PABILI PO

1.1K 5 1
                                    

Pabili Po

Pabili po
Ale, pabili
Mayroon ba kayong gamot sa puso kong sawi?
Pabili po
Ale, pabili
May tinitinda ka ba na magtatama sa mali?
Pabili, pabili, pabili, pabili
Sige na, Ale
Pabili, pabili, pabili, pabili
Sige na, Ale
Pabili

Ale, mayroon ba kayong tindang pag-ibig?
Na nilalako parang sitsirya at tubig
Uhaw na at gutom ang puso kong sawi
Kung saan-saan na nagawi, halos di na mapakali

Baka mayroon pong tingi, kahit konting pagtingin na pwedeng palamuti
Sa buhay kona rin
Dahil ang pag-ibig daw ay pwede ng instant
Kung mayroon kang yate, kotse, malawak na fish pond

Pwedeng pabili ng isang kilong pagmamahal
Hindi po napapanis at dapat ay nagtatagal
Padagdag narin ng apat na tumpok na yakap
Dalawang sakong halik na aking hinahanap

Kaya, Pabili po
Ale, pabili
Mayroon ba kayong gamot sa puso kong sawi?
Pabili po
Ale, pabili
May tinitinda ka ba na magtatama sa mali?
Pabili, pabili, pabili, pabili
Sige na, Ale
Pabili, pabili, pabili, pabili
Sige na, Ale
Pabili po

Mayroon ba kayong kapeng matapang?
Yung sakto sa panlasa, handa akong ipaglaban
Saka sabon, para laging iwas sa sakit
Mighty bond na di bibitaw dahil sa sobra ang dikit

Ako'y napapikit, buhay mo'y parang tindahan
Hihingi ako ng tawad kahit di ko kasalanan
Sasabihin mong tapat, ang taas ng presyo mo
At sa sobra mong taas, napamahal ako sa'yo

Kaya ang pag-ibig ba ay mayroon halaga?
As in halaga, uh, yung presyo talaga
Kung ito'y nabibili, para di na maapi
Edi mag-iipon ako ng maraming salapi

Pabili po
Ale, pabili
Mayroon ba kayong gamot sa puso kong sawi?
Pabili po
Ale, pabili
May tinitinda ka ba na magtatama sa mali?
Pabili, pabili, pabili, pabili
Sige na, Ale
Pabili, pabili, pabili

Pero aking napagtagpi-tagpi na mali
Napag-isipan kong mabuti yan, di madali
Di sapat ang salapi, dahil di nabibili

Ang tunay na pag-ibig hindi minamadali
Kaya Ale, bali maliwanag na sa akin
Ang dati na malabo at mahirap hagilapin
Ngayo'y nandito na, di na bibitawan pa

Kaya Ale, pabili po
Ale, pabili

Na magara na damit, may okasyon lamang kasi

Pabili po
Ale, pabili

Ng isang kumot dahil bukas kami na ang magkatabi

Pabili po
Ale, pabili

Na gamot na pampakalma, excited ho kasi
Pabili po

Ale, pabili
Na mamahalin na singsing, ikakasal na po kami

Pabili, pabili, pabili, pabili
Sige na, Ale
Pabili, pabili, pabili, pabili
Sige na, Ale
Pabili, pabili, pabili, pabili
Sige na, Ale
Pabili, pabili, pabili
Pabili po
Ale, pabili

BY Banda Ni Kleggy

LYRICS Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα