Prologue

720 23 0
                                        

-Prologue-

I hate this life! Huhuhu.. T__T

Mabait naman ako Lord pero bakit? Bakit? Bakit????

Bakit walang gustong kumuha sakin!?? Yung mga kamag-anak ko ayaw nila akong taggapin? Mabait naman ako at maaasahan. T__T

Nakakatakot na dito Lord kaya sana po maawa na kayo. Nakakatakot matulog dito sa labas. Ang saklap naman ng buhay na 'to oh.

Pinalayas kasi ako sa nirerentahan kong apartment kasi hindi nakapagbayad ng tatlong buwan. May ipangbabayad na naman sana ako kaso yung pera ko nagamit ko dahil may tao akong tinulungan. Hindi ko yun kilala basta bigla ko na lang siyang naisip tulungan.

Habang naglalakad kasi ako no'n dahil naghahanap ako ng matatrabahuan--palagi kasi ako natatanggal sa trabaho kaya ayon lagi akong naghahanap. So sa kalagitnaan ko ng paghahanap may nakita akong isang lalaki na sugatan. Gulat na gulat at natakot ako sa nangyari sa kanya. Halos kasi hindi na siya humihinga at halos maligo sa sariling dugo. Pansin kong napakuluma ng suot na damit na tila isang pulubi pero may itsura. Dali-dali ko siyang tinapik-tapik baka magising kaso hindi. Hapon na at wala na masyadong katao ang nagpupunta dito sa daanan na'to. Baka nayari ang kawawang tao na'to ng masasamang kriminal. Tumawag agad ako ng ambulansya at mabilis silang nakarating at agad nasaklolohan ang kawawang lalaki. Sumama rin ako hanggang hospital. Doon agad siyang dinala sa ICU dahil agad siyang naoperahan. Nagtamo kasi ito ng malalim na sugat.

"Miss ka anu-ano niyo ang pasyente?" tanong ng nurse sakin. Pansin kong may kunting mantsa pa ng dugo ang damit ko.

"A-ano. Hindi ko siya kilala. Nakita ko lang siya doon sa sulok sa may daanan."

"Ah ganon po ba? Naku inoperahan po siya dahil sa mga tinamong sugat at sa awa ng Diyos ay ayos na ang lagay nito."

"Talaga ho? Ay salamat!" Masaya ako dahil nakaligtas ang lalaking yon. Yun nga lang ay mukha itong pulubi kaya paano niya mababayaran ang pag opera sa kanya at sa ibang gastusin niya rito sa hospital? Kaya hindi ako nagdalawang isip na mas mapabuti ang lagay nito. Binayaran ko ang hospital bills at agad na akong umalis. Pinagkatiwala ko na lang sa isang nurse ang lagay nito. Ayaw ko lang kasing masyadong magpakahero.

Kaya heto ako. Walang pera. Walang matutuluyan. At walang makain.

Ako na ngayon ay tila isang pulubi. Pero ayos lang. Nakatulong naman ako sa ibang tao.

"Gusto mo bang tumira kasama ko?" napalingon agad ako dahil biglang may nagsalita. Tiningnan ko siyang mabuti dahil familiar siya sakin. Matangkad, may itsura at ang lakas lang ng dating kaso lang ang seryoso naman ng mukha. May mga kunting marka ng pasa siya sa pisngi niya at sa mga kamay.

Teka?

"Ikaw yung lalaking sugatan?" takang tanong ko sa kanya dahil may nag-iba sa ayos at anyo niya. Maporma.

"Ako nga."

...

A/N: I will very much appreciate my lucky charms if you vote for this and support 'till the end. Hehe.. Thank you! 😘😘

I'm In Love with a MonsterStories to obsess over. Discover now