Lea: Tama na Jel, please Erik dalhin mo muna si Jel sa taas.

Erik: Jel, tara na. Tama na Niyakap si Jel.

Angeline: Ibalik mo ang Mame ko! Ibalik mo ang Mame Reyana ko!

Erik: Jel tama na.

Owen: I'm sorry Jel.

Angeline: Hindi ko kailangan ng sorry mo! Ilabas mo ang mame ko! Ilabas mo siya.

Owen: Umiling-iling

Angeline: Hinding hindi kita mapapatawad. Lalong lalo na ang kabit mo! Hinding hindi ko kayo mapapatawad. Kalimutan niyo na anak niyo ko! Sigaw niya kay Owen, at agad siyang nagtatakbo sa itaas.

Erik: Jel! Sinundan niya si Jel.

Lea: Alam mo Owen, walang ibang inisip si Reyana kundi ikaw. Nung nawala ka, unti-unti ding nawala ang Reyanang kilala ko. Pinilit namin ni Jel na tulungan si Reyanang makalimutan ka. Then one day bumalik ka, at muling nabuhay ang kilala naming Reyana, antagal tagal hinintay ni Reyanang makapiling kang muli, pero anong ginawa mo? Tuluyan mo lang siyang pinatay, tuluyan mo lang pinatay si Reyana!

Owen: Napayuko at mas lalong bumubuhos ang kaniyang mga luha.

Lea: Miski ako Owen, hindi ko alam kung dapat kapa bang patawarin.

Umakyat si Lea at pumunta sa kaniyang kwarto.

Dahan dahang naglakad si Owen at pumasok sa kwarto ni Reyana.

Owen: Mahal! Mahal!

Sigaw niya.

Owen: Mahal ko! Mahal ko!

Niyakap niya ang larawan ni Reyana.

Owen: Reyana! Reyana! Isama mo na ako! Hindi ko na din kayang mabuhay.

Unti-unti niyang sinasaktan ang sarili niya.

Owen: Reyana, aking mahal. Wala akong ibang hinangad kundi ang mahalin ka.

Umiiyak

Owen: Kahit kailan hindi ko intensyon ang saktan ka, ang paluhain ka, at ang binibintang nila na pinatay kita. Reyana, mahal na mahal kita. Hindi ko na kayang mabuhay, kuhanin mo na lang din ako! Kuhanin niyo na lang din ako!

Pinaghahagis niya ang mga bagay na nahahawakan niya.

Owen: Mahal patawarin mo ko, Mrs. Alcasid patawarin mo ko. Hindi sana nangyare yun kundi dahil sakin. Mahal ko ako na lang sana ang namatay hindi ikaw. Sana ako na lang yung kinuha niyo! Sana ako na lang! Mas deserve pa ni Reyanang mabuhay kesa sa gagong katulad ko! Ibalik niyo samin si Reyana at kahit buhay ko ang kapalit, okay lang basta ibalik niyo siya! Reyana! Reyana!



















































:Magsitabi kayo sa daan!
:Tabi!
:Tabi!
:Doc, may isang babae duguan.
:May pulso pa po siya
:Sige dalhin niyo na agad sa emergency room dalian niyo!













Doc: Kayo po ba ang kamag-anak niya?

Sharon: Po? Ah, opo ganun na nga po.

Doc: Hmm naagapan na po namin ang natamo niyang mga sugat sa katawan, ngunit ang ulo po niya ang pinakanaapektuhan. Pinax-ray ko na po siya and by tomorrow lalabas na yung result.

Hold It Back Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now