Unang araw pa lang na makita kita sa ating silid-aralan nahulog na ang loob ko sa iyo. Hindi dahil sa gwapo ka, talented ka, matangkad ka, matalino ka, kundi sa angking mong kabaitan.
Nung araw na iyon parang sasabog ang puso ko sa tuwa nung bigla kang tumingin sa akin na para bang alam mo na may gusto ako sayo. Pero yun pala hindi ka sa akin nakatingin kundi sa kaibigan kong noon mo pa pala nililigawan.
Sobrang sakit isipin na ang taong gusto mong makasama habang buhay ay may mahal na palang iba. Yung sakit na dinudurog ng sobra-sobra ang puso mo ng dahil sa kanya.
Ang galing nga ehhh
Sobrang saya ko nung isang araw lumapit ka sa akin, nakipag-usap, nakipag-kwentuhan.Kaya ka naman pala lumapit kasi may gusto kang ipagawa sa akin, ang paglapitin kayo ng bestfreind ko na matagal mo na palang gusto.
Ako naman si tanga ginawa ang gusto mo sa kadahilangang ayaw mawala ang pagiging magkaibigan natin kahit na nasasaktan ako ng dahil sayo. Ganun talaga pag mahal mo yung isang tao kahit na masakit gagawin mo ang lahat maging masaya lang siya kahit na magmahal siya ng iba.
Noon akala ko mawawala pa tong feelings ko para sayo sa paglipas ng panahon ngunit kahit anong gawin ko ikaw parin ang laman nitong puso.
ayaw ko mang tanggapin na nagmahal ako ng isang tulad mo pero andyan na ehh hindi na magbabago ang panahon.
nung nalaman ko na nililigawan mo na ang kaibigan ko
ang sakit, ang sakit-sakit isipin na dahil sa akin, sa pagtulong ko sayo na mapalapit sa kaibigan ko ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito.
pero kung mauulit man ang lahat sana hindi nalang kita nakilala para walang sakit sa puso akong nararamdaman para sa iyo.
hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito sa puso kog nawasak ng dahil sa pagmamahal ko para sa iyo
PERO, oo, isang malaking pero ang masasabi ko lang kahit na anong mangyari andito lang ako nagmamahal sa isang katulad mo ng palihim
pasulyap-sulyap
kinakausap ka na para bang masaya ako sa mga kinukuwento tungkol sa inyong dalawa ng kaibigan ko pero ang totoo sa loob-loob ko nasasaktan na ako
para saan pa
ako ang gumawa nito
ako ang gumawa ng paraan para magkalapit kayo
ako ang dahilan kung bakit nasasaktan tong puso ko kasi umibig ako ng isang tulad mo na kahit anong mangyari andito lang ako makikinig sa mga kuwento mo, sa mga biro mo, sa mga hinanakit mo sa mundo at nandito lang ako patagong umiibig, nagmamahal at gumagabay sa iyo sa kadahilanang ayaw kong masira ang kaligayan mo.
para kahit konti may alaala akong naging magkaibigan tayo kahit na masakit makita na may mahal ka ng iba it kaibigan ko pa ang taong pinakamamahal at iniingatan mo.
kahit sa huling sandali ng buhay ko mananatili akong magmamahal, gagabay at iingatan sa mundong maaring makasira sa kasiyahan mo
andito lang ako sa tabi mo sa bawat pagsubok na maaari mong pagdaanan
sa bawat sandali ng buhay mo aalay at gagabay sayo
pero sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang nagbabago ang aking pagtingin para sa kanya.
ngunit andito parin ang sakit na kaakibat nang dahil sa pagmamahal ko sa kanya ng sobra
sabi ko nalang sa sarili ko ubang mabawas bawasan naman ang sakit na nararamdaman ko sa ngayon ay "mas marami ang taong may mabibigat na problema kesa ng sayo. Kayang kaya mo itong lagpasan at isa pa may mga tao kang masasandalan sa bawat hakbang o yugto ng buhay mo"
