagkamatay ng parents ko sa car accident ay naging miserable ang buhay ko.

Ang kasama ko na lang sa buhay ko ay ang tita and grandparents ko. Hindi naman sa nagmamayabang pero malaki ang bahay namin at may kasambahay na mababait. Nakaka-kain ako ng tatlong beses sa isang araw at may sariling gamit.

Pero kahit ganito ang buhay ko ay hindi ako naging hambugera sa pera. I should be thankful na kahit anong mangyari ay dapat maging masaya lang ako.

Pagkatapos kong kumain ay inayos ko na ang lahat ng gamit ko. Tulad ng notebooks, pen, at higit sa lahat ang aking inaalagaan na smartphone. Eto kase ang huling regalo na binigay sa akin ng parents ko.

"Geneiza! Hurry up, nandyan na ang school bus." Sigaw sa akin ni Yaya Bethy.

"Opo, wait lang" sagot ko naman habang tumakbo pababa ng mabilis  at nag-paalam.

Sumakay na ako sa school bus at tinignan ang mga bagong makakasabay ko everyday sa school bus. May mga makikinis, magaganda, gwapo, sexy at higit sa lahat mga weirdo.

Tanging ngiti lang ang sinasagot ko sa mga estudyante pag nahuli kong tinitignan nila ako. Pero namangha ako sa kagandahan ng isang babaeng mukhang chinese. Nahuli ko rin siyang nakatingin sa akin pero ngiti lang ang iginanti ko. Hindi kase ako FC.

Makalipas ang higt 15 minuto ay narating ko na ang aking new school. Lumipat ako ng paaralan dahil na rin sa bagong bahay.

Agad akong dumiretso sa listahan ng mga estudyante kasama na ang kanilang section.

10-Triangle pala ang pangalan ng section ko. Kaya hinanap ko agad ito, hindi naman ako naguluhan dahil may pangalan naman ang lahat ng silid sa itaas ng pintuan.

Pagkarating ko sa room ay agad na akong pumasok habang karga ang aking bag and art materials.

Agad akong umupo ng maayos sa pinaka-dulong upuan at binuksan ang aking phone. Habang naglalaro ay biglang nagsigawan ang mga lalaking naka-upo sa upuan dahil sa isang babae.

Tinignan ko siya ng maiigi at mukhang pamilyar. Oo, siya pala ang babae kanina sa bus na umagaw aa aking atensyon dahil sa taglay niyang kagandahan.

"Hi! Can I sit here?" Tanong ng babae habang tinuturo ang upuan.

"Sure" ngiti kong sagot sa kanya at sabay niyang upo.

Binalik ko ulit ang atensyon ko sa smartphone at masayang nag-laro.
Biglang nag-ring ang bell ng paaralan at agad ko namang itinago ang aking cellphone.

Makalipas lang ang ilang minuto ay pumasok na ang aking guro. "Good morning guys, I'm Teacher Jonabelly at ako ang magiging adviser niyo this school year"

Pagkatapos ang mahabang kwentuhan sa umaga ay oras na para sa lunch. Gusto kong pumunta sa canteen pero natatakot akong maligaw.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ng isang boses at agad ko siyang tinignan.

"Uhhm, natatakot kase akong maligaw" sagot ko naman sa babae na yung chinese pala kanina.

"Sige, samahan na kita" agad naman akong tumayo at sumama sa kanya.

Habang naglalakad papuntang canteen ay agad ko siyang tinanong.
"Ano pala ang pangalan mo?"

"Ahhhh, I'm RosieAnne but you can call me Rose. Ikaw?" sabay shake hands sa akin.

"Geneiza, Geneiza ang pangalan ko. Pero pwede mo akong tawagin Gen" at nakarating na kame sa canteen.

"Anong kakainin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kahit ano, basta wag veggies" maarte niyang sagot.

Maarte pala ang babaeng ito. Nag-order na ako ng pagkain. "Bakit alam mo na yung lugar dito?" Tanong ko habang nilalagay ang pagkain sa lamesa.

"Since grade 7 pa kase ako dito" wika naman niya at nagsimulang kumain. "Ooooh, kaya pala nagsisigawan sila kanina".

"Oo, medyo kilala na kase ako dito. Actually ako yung top 2 sa Fame of School at Madalas kase akong sumali sa mga beauty pageant dito" sabi niya sa akin habang nakangiti at hawak ang baywang.

"Fame of school?"

"Oo, mga estudyanteng sikat dito sa school. Each semester ay boboto ang lahat ng estudyante sa nominated students at i-aanounce ito 1 day after the voting"

Edi ikaw na, ikaw na maganda.  Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kame sa room dahil nag-ring na rin ang bell.

Pagkatapos ng klase ay namaalam na ako kay Rose dahil uuwi na ako at sinundo na rin ako ng tita ko.

'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~'~

ETO PO ANG AKING FIRST HORROR STORY.

VOTES AND READS ARE HIGHLY APPRECIATED.♡



 

Your TimeWhere stories live. Discover now