#1

14 2 0
                                        

Ikaw

Minsan ng Pinagtagpo,

Minsan naring Pinaglayo.

Tadhana ma'y Mapaglaro,

Ngunit eto ang aking pangako,

Kailan ma'y hindi na ulit ako susuko.

Hindi ka man Perpekto sa mata nila,

Basta ang alam ko lang ay Mahal Kita.

Kahit na Abnormal ka,

Iintindihin pa rin kita,

Dahil hindi ko kakakayanin kung ika'y mawawala.

Ewan ko kung anong meron sayo na aking nakita,

Minsan iniisip ko kung ako ba'y ginayuma,

O sadyang meron lang talaga saiyo na wala sa iba.

Ako'y masaya tuwing tayo'y magkasama,

At malungkot tuwing wala ka.

Sa aking Labing limang taong na nabuhay,

Hindi ko inaakala na ikaw pala ang babago saaking buhay.

Binigyan mo ng Kulay,

Buhay kong walangsaysay.

Kung sayo'y mawawalay,

Ba't pa ako nabuhay?

~*~

Dedicated to Gienel for her Boyfriend. Stay Strong sainyo :)

Random PoetryStories to obsess over. Discover now