Watching Vice smack Ion's arm while giggling makes me wanna cry more. Gusto kong umiyak. I feel alone. I feel left out. Gusto kong sumigaw para mabawasan kahit papano ang bigat sa dibdib ko. Pakiramdam ko mag isa ako at wala akong kakampi. I was hurting and Vice never notice. Naramdaman kong nagingilid na ang mga luha ko. Shit. Huwag ngayon please. Bulong ko at pinigilang umiyak. I look up to prevent the tears from falling. Akala ko kaya kong pumasok at itago ang pinagdadaanan ko pero ngayong pinapanood ko si Vice na hindi man lang ako malingon ay gusto ko na lang magkulong sa kwarto ko at umiyak. Naiinggit lang ba ako sa atensyon o nagseselos? I don't know. Ang alam ko lang gusto ko ng umalis dito. I breath in and out. Slowly. Kumalma ka Jackie. Kaonting tiis na lang makakauwi ka na rin. At sainyo namang mga luha ko huwag muna kayong tumulo please lang. Dyan lang kayo mamaya na kayo lumabas, ha?

"Oh sige doon na muna kayo. Thank you Ion...."

I was taken aback when Vice suddenly turned towards me. Shit. Kung kanina nafrufrustrate ako na walamg nakakapansin ngayon gusto ko na lang na huwag niya akong tingnan. I don't wanna make a mess here kung saan live kami at nanonood ang milyong tao. Alam kong dapat babanggitin na ni Vice ang pangalan ko at cue ko na iyon para umexit pero tangina hindi niya itinuloy bagkus ay tumitig siya sa akin. Pinanood ko ang unti unting pagsalubong ng mga kilay ni Vice. Oh Gosh. Sana hindi niya mapansin. I force a smile on my lips. Hindi ko alam kung anong itsura ko na pilit ngumingiti habang nagpipigil umiyak. Pero wala na akong pake basta gusto ko na lang makaalis na. I was silently praying na sana hayaan na ako ni Vice umalis. Hindi naman kasi pwedeng basta na lang ako umalis gayong hindi pa naman sinasabi ni Vice. Dahan dahang lumapit si Vice sa akin. Nagpigil ako ng hininga.

"Jackie...Anong nangyari sa mga mata mo? Ayos ka lang ba?" Punong puno ng pag-aalala ang mga boses niya at ang mata niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang panginginig ng mga ito. Alam kong kailangan kong sumagot. Sana lang hindi pumiyok ang boses ko.

"Nasobrahan sa tulog." Sagot ko at dinagdagan ng maikling tawa. Pinanatili ko ang pekeng ngiti sa labi ko dahil titig na titig pa rin siya sa akin na parang binabasa ang ekspresyon sa mukha ko.

"Sigurado ka ba?"

"Hoy sissy tama na nga iyan pabalikin mo na si Jackie at may sumesenyas na sa gilid." Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa biglang pagsingit ni Ate Anne. Konting konti na lang kasi ay hindi ko na talaga kayang magpanggap at pigilan ang luha ko. Pero sa kaba ko ay hindi siya pinansin ni Vice.

"Alam mo naman iyong lagi kong sinasabi sa'yo na nandito lang ako diba?" Sabi niya sa mahinang boses. Mas dumiin ang pagkagat ko sa labi ko. Pero bakit ngayon hindi ko maramdaman Vice? Gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakita kong sumesenyas na ang isang staff sa gilid. Naglabas ako ng mahinang tawa.

"S-Sige na mamaya na l-lang.." Sabi ko. Nagsimula na akong tumalikod at sakto namang tumulo ang isang luha mula sa mata ko. Thank God nakatalikod na ako bago niya pa makit—

Hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko ang paghila niya sa akin. The next thing I knew is my face buried on his chest while his arms are wrapped around my small frame. I heard some people squealed at what happened. My heart is beating wild inside my chest. Feeling his warmth against me is my last straw. I let my tears fall and my shoulders shook as I cried on his chest. Naramdaman kong nagulat si Vice sa pag-iyak ko at siguro nag panic siya dahil naramdaman ko ang paglikot ng kamay niya sa likod ko na parang hindi niya alam ang gagawin niya. Gumalaw ang kamay niya at hinaplos ang buhok ko habang bumubulong at pinapatahan ako.

I heard some gasp when they realize what's happening. It's been so long since I felt his hug. His hug has always felt nice and comfortable. In his arms I feel safe. Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Oh My God sissy what did you do to our baby Jackie?" Rinig kong banggit ni Ate Anne. At doon ko narealize ko na hindi lang kami ang tao. Shit. Nakakahiya. Naka live kami tapos anong ginawa ko bigla na lang akong nag breakdown. Humiwalay ako kay Vice. Ayaw niya pa sana pero muli naming narinig ang boses ni Ate Anne na nagbibigay ng tissue sa akin kaya hinayaan niya na ako.

"Hala baby girl okay ka lang ba?" Concerned na sabi ni Ate Anne habang pinupunasan ang pisngi ko.

"A-Ako na p-po.." Nahihiya kong sabi at kinuha ang tissue sakanya pero inunahan ako ni Vice. Tahimik niyang pinunasan ang luha ko. Hindi siya nagsasalita. His focus is on wiping my tears. Hindi ko rin mabasa ang ekspresyon sa mga mata niya.

Hindi na sila ulit nagtanong kung bakit ako biglang umiyak kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Pinaalis na rin ako sa wakas ni Vice. Pero bago iyon ay may sinabi siya sa mahinang boses.

"Mag-usap tayo mamaya. Hintayin mo ako." Tumango na lang ako para matapos na at ng makalayo na ako sakanya. Habang naglalakad paalis ay humihingi na ako ng tawad sakanya sa isip ko. I'm sorry Vice I know you wanna help but I don't wanna burden you. You've finally found your happiness and I hope that the day will come that I will say I'm happy for you and actually mean it. But for now, let me unravel this confusing emotions by my own. Let me be for once, be independent.

Hopefully, soon, I will finally learn how to deal with this changes.

(a/n: i miss vicejack. the old vicejack.)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Changes (ViceJack one shot) Where stories live. Discover now