The Hiroshima Bombing

12 1 0
                                        

1937 nang ako ay maipanganak sa Nagasaki Japan, ang aking ina si Carmen Etsrella na noo'y bente dos anyos lamang ay bulag dahil sa epekto ng Hiroshima bombing taong 1945, isa siyang Pilipina. Ang ama ko na si Haruki Takahashi ay isa namang businessman na Hapon, ang aking ama noo'y head ng kompanyang pag-aari ng aking Sofu at Sobo. Nakilala niya ang aking ina sa Maynila dahil sa kaparehong kaibigan isang taon nang nakalilipas ng siya'y naparoon sa lugar, nagkamabutihan sila at sa wakas ay hiningi ng aking ama ang kamay ng aking ina sa kanyang mga magulang na wala namang tutol noon dahil na rin sa business partners na ang kanilang kompanya noon. Taong 1940 lumipat kami ng tirahan sa Japan dahil sa kagustuhan ng aking Sobo na noo'y malala na ang sakit, pormal niyang ipinamana sa aking ama ang kompanya ilang buwan pa lamang ng kami'y maparoon.

Pero naglaho ang lahat ng paghihirap ng pamilya namin ng bombahin ng mga kano ang Hiroshima at Nagasaki taong 1945, sanhi nito ang pagbagsak ng Japan, walong taong gulang ako ng panahong iyon, himalang nakaligtas kaming mag ama dahil nasa silong kami, ang aking ina naman noo'y abala sa gawaing bahay, nabulag siya at wala ng pag asang maibalik pa ang kanyang paningin.
Sa pag-aakala naming mabuti ang lagay ko ngayon nababalot ang pamilya ko ng katanungan.

Ako si Rui Takahashi, 40 taong gulang, isang businessman ngunit aakalain mong 20 anyos pa lamang, mayroon akong rare genetic disorder, sanhi ng pagbomba sa Hiroshima, dahil dito, tumigil ang senyales ng pagtanda sa aking katawan.

*** February 1, 1957

"Anak, happy birthday, you're now 20 years old , yet you still act like a child" bati sa akin ng aking ina

"Thank you ma, pero itong isip batang 'to? Got some good looks" sagot ko naman, ang aking ina ay bihasa sa wikang ingles at tagalog dahil nabuhay siya sa kapanahunan ng mga Amerikano may halo rin siyang Amirekana, dahil ang lolo ko ay kano, samantalang ang aking ama naman ay marunong sa wikang hapon, ingles at tagalog. Sa kanilang dalawa ako natuto ng iba't ibang lenggwahe dahil pareho silang mahilig mag-aral ng iba't-ibang kultura.

Tinapik ako ng aking ama sa balikat saka siya ngumiti sa akin, ibang klase ng ngiti, ngiting parang matayog ang pangarap na nakikita sa akin, ngiting nakikita ang hinaharap, ngiting puno ng pag-asa.

"Alam mo anak, naikwento ko na sa iyo ang buhay pag-ibig namin ng mama mo, napag-isip isip kong mabuti ring bisitahin mo ang ilang kamag-anak natin sa Pilipinas, hindi na namin kaya ng mama mo ang lumuwas pa, dahil na rin sa sakit ko, at sa kalagayan ng mama mo, pakisabi nalang kina mama at papa na kamusta" ngiti ng aking ama

"Pa, salamat pero, paano kayo? Wala kayong kasama rito" mangiyak-ngiyak akong sumagot sakanya, habang yakap ko siya

"Matanda na kami ng mama mo, kaya naman na namin ang sarili namin, at tsyaka may kasambahay naman tayong tutulong sa amin, alam ko matagal mo ng gustong bumalik sa Pilipinas, alam kong matagal ka ng napapatanong anong itsura nito, ngayon nasa tamang edad ka na, alam kong kaya mo na"

Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit, tama si papa, bata pa lang wala na akong ibang bukambibig kundi ang Maynila, para bang may gustong humila sa akin pabalik sa kinaroroonan ng pamilya ni mama, para bang may naghihintay sa akin na surpresa na matagal ng naghihintay, karamihan sa mga kaibigan ko sa paaralan at sa mga anak ng business partners ni papa, nakapunta na roon, at ang usap usapan nila'y maganda raw doon, kaya naman labis nalang ang ibig kong pumunta ng Pilipinas, ngayon, sa wakas, matutupad na ang pinakaiibig ko.

***February 8, 1957

Cristina

"Cristina, anak nandito si Berto, magsisibak daw ng kahoy, bakit ba kasi ayaw mong sagutin yung tao? Aba'y napakatagal ng nanliligaw 'yan" ika ng aking inang na abala sa pagluluto sa kusina habang ako'y nag aayos ng aking gamit na luluwas sa Maynila.

ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon