Chapter 39 (Part 3): Problem solved. Sort of?

Start from the beginning
                                        

“May cancer si Jared, Tom. I want to make him happy until he dies.”

“Ikaw talaga si Bri. Ang taong mas pipiliin pa maging masaya muna ang iba bago ang sarili nya. Pero, sigurado ka bang nagsasabi ng totoo si Jared sa’yo?”

Tumango ako. “Kilala ko si Jared. Di yun nagsisinunggaling”

“Ilan months mo lang sya nakilala, Bri.”

“Bakit ka galit kay Jared? Nung nakita mo naman sya sa national dati before starting of classes, binati mo naman sya.”

“Bri, I was pretending.” tumawa si Tom.

“Pretending?”

“Nung una, hindi ko pinapakita yun galit ko kay Jared. Pero simula nung, niligawan ka nya dun ko talaga pinakita yun totoo kong sarili sa kanya.”

“You’re not answering my question. Bakit ka galit kay Jared?”

“I don’t like him dahil sa mga rumours about him being a player.”

Seriously? Rumours? Pipiliin nya makinig sa rumours?

“Tsismis lang yun, Tom.”

“It’s not. I know it’s not. I know Jared. Matagal ko na syang kilala kaysa sa’yo. And I know he’s lying to you. Sa cancer nya. Ask him the truth.”

Umalis na si Tom after nya sabihin yun.

Nagsisinunggaling nga ba si Jared? Wala nga ba talaga syang cancer?

After a minute, pumasok naman yun nurse.

“Oh, Bri, you’re awake. I just ate lunch at the canteen. Why don’t you eat your lunch also? But if your head is still aching, you can stay here and I’ll get your lunch.” ngiting sabi sa akin ng nurse.

“Thanks, Miss. I’m fine. I’ll go ahead and eat my lunch.” paalam ko.

Pero kaysa pumunta ako sa classroom kung nasan ang baon ko, dumiretso ako ng canteen para hanapin si Jared.

“Bri,”

“Jared, can we talk?”

“Sure. I was just waiting for you. Library?” yaya nya.

“Okay,”

Nauna sya pumunta sa library habang sinundan ko lang sya. Pagkarating namin ng library, umupo kami sa pinaka dulo ng room.

“So,”

“May cancer ka ba talaga?” diniretso ko na sya.

“Ha?”

“I told Tom na may cancer ka kasi bestfriend ko sya and he just said to ask you uli. Baka kasi nagsisinunggaling ka.”

“I’m sorry,”

“For?”

“Wala akong cancer. Aaminin ko sana ngayon sa'yo kaso naunahan ako ni Tom.”

“So, you lied.”

Di ko man aminin pero napapalapit na din ako kay Jared.  But hindi na ko nasanay, kung kailan ako maa-attach sa isang bagay, saka uli mawawala at may sisira.

“I didn’t lie about the ‘I love you’ part. I really love you. And hindi lang naman ako ang nagsinunggaling dito, alam ko na napilitan ka lang na sagutin ako.”

“Oo. And I’m sorry for that.”

“I’m also sorry, you know.”

“Pero, you made me look stupid. I hate you!” sigaw ko sa kanya.

Buti na lang wala yun librarian or napapunta na kami sa guidance dahil sa sigawan namin.

Umalis na ko ng library nung di na sya nagsalita. Dumiretso ako ng classroom and nilapitan naman ako ni Brit.

“I’m sorry if I didn’t tell you about sa amin ni Jared. I’m really sorry.”

Tumango naman si Brit. “Don’t worry about it. Okay lang.”

“But si Harper..”

“Nah. Maiintindihin ka ni Harper.”

Tumawa naman ako sa attempt ni Brit magtagalog. Ancute. :)

“See natawa ka na?”

Si Brit yun kausap ko buong araw while si Harper and Tom ang magkausap.

Nung dismissal na, nagdiretso ako ng lobby at hinintay si Harper.

“Harper!” bati ko.

“Hi,” sagot nya sa akin.

“I’m sorry.” humingi ako ng tawad sa kanya.

“Sorry din,”

Tapos nag hug kami dun dalawa.

“I missed you!” sabay sabi namin.

Napatawa naman si Tom.

“Uy, Tom.” bati ko.

“I have to go, Bri. See you tomorrow!” paalam sa akin ni Harper.

“See ya!”

Napatingin ako kay Tom.

“Oh, tara na? Hatid na kita sa inyo?”

“Sorry, Tom. I’m really sorry.” sabi ko.

“Okay lang yun.”

Bago pa kami makalabas ng lobby, may tumawag sa akin.

“Iwan ko muna kayo para makapagusap. Intayin na lang kita sa sasakyan, Bri.” sabi ni Tom.

“Thanks,” sabi ni Jared kay Tom.

“No problem,”

Pagkaalis ni Tom, nagsalita na uli si Jared.

“Sorry. Can you give me one more chance?” tanong ni Jared.

“I can forgive you pero one more chance? Para san? Nagsinunggaling ka na may sakit ka. Alam mo ba na namatay ang grandma ko sa cancer at ayaw ko ng mga taong ginagawa lang biro ang cancer ha.”

“I’m really sorry, Bri.”

“I’m also sorry, Jared. Sorry dahil mali din yun pinaasa kita.”

“Alam ko naman na naguiguilty ka lang kaya sinagot ako but I really love you kaya ako nagsinunggaling. I’m really sorry.”

“I forgive you.” sabi ko.

“So, do I have a chance?” tanong nya.

“Iba ang forgive sa chance, Jared.” tumalikod na ko then humarap uli sa kanya, “Pero, I’ll think about it. Bye, Jared.”

“Bye!” ngiti nyang paalam sa akin.

Should I give Jared a chance or not?

--

Woah. So, tingin nyo? Bigyan kaya ni Bri si Jared ng chance or hindi? Basta whatever happens, TEAM TOMBRI ako. lol. Anyways, pwede nyo bang basahin yun new story namin 'You and I'. Yun kaibigan kong si Diane ang nagisip ng idea, ako lang ang sumulat at nagupload sa wattpad. Sana magustuhan nyo yun. Vote and Comment if you want, guys. :) x

Finding HimWhere stories live. Discover now