Oras nanaman ang lumipas bagot na bagot si Scyler sa pag-iintay sa kaniyang alaga na paru-paro na si Kade na ang ibig sabihin ay matibay.Naalala niya pa noon niregalo ito sa kaniya ng pumanaw niyang ina mabilis ang pangyayaring iyon kitang kita ng dalawa niyang mata na duguang humandusay ito matapos lumabas sa puting lagusan na kung tawagin nila ay portal hindi ordinaryong tao di Scyler may kakayahan siyang mag-ibang anyo lumilitaw ang kaniyang gintong pakpak at naglalabasan ang mga paru-paro niyang alaga at siya'y lumulutang nalamang sa ere,siya'y diwata ng mga hayop Kung tawagin ,trabaho niyang protektahan ang mga hayop at tao nangangailangan ng tulong nya.
Isang umaga habang hiniintay nanaman niya si Kade na nag tungo kung saan,biglang may lumitaw na isang portal sa kaniyang harapan at kaniyang pinagtaka ito kaya't papasok na Sana siya ng hilahin siya pabalik ni Kade dahil nakaramdam ito ng panganib.Ngunit bago mangyare ang araw na yun may nababalitaan na siya na kadalasang may lumilitaw na lamang na portal at hinihigop ang mga hayop at tao at makalipas ang ilang minuto ilalabas it na duguan ngunit kadalasan ay walang buhay kung kaya't nang lumitaw ang portal na ito ay hindi na niya pinalampas ang pagkakataon kahit siya'y pinigilan ng alaga.
Madilim na paligid,masangsang na amoy dulot ng dugo't kalansay ng mga tao.Nakakatakot yan ang paglalarawan niya pagpasok niya nang portal.Sa kabilang banda may nakita siyang palasyo sa katabi ng bulkan at agad siyang nagtungo doon, pagpasok palang niya ay may nakita siyang isang anino nang isang lalaki na hindi niya inaasahang at agad nag-init ang dugo niya at lumitaw ang gintong pakpak nito at naglabasan ang mga alaga niyang nagkakagulo.Sa galit niya sa anino ng lalaking ito nagsama sama ang mga paru-paro na animoy mga ipo-ipo at mabilis na na magtungo sa lalaking ito ngunit itoy nakaiwas.
Bumalik ang sakit ng kahapon mga alaalay nagpupumiglas kumawala sa utak nang pagkakataon.Nagtama ang kanilang mga mata mga luha ni Sycler ay kumawala naalala niya kung paano patayin ng lalaking ito ang kaniyang ina agad siyang sumugod sa lalaki binalot ng kadiliman ang palasyo,mga malalakas na tunog ng banda ay napakikingan mainit na apoy ang bumalot sa kapaligiran hindi niya ito ininda nasugatan sa mukha ang lalaki sa pagtama ng mga paru-paro ni Scyler ngunit agad naiwasan nito ang sugod ni Sycler na ikinatumba niya at bago palang siya tatayo nang lamig ang katawan niya at hindi makagalaw dahil kinokontrol siya ng lalaki at inihagis malapit sa mga nakahandusay na kuntsilyo sa dingding laking pasasalamat niya nang hindi siya napuruhan ngunit natulala na lamang siya nang parang may tumutok sa kaniyang tiyan at pagkita niya ay may kuntsilyong nakasaksak dito,nakabangon siya ngunit natumba malamang siya nang may palasong tumusok sa gitnang noo niya pighati ang kaniyang naramdaman hindi manlang niya naipaghiganti ang kaniyang ina ngunit alam niyang may kaparuhsahan ang lahat ng nagkakasala.
Ang malakas na tunog ng banda ay sumisimbolo sa lakas ng pagdadalamhati niya para sa mga tao, hayop, at lalo na sa kanyang ina. Hanggang sa wala na siyang naririnig na tila ba katapusan na niya at nang ipipikit na niya ang mata muli niyang nasilayan ang mukha nang pinakamamahal niyang asawa.
