.
Oktubre 30 2005. im still a third year student na laki sa isang probinya na makalumang paniniwala. Mga matatanda na naniniwala sa Dwende, Laman Lupa, Sapi, Kulam, Barang, Tikbalang at Diwata.
Funny Right.. kung sa mga kabataan ngaun nakakatawang pakinggan ang mga kwento ni kopong kopong kung tawagin but Im telling you maniniwala ka kapag ikaw mismo ang nakaranas ng mga ito like what happen to me and my Family.
Its happen like this.. Hindi ko maintindihan sa batang isip ko kung bakit nauso ang mga sapi sa aming lugar. Sa school mga kaklase o ibang section it happens every now and then. Iniisip ko na para paraan lang nila yun para hindi maka sali sa exam. Di ba pag sinapian ka magkakagulo automatic walang exam plus pahinga kapa..
Isang umaga na wala ang teacher namin nagkakagulo ang mga kaklase ko dahil sa balitang may sinapian daw sa lugar namin.
Cris: Nabalitaan nyo ba c Gina sinapian ng Maria makiling..
Nagtawanan lang kaming lahat ng makarinig. Kahapon lang topic namin ang diwata ngaun may sinapian na tingan mo nga naman ang pgkakataon,
Joan: Nabalitaan ko din yon ang sabi pag sinasapian sya nag aamoy samapaguita katulad ng amoy ng natural na pabango ni Maria Makiling.
Kay: Uu nga daw ang daming tao kina Manay Loida kc gusto magpagamot. Yung iba mag uusisa man din.
Aba kina Manang Loida malapit lang sa bahay namin at kumare ni Nanay bakit hindi ko nabalitaan yun kailangan matanong c Nanay malamang alam nun nangyayari sa bahay ni Manang.
Nakakatawa man yun totoo. Sa isip ko hindi talaga ako naniniwala at si Gina pa talaga eh napaka hinhin nun.. Basta aalamin ko ang totoo.
Nang matapos ang klase namin at mag uwian na saktong madadaanan ko ang bahay ni Manay Loida pauwi. Malayo pa lang ako natatanaw ko na nga ang daming tao derederetso ako sa bahay nila bukas ang gate eh.. Nakita ko ang Nanay ko baka nakikitsimis lang.
" Nay!" tawag ko sa kanya habang may kausap. Lumingon sya sakin at pinalapit ako
"Ineng umuwi kana at mag saing uuwi na din ako maya maya para makapag luto ng ulam inaantay ko lang c Loida nag punta sa kanto."
"Eh Nay intayin ko na lang kayo para sabay tayo" gusto ko kasing mag usisa
" Mauna kana nga nak at nag iintay ama mo dun"
Sumilip muna ako sa loob ng bahay nina Manay upang makita ang nangyayari sa loob ang daming tao yun iba may kandila na nakasindi.
Lumipat ako ng pwesto papunta sa may bintana kasi nakita kong pababa c Gina na naka suot ng puting bestida.
Nagkagulo ang mga tao halos sabay sabay na nag bubulungan.
"mag aamoy sampaguita yan mamaya" bulong na narinig ko at ng lingunin ko kung sino nag salita sa ate Emma pala.
Aba mga kapitbahay ko nandito din pla.
panay ang singhot ko kung maaamoy ko nga din ang sampaguita kasi sabi ng nasa loob ng bahay eh amoy sampaguita na dahil nakakababa na si Gina sa sala.
tsk!! wala talaga akong maamoy. Lilipat na naman sana ako ng pwesto ng may humila sakin. Pag lingon ko si nanay pala na naka pamewang pa.
" Diba sabi ko sayo umuwi kana" napakamot na lang ako ng ulo sayang naman pagkakataon hindi ko naamoy ang sinasabi nila.
"Eh nay ano ba nangyayari din kina manay Loida totoo bang sinasapian c Gina?"
tanong ko habang sabay kaming naglalakad sa eskinita pauwi.
"Naku neng ndi ko din alam tinawag ako ng manay mo at sinapian nga daw ung alaga nya. Eh pag dating ko naman dun napaka dami na agad tao hindi ko na nakausap si Loida"
" Nay baka naman hindi totoo yun"
" Totoo man yun o hindi hayaan mo na"
Usap usapan ang nangyayari kay Gina at kahit ang taga ibang lugar ay dumadayo samin para makita si Gina at maamoy daw ang sampaguita. Kumalat ang balita na nag gagamot daw ito.
YOU ARE READING
Third Eye
Paranormalsabi nga nila espesyal ka kung nakakakita ka ng mga ndi nakikita ng iba kagaya ng mga nakikita at nararanasan ko na hindi pangkaraniwan dahil sa aking third eye👁
