"Her name is Tanya, and from now on, you will consider her as your younger sister okay?" Iyon ang sinabi ni Mrs. Ashley Benedict sa anak nitong lalaki.
Nagkatinginan kami nito, hindi ko maipagkakaila na guwapo ito kahit suplado ang tingin. Halata sa mukha na may lahing banyaga dahil sa kutis nito at hitsura.
"Did you hear what your mom said Kent?" Si Mr. Robert Benedict naman ang nagsalita nang mapansin na hindi sumasagot ang anak at nananatiling nakatitig lang sa akin.
"I thought we shouldn't bring trashes inside the house." Iyon ang sinabi niya bago umalis, tinawag pa siya muli ng mga magulang pero nakaakyat na ito sa pangalawang palapag.
I was only 8 years old when the Benedicts adopted me sa bahay ampunan. Lumaki na ako sa bahay ampunan, walang kilalang magulang, walang kapatid, hindi rin nila alam kung sino ang naglagay sa akin sa isang karton sa labas ng simbahan noong sanggol palang ako.
The Benedict couple was blessed with only one child, si Kent, at hindi na nasundan pa muli dahil matanda na rin ang dalawa nang mag asawa. Ang sabi sa akin ni Mrs. Ashley, gustong gusto daw talaga niya magkaroon ng anak na babae kaya't napagdesisyunan nilang mag ampon ng katulad ko.
Maayos naman ang naging buhay ko sa kanila, binihisan nila ako, pinakain at pinag aral. Akala ko ay magiging matino ang pamumuhay ko sa bahay nila pero si Kent lang ang tanging umaayaw sa akin, ang tingin niya sa akin ay isang hamak na basura na napulot ng kanyang mga magulang.
"Tanya iyong kuya mo at barkada niya binubugbog si Victor dali!" I was busy doing my homework sa loob ng classroom nang tawagin ako ng isang kaklase. Nang marinig ko ang sinabi ay napatayo kaagad ako at sinundan ang kaklase sa tinuturo nito.
True enough, si Kent ay nakapamewang habang tinatapakan ang dibdib ni Victor na nakahiga ngayon sa sahig. Pareho silang 2nd year sa senior highschool pero kahit saang anggulo mo tignan ay di hamak na mas malaki ang katawan ni Kent kaya't kayang kaya niya ito dagdagan pa ng dahilan na isa itong black belter ng Taekwando.
Hinawi ko ang mga taong nakaharang sa daan ko bago ko tinulak si Kent palayo sa kawawang Victor. Inalalayan ko si Victor paupo, kaya nagkaroon na rin ng lakas ng loob ang iba na tulungan ako.
"Dalhin niyo na sa clinic." Mahinahon kong sabi bago ko nilingon si Kent na nakatingin na sa akin ng matalim.
"Ano bang problema mo Kent? Hindi tama ito. Hindi dapat dinadaan sa dahas ang problema mo sa mga tao!" Sigaw ko sa kanya. Inirapan lang niya ako bago niya pinahid ang dugo na namumuo sa gilid ng labi niya.
Naalarma ako doon, kahit naman siguro basabulero ito ay hindi din kinakaya ng kunsensya ko ang makitang may sugat ang anak nila Mrs. Benedict.
"He deserves it, sa lahat ng sinabi niya. At bakit ka ba nagpapaligaw doon? Gago yun e!" Puno ng panggigigil na sabi niya.
"Pero sige, kampihan mo yon. Lahat ng manliligaw mo kampihan mo! Wala akong pake." Pahabol pa niya bago ako tinalikuran.
Ganito naman lagi ang senaryo, kapag may nanliligaw sa akin o di kaya ay may nababalitaang nagkakagusto ay ilang linggo lang at mawawala na sila kaagad, kung hindi dahil sa bugbog mula kay Kent at sa barkada niya ay dahil naman sa kung anu-anong pagbabanta na sinasabi nila dito.
Pero sa huli, tama rin naman si Kent, ang mga may balak manligaw sa akin ay iyong mga hindi matitinong lalaki at mayroon ding kanya kanyang kabahuan na tinatawag kaya rin siguro naaalarma siya.
But now, wala akong ibang maisip na dahilan para gawin niya ito kay Victor, he's a real gentleman at kilalang mabait.
Napailing nalang ako at bumalik sa classroom.
