"Kamusta?"
Pitong letra, isang salita.
Pero bakit minsan parang ang hirap bigkasin, ang hirap sambitin.
Isang salitang minsan, pinaka hihintay hintay natin.
Kaya kung may kaibigan ka na matagal mo ng di nakakausap, kapamilya na matagal ng nakatampuhan, sa kaopisina mong di na kayo nagpapansinan at kahit sa katabi mo ngayon na malay mo at malay ko kung may mabigat na dinaramdam.. tanungin mo ng..
"Kamusta?"
•
Para tayong mga ilaw sa daan sa loob ng isang sasakyan. Ang bilis nating nawawala. Ang bilis nating maglaho. Isang iglap na liwanag. Minsan isang kurap lang wala na tayo. Tapos na agad ang palabas natin sa mata ng tao na nasa loob ng sasakyan.
•
Walang dalampasigan ang pagibig. Tatangayin ka lang ng alon pero walang pampang na babati sayo ng magandang umaga. Patuloy kang tatangayin ng alon hanggang sa malunod ka.
•
"Bente-singko sentimo"
Kapag iniwan ka na, wag mo ng habulin pa. Isipin mo na lang yung bentesingko na nahulog sa bulsa mo.
Hindi ba, pinapabayaan mo na lang gumulong sa lupa?
"Benchinco lang naman yan e."
Ituring mong bentesingko sentimo ang lahat ng taong nanakit sayo. Ihulog mo sa aspalto, semento o sa lupa at wag mo ng pulutin pa. Madumi na yan. Dinapuan na ng germs, kahit wala pang payb minits.
Tandaan mo: hindi ka hahabulin ng pera, ikaw ang hahabol sa pera dahil kailngan mo sya. Isipin mo na lang na hindi ko kailangan ng pera ngayon. Busog pa ko, kumain ako kahapon.
Bibihira ang nagaaksaya ng panahon sa bentesingko sentimos. Wag kang magpaka cool, wag ka ng sumali sa mga "bibihira" na yun. Di mo kailangan.
Hindi mo kailangan masaktan ng ilang ulit para matauhan.
•
"Intro"
Minsan, ang buhay ng tao ay punong puno ng mga intro. Intro dito intro dun. Pero puro intro lang. Walang chorus. Maiiapply mo yan sa lahat ng bagay.
•
Ang bilis ng araw noh?
Parang kahapon lang musmos ka pa. Tatlong-taong gulang. Wala pang muwang. Takbo dito, takbo dun.
Parang kahapon lang ang dungis mo na.
Pitong-taong gulang. Nagsisimula ka na.
Nasa harap na ng pisara.
Pagkatapos ng klase, takbo dito. Takbo dun.
Parang kahapon lang nung nagsimula kang bumarkada.
Labin-dalawang taong gulang. Marami ng kalokohan.
Sa hapon.. Takbo dito, takbo dun.
Parang kahapon lang umiinom ka na.
Labing-anim na taong gulang. Puro na bisyo. Madaming away. Takbo dito, takbo dun.
Parang kahapon lang nung una kang umibig.
Bente anyos. Naguguluhan ka na.
Hinahabol ang pangarap. Takbo dito, takbo dun.
Parang kahapon lang nung una kang nawasak.
Bente singko anyos.
Gumuho ang lahat. Hinahanap ang sagot sa mga tanong. Takbo dito, takbo dun.
Parang kahapon lang nung muli mong natagpuan ang pagibig.
Nalilito. Umiikot ang mundo. Ang daming tanong na bumabagabag sayo. Tatakbo ka pa rin ba? O pagod ka na? Naabutan mo na ba si tadhana? Baka may sagot na dito. Ipagpatuloy mo lang yung pagtakbo.
Oo, mapanganib ang salitang pag-asa. Pero pano kung yung salitang yun ang sayo ay magsasalba?
•
Yung ibang tao ang daming pangarap. Ako? Simple lang. Pangarap ko lang mahawakan kamay mo, makasabay sa breakfast, lunch at dinner. Maglakad sa park. Manuod ng sunset. Pagmasdan ang mga bituin. Pagmasdan ka habang tulog at gumawa ng mapa sa unan. Pangarap ko lang masabi sayo kung ga'no kita kamahal. Kung gaano ka ka-importante sakin. Kung gaano mo ako pinapasaya araw araw. Kung paano lumulundag yung puso ko kapag ngumingiti ka. Kung gaano kaganda yung mga mata mo. Kung gaano kabilis yung tibok na puso ko kapag magkatabi tayo.
YOU ARE READING
Ang pag ibig ay libingan ng mga pangarap.
RandomPinagsama-samang mga salita na pwedeng humila sa pababa o mag angat sayo patungo sa mga ulap.
