Joker, Pretender
Palangiti, palatawa
Pag' kaharap mo'y masaya
Makikita mo sa mga mata
Walang problemang dinadala
Ni minsan di nakitang malungkot
Matapang at hindi natatakot
Sa katuwan sya'y dulot
Sa pagpapatawa hindi nababagot
Malaki ang buka ng bunganga
Wagas kung makatawa
Na tila bay walang problema
Wala nga ba?
Nakita ko sya nung sya'y nag iisa
Naglalakad, patungo sa kanila
Pagdating sa kanilang tahanan
Sigawan ang nadatnan
Walang ganang pumasok
At umupo sa sulok
Naka tunga nga sa kalangitan
Bituin ay pinag mamasdan
Tila may tubig na pumatak
Sa kanyang matang busilak
Sa mata may nagbabadyang tubig
pinipigilan ang hikbi sa bibig
Gabi gabi ko syang pinagmamasdan
Kada uwi galing skwelahan
Tila' palagi syang nasasaktan
Ngiti sa labi nya'y di nasilayan
Ngunit sa pagpasok sa skwela
Lagi kung naririnig ang tawa
Halos mapunit ang labi sa ngiti
Na dimo nakikita ang pagkasawi
Kung titignan sya ay masiyahin
Sa tropa, ang biro'y dinidiin
Pagkaharap ang barkada
Laging nagpapatawa
Ngunit pag sya'y mag isa
Gabi-gabing lumuluha
Sya ay isang joker
Isa ding great pretender
Sinasarili ang mga problema
Nagpapatawa sa iba
Ngunit sarili'y di mapasya
Mapagbiro, ganyan ba talaga?
Nagpapatawa,nagbibiro
Pero hindi nagpapakatotoo
Nagpapanggap, nagtatago
Ang sarili'y niloloko
YOU ARE READING
Mga TULA ng buhay
PoetryAng buhay ay parang isang tula, iilan sa mga storya ay magka tugma Poot man o ginahawa nakahayag sa bawat kabanata Nakasalaysay ang ibat ibang kahulugan sa buhay nakasulat ang kapalaran Sa bawat hakbang planado ang patutunguhan Mga pagsubok hindi...
